PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

NETIZENS REACT: Violator uses religion after MMDA reprimand

MMDA's Gabriel Go: "Wag mong ginagamit ang relihiyon. Masama iyon, di ba?"
by Bernie V. Franco
Published 1 Hour ago
Gabriel Go
MMDA Special Operations Group Head Gabriel Go (in white) reprimands a violator (in a green sando) for parking his motorcycle on the sidewalk, rejecting the man’s attempt to invoke religion to avoid the penalty.
PHOTO/S: DADA KOO on YouTube

Pinag-usapan ng netizens ang kuhang video sa isang road-clearing operation ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Mapapanood ditong sinita ang parking violator, na humirit ng, “Iglesia naman ako, Sir, e,” na ang tinutukoy ay ang relihiyong Iglesia ni Cristo (INC).

THE PARKING VIOLATION INCIDENT

Nangyari ang insidente noong April 30, 2026, sa Taft Avenue, Pasay City, sa pangunguna ni MMDA Special Operations Group (SOG) Head Gabriel Go.

Ipinost ang video sa YouTube channel na DADA KOO.

Makikita si Go na sinisita ang mga nakaparadang sasakyan sa bangketa along Taft Avenue, kabilang ang mga motorsiko at L-300.

Lumalabas na ang mga sasakyan ay ipinarada sa tapat ng isang talyer.

Ani Go sa mga sasakyan, hindi dapat ipinapagawa at iniiwan ang mga ito sa bangketa dahil nakaharang sila sa mga pedestrian.

“Alam niyo bang puwede kayong matiketan ng environmental sa ginagawa ninyo?”

Isang violator, na may-ari ng isa sa mga motor, ang nagtangkang magpalusot gamit ang pagiging miyembro ng INC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mabilis na sagot ng MMDA officer: “Ay, ano naman?

“Dapat ang relihiyon natin ginagamit natin sa tamang pamamaraan. Hindi po ginagamit iyon para i-excuse.”

Makikitang inakyat ang motor sa tow truck.

Pinuna rin ni Go ang violator dahil hindi nito ibinigay agad ang lisensiya nang hingin ng MMDA enforcer.

Ang dahilan ng violator, kinukuha niya pa raw ito. Lumalabas ding sa talyer mismo nagtatrabaho ang violator.

“Ang hindi ko kasi maintindihan, bakit kasi pinaparada niyo sa bangketa na alam niyong bangketa,” pagsita ni Go.

Giit niya, hindi dapat ginagawa ang mali, tulad ng pag-iwan ng sasakyan sa bangketa, kahit na saglit lang.

“Ang point dito, [kung ano yung] tama o mali. Kahit saglit lang.

“Saka wag mong ginagamit ang relihiyon. Masama iyon, di ba? Tinuturo naman po iyon,” hirit pa niya sa violator.

Nagsasagawa ng clearing operations ang MMDA para sa mga sasakyang ilegal na nakaparke at nakaharang sa mga daanan ng mga tao.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Tips: What to do if you have anger management issues

NETIZENS REACT

Ang isyung ito ay ipinost at pinag-usapan sa Reddit.

Ang title rito ng nag-post: “Using your religion to evade penalties.”

Meron na itong higit 4,000 reactions.

Maraming netizens ang nag-react ukol dito.

May isa na nagbigay ng konteksto tungkol sa paggamit ng violator ng relihiyon niya bilang dahilan.

May isa namang nag-react na nangyayari pa raw ito at ibinabalandra umano ang vehicle stickers ng relihiyon.

May ilang nagpatotoo rito.

Isang violator daw ang pinalusot dahil miyembro ng simbahan ang diumano'y "head ng traffic enforcer" ng Quezon City at that time.

iglesia 1
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
iglesia 2

Pero kinastigo ng maraming netizens ang mga violators na ginagamit sa palusot ang relihiyon.

Sabi ng isa, ganito raw ang “diskarte” ng ibang Pinoy.

iglesia 3
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May iba pa nga raw na nagni-namedrop ng pangalan ng mga pulitiko.

iglesia 4
Iglesia 5
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Iglesia 6
Iglesia 7
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa namang nagpakilalang kasapi ng relihiyon ang nangatuwirang hindi niya kailanman ginagamit ang relihiyon para takasan ang pananagutan.

Iglesia 8

Suma tutal, may mga violators na gumagamit ng kung anu-anong palusot dahil umuubra ito sa ilang mga enforcers.

Sana dumami pa yung gaya ni Gab Go na magpo-focus sa trabaho. In his case, nakaharang ka ba sa bangketa? Yes or no lang ang sagot ng dapat managot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
MMDA Special Operations Group Head Gabriel Go (in white) reprimands a violator (in a green sando) for parking his motorcycle on the sidewalk, rejecting the man’s attempt to invoke religion to avoid the penalty.
PHOTO/S: DADA KOO on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results