PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Recto claims "bribery" attempt; Leviste alleges corruption

Leviste claims Recto and Gardiola asked him to be a "partner" for DPWH projects.
by Rachelle Siazon
Published 3 hours ago
Ralph Recto slams Leandro Leviste's corruption allegation; claims Leviste attempted to bribe him with P1B for Vilma Santos to withdraw in the 2025 elections.
Ralph Recto slams Leandro Leviste's (right) corruption allegation; claims Leviste attempted to bribe him with HPP1B for Vilma Santos to withdraw in the 2025 elections.
PHOTO/S: Ralph Recto / Leandro Leviste Facebook

Mainit ang banggaan sa pagitan nina Ralph Recto at Leandro Leviste matapos silang magbatuhan ng alegasyong may kinalaman sa korapsyon, power struggle, at bribery attempts.

Si Recto ay executive secretary sa ilalim ng gabinete ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. Dati siyang senador, kongresista ng Batangas, at dating finance secretary.

Si Leviste ay Batangas first district representative mula noong 2025. Siya ay founder ng solar energy company na Solar Philippines at anak ni Senator Loren Legarda.

Sumambulat sa publiko ang isyu sa pagitan nila matapos ang maanghang na privilege speech ni Leviste sa Kongreso kahapon, May 5, 2026.

Dito ay tahasan niyang inakusahan si Recto na sangkot umano sa mga maanomalyang proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Batangas.

Read: Vico Sotto wins $1M grant at Bloomberg's Mayors Challenge

LEVISTE ON RECTO-GARDIOLA ALLEGED CONNECTION

Ayon kay Leviste, kasabwat umano ni Recto si Construction Workers Solidarity (CWS) party-list representative Edwin Gardiola.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa ni Leviste, inalok siya nina Recto at Gardiola na maging partner sa pagtukoy ng mga lugar sa Batangas na gagawan ng road-opening projects ng DWPH.

Diumano, ginagamit ni Recto ang kapangyarihan niya bilang miyembro ng gabinete upang suportahan si Gardiola na "malakas daw sa DPWH at maaaring siya na ang bahala sa contractor."

Pahayag ni Leviste: "Sa ibang pagkakataon, ipinagmamalaki din sa akin mismo ni Secretary Recto na bago niya pinopondohan sa DPWH ang mga bypass roads sa Lipa, kinukondisyon pa niya sa mga may-ari ng lupang dadaanan na magbigay sa kanya ng parte ng lupa sa mababang presyo.

"At iba't ibang mga tao ay nagkwento din sa akin na gawain ni Recto ito."

Dawit din sa privilege speech ni Leviste ang asawa ni Recto na si incumbent Batangas Governor Vilma Santos at stepson na si Luis Manzano.

Inakusahan ni Leviste na si Gardiola umano ang nagpondo sa kampanya nina Vilma at Luis noong 2025 elections.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kumandidato noon si Luis bilang vice-governor ng Batangas, pero nabigong makaupo sa puwesto.

"Ayon sa aking tantiya at pananaliksik, mahigit one billion pesos ang ginastos ni Congressman Edwin Gardiola para kay Vilma Santos-Recto at Lucky Manzano [at] sa iba pang nilang mga kandidato at sa sarili niya bilang first nominee ng CWS party-list sa 2025 elections."

Alam daw ni Leviste na tumutulong si Gardiola sa kampanya nina Vilma at Luis dahil siya mismo ay hiningan daw ng tulong ni Gardiola noong April 16, 2025, o ilang linggo bago ang May 2025 elections.

Ipinost pa ni Leviste ang litrato nila nina Gardiola at Recto na kuha umano noong araw na iyon.

Pero liban sa mga alegasyon ni Leviste, wala siyang ipinakitang ebidensiya tungkol sa sinasabi niyang sabwatan at ugnayan nina Recto at Gardiola.

Read: PGMN founder Franco Mabanta nabbed for alleged extortion

RECTO REFUTES LEVISTE'S ACCUSATION

Hindi pinalampas ni Recto ang mga seryoso at mabigat na alegasyon ni Gardiola.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinawag ni Ralph Recto na "national inventor of lies, deranged, and dangerous person" si Leandro Leviste.

"Wala akong ghost projects. Wala akong flood control projects. At lahat ng proyekto ko sa Batangas bilang mambabatas ay may resibo at dama ng tao," diin ni Recto sa kanyang opisyal na pahayag na nailathala sa online news sites.

Pinasinungalinan ni Recto ang sinasabing ugnayan nila ni Gardiola.

"At ngayon, pilit na pilit niyang nilalagyan ng malisya ang koneksiyon namin ni Cong. Edwin Gardiola.

"Ang totoo niyan, ang mga Gardiola ay matagal kong katunggali sa pulitika, naglaban kami sa maraming eleksyon, at nakasama ko lang siya noong 2022 bilang respeto sa isang kapwa Batangueño na congressman."

Binabaliktad daw siya ni Leviste.

Pagsisiwalat pa ni Recto, siya raw ang dalawang beses na sinubukang suhulan ni Leviste sa kagustuhan ng neophyte congressman na makapasok sa pulitika.

Inalok daw siya nito ng PHP1 billion kapalit ng pag-atras ng misis niyang si Vilma sa pagkandidato bilang Batangas governor noong 2025 elections.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Balik-tanaw ni Recto: "Sa unang pagtatagpo pa lang namin, may handa siyang PHP400 milyon at mariin niya akong pinakiusapan na suhulan ang kanyang kalaban sa pulitika upang umatras ito sa kampanya.

"Tinanggihan ko ito.

"Noong sumunod na linggo, hindi pa siya nakontento. Inalok niya kami ng PHP1 bilyon para sa pag-urong ni Governor Vi upang siya ang humalili. Umiiyak ang nanay niya habang ginagawa niya ito.

"Muli, tinanggihan ko ito."

Hindi raw nagsalita noon si Recto alang-alang sa dating kasamahan sa Senado na si Loren Legarda.

"Nakakainsulto. Nakakagalit. Tanging ang respeto ko sa kaniyang ina bilang dating kasamahan sa trabaho ang naging dahilan para hindi ko siya isiwalat at kasuhan.

"Alam ng nanay niya na hindi ko nagustuhan ang usapang ito, kaya't humingi ng tawad sa akin."

Hindi raw tinantanan ni Leviste si Recto.

Read: WHAT PEP KNOWS: Bea Alonzo and Vincent Co's wedding date

RECTO ON EVADING MORE OF LEVISTE'S ALLEGED PERSISTENCE

Hinimok pa raw siya ni Leviste na tulungan umano itong mangamkam ng lupa sa Batangas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sa kanyang baluktot na pag-isip, lahat ng mga bagay ay for sale: tao, dangal, posisyon.

"True to form, reports have reached us about how he engineered a massive vote-buying operation in Batangas, unprecedented in history.

"Kaya't nais kong linawin, noong nanalo si Leandro, nanumpa siya sa akin dahil mayroon siyang paulit-ulit na hinahangad: ang makamkam ang libu-libong ektarya mula sa hacienda ng tubo sa Nasugbu.

"Wala akong kakayahang pagbigyan ang isang maituturing na agaw-lupa. Tinanggihan ko ulit ito."

Desperado raw si Leviste na matabunan ang isyu sangkot ang solar energy company nito.

Kaugnay ito ng PHP24B penalty na ipinataw sa kumpanya ni Leviste dahil sa humigit-kumulang 30 service contracts sa gobyerno na hindi pa umano natutupad ng kumpanya.

"Hindi ko siya pinatawag sa mga pulong. Siya at kampo niya ang parating nangungulit na magkaharap kami.

"Kaya niya ginagawa ito ay para malunod ang kanyang PHP24 bilyon na utang na resulta ng kanyang ghost solar projects—ang kanyang pinakamalaking budol sa pamahalaan at sambayanang Pilipino."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inalmahan din ni Recto ang aniya'y paninira sa kanya ni Leviste sa social media.

"Balitang namumudmod siya ng pera upang siraan ako dahil sa kanyang pagkahayok sa kapangyarihan at pansin.

"Balitang-balita na may Al operations siyang pinapa-andar, factory of lies na ginagamit, at troll farms na pinapatakbo, may hakot crowd business—para sa paninira sa mga miyembro ng Kabinete at ng administrasyon."

Sabay patutsada ni Recto, sana ay nagtayo na lang daw ng solar power si Leviste kaysa nagpakalat daw ng walang basehang impormasyon.

Hindi raw dapat pag-aksayahan ng panahon si Leviste na "baguhang puro ngawa na ni isang dipa ng national highway ay wala pang naipasemento."

Hindi rin daw maatim ni Recto na makipagbangayan kay Leviste na "bitter brat," walang respeto, at sinisiraan kahit ang mismong nanay nito.

"Sa tatlumpung taon ko sa serbisyo, ngayon lang ako nakaharap ng isang taong ganito — mas ganid, mas tuso, manlalansin, at kayang isangtabi ang katotohanan para lamang sa pansariling kapakinabanangan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Cristine Reyes reveals she rejected current BF in grade school

LEVISTE VS. RECTO SOCIAL MEDIA WAR

Bago pa ang privilege speech ni Leviste, mapapansin sa Facebook page ng kongresista na halos araw-araw ang mga tirada nito kay Recto mula mid-April hanggang sa kasalukuyan.

Mula sa isyu ng value-added tax at ayuda sa Batangas, hanggang sa koneksiyon umano nina Gardiola at Recto ay may post si Leviste.

Nag-post din si Leviste ng mga litrato nina Gardiola at Recto na kuha sa ilang okasyon.

Hindi na nakapagtimpi si Recto at sumagot na rin siya sa Facebook sa pamamagitan ng pag-repost ng artcard na nagkukumpara sa mga serbisyo nila ni Vilma sa Batangas laban sa "ingay" ni Leviste noong May 3.

Pinost din ni Recto ang litrato nila nina Leviste at Senator Legarda na kuha nang manumpa sa kanya si Leviste noong 2025.

Sa kasalukuyan, wala pang sagot si Leviste sa mga pahayag ni Recto tungkol sa tangkang panunuhol ng batang kongresista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong Miyerkules, May 6, nagpatutsada lang muli si Leviste ukol sa ugnayan umano nina Recto at Gardiola at sarkastiko siyang humingi ng tawad sa mga kababayan dahil tumulong daw siyang ikampanya ang mga kapamilya ni Recto noong 2025 elections.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ralph Recto slams Leandro Leviste's (right) corruption allegation; claims Leviste attempted to bribe him with HPP1B for Vilma Santos to withdraw in the 2025 elections.
PHOTO/S: Ralph Recto / Leandro Leviste Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results