Taken na ang maganda at sexy actress na si Kim Domingo.
Ito ang isiniwalat ni Kim nang isapubliko niya ang kanyang relationship status ngayong Huwebes, May 7, 2026.
Read: Kim Domingo: Her metamorphosis from sexy star to dramatic actress
Ipinost ni Kim sa kanyang IG Story at Facebook ang litrato kasama ng isang lalaking nakatalikod.
Nakasuot sila ng traditional Korean clothes at parehong nakatalikod habang tanaw sa background ang pamosong Korean tower.
Non-showbiz ang nobyo niya na matipuno ang pangangatawan at mukhang may lahing Thai.
Gamit ang salitang Thai, sabi sa caption ng aktres: "No matter how loud the world is, you'll always be my quiet place.
"And years later, it's still us. Happy 3rd anniversary my love."
Sinundan pa niya ito ng IG Story kunsaan makikita ang mukha ng isang lalaki habang tumikim ng isang inumin sa isang shop.

May sumunod na video si Kim na naroon din sa parehong shop.

Read: Cristine Reyes reveals she rejected current BF in grade school
KIM DOMINGO'S SUPPORTERS
Ngayon lang umamin si Kim na mayroon siyang nobyo.
Ito ay kasabay ng usap-usapan ng ibang netizens hinggil sa isang intrigang inuugnay sa aktres. Hindi pa nagsasalita si Kim ukol dito.
Sinasabi naman ng ibang tagasuporta ng aktres na saksi sila sa matagal na raw na relasyon ni Kim at ng non-showbiz boyfriend nito.
Sa comments section ng Facebook post ni Kim, may ilan siyang tagasuporta na nagsabing minsan na nilang nakita ang lalaki kasama ng dalaga.
Tinawag nila ito sa initial na "J," habang ang isa pang netizen ay sinasabing James ang pangalan ng nobyo ng aktres.

Read: Ralph Recto claims "bribery" attempt; Leandro Leviste alleges corruption
PREVIOUS SIGHTINGS
Noong December 2025, may lumabas na rin sa TikTok na video clip kunsaan kasama niya ang lalaki na kamukha ng nasa post niya ngayon.
Kuha ang video noong maiksi pa ang buhok ni Kim, at makikita roon na magkahawak-kamay sila ng lalaki sa isang pampublikong lugar.
May isa pa silang litrato na kuha naman sa Osaka, Japan.

