Maraming beses napaluha si Dina Bonnevie nang mapag-usapan ang magagandang alaala at maligayang pagsasama nila ng kanyang pumanaw na asawa na si Deogracias Victor "DV" Savellano (Nobyembre 25,1959-Enero 7, 2025).
Kahit sinabi ni Dina na ayaw na nitong umiyak, hindi pa rin niya napigilan ang pagpatak ng luha nang magkuwento tungkol sa mga personal na gamit na naiwan ni DV at ang desisyon ng aktres na lumipat ng bahay.
Ayon kay Dina, ibinigay niya sa mga anak ni DV na sina Marie at DJ ang mga gamit ng kanyang asawa para maka-move on siya.
Lahad niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): “Una, hindi ko makayanan yung mga damit. Kaya sabi ko, 'Marie, DJ, kunin mo yung mga damit ng daddy ninyo.
“'Hindi ko kayang ibenta ang mga damit ng papa ninyo. I am not going to sell any of his clothes, any of his shoes, hindi ko ibebenta. Kunin ninyo.'
“Sabi ko, hindi ako maka-move on.
"Pati yung ginawa ko na, lahat ng accolades [trophies and plaques] niya, every time akong dumadaan, ang bigat... palabas na lang ako ng bahay, maiiyak pa ako.
“Sabi ko, hindi na. Liligpitin ko na lang.
"So, inilagay ko lahat sa box and then, ibinigay ko sa kanila.”
Read: Dina Bonnevie confirms passing of husband DV Savellano
DINA BONNEVIE'S DECISION TO SELL HER HOUSE AND MOVE TO AYALA ALABANG
Ang ipagbili ang bahay niya sa Quezon City at lumipat sa Ayala Alabang, Muntinlupa City, ang isa sa mga malaking desisyong ginawa ni Dina, ilang buwan matapos pumanaw si DV.
Isa raw ito sa mga hakbang ng kanyang healing process.
Saad ni Dina: “Sabi ko, hindi ko na yata kaya sa house.
"I didn’t wanna sell the house kasi pinaghirapan ko yung bahay na yon. I built that when I was 23 years old.
“Pero ang hirap, so I had to move house.
"And then I moved na near my kids. Ayaw kasi ni Oyo na malayo ako sa kanya so I moved to Ayala Alabang.
“I sold my house. Noong una, ayaw ng mga bata.
"Sabi nila, ‘Mommy, huwag mong ibenta ito. Dito kami lumaki. Ayaw naming mawala kasi alam namin ang istorya kung paano unti-unting inipon yung mga muebles.’
“Yung una, wala kaming muebles. We were just lying on the mattress, on the floor.
“Sabi ni Danica, 'Sayang, kasi this house has so many stories to tell.’
"Kaya lang, nung nakikita nilang nahihirapan ako, 'Sige, Mommy, sell it na lang. Gusto namin, malapit ka sa amin.’
“So I moved to Ayala Alabang. Kasi nga, yun ang nakita kong place na puwede kong lipatan.”

DINA ON LOOKING FOR A HOUSE IN AYALA ALABANG
Muling napaluha nang balikan ang mga alaala nila ni DV sa dating tahanan nila sa Quezon City.
Pagbabahagi ni Dina: “I can’t move forward in this house kasi every corner na tingnan ko, yan ang favorite ni DV na upuan.
“And then paglabas ko naman sa garden, nakikita ko yung mga turtle na alaga.
"Minsan, naririnig ko na sumisipol siya kasi he loves to whistle.
“Kapag nagluluto ako sa kitchen, may table kami sa kitchen, every time I cook, nandoon na siya.
"Amoy pa lang, sasabihin ko sa kanya, 'Hindi pa luto. Sige na, you go up muna.'
“Sasabihin niya, ‘Hindi ko na matiis, e. Amoy pa lang, nahahalina na ako.’
“Tapos lalapit siya. He always hugged me from behind. Lagi niyang sinasabi, ‘Ang sarap-sarap magluto ng asawa ko.’ Tapos hahalikan niya ako.
“For a while, ayokong magluto kasi every time I cook, kapag lumilingon ako, parang nandoon siya. Parang I always see him sitting, waiting to taste.
"I always tell myself, 'Hindi, guni-guni ko lang yon.'”
Read: (UPDATED) Vico Sotto wins $1M grant at Bloomberg's Mayors Challenge

DINA BONNEVIE'S PREMONITION
Nang magpasya si Dina na maghanap ng bahay na bibilhin at lilipatan sa Ayala Alabang, hiningi raw niya ang patnubay ng Panginoong Diyos dahil nahirapan siyang makakita ng papasa sa kanyang panlasa.
“It must be part of God’s plan or maybe DV really wanted to go na kapag tapos na, nag-asawa na yung mga anak niya.
“Pagod na siguro siya, ‘Ayoko na, magpapahinga ako.’
"Kasi madalas niyang sabihin yon. 'Pagod na ako, pagod na pagod na ako. Basta nag-asawa na ang mga anak natin.’
“He kept saying it,” sabi ni Dina.
Nagkaroon ng pangitain si Dina noong Disyembre 2024 na baka iyon na ang huling Pasko ng kanyang asawa na pinilit niyang kalimutan.
Pero noong Enero 7, 2025, binawian ng buhay si DV dahil sa abdominal aneurysm.
Matagal bago nakita ni Dina ang bahay na napusuan niya dahil umabot daw sa sampung beses ang “house tripping” nila ng real-estate broker.
Lahad niya: “Wow, ten trips, wala akong makitang house. Sabi ko, 'Lord, hirap na hirap na ako. Can You find me a house kung saan gusto Mo akong lumipat?’
“Tapos yung broker, sabi niya, ‘Ito, wala sa ano, pero ipakita ko na rin sa yo just in case magustuhan mo.’
“Pagtingin ko, tumayo lahat ng balahibo ko. Parang, ito na yata ang house na gusto ko. That was our tenth trip na, kasama ko si Ate ko.
“And then sabi ko, 'Lord, ito na ba yung bahay na gusto Mo para sa akin?’
“Sabi ko, ‘Can You make it clear na ito na?’
“Pagtingin ko sa door, nakaukit, letters GB. Ay, sabi ko, bahay ko ito, Geraldyn Bonnevie. Ito na, so I got na.
“Then si Danica naman, lumipat na rin sa Ayala Alabang, so we’re all in the South."
Pagpapatuloy ni Dina: “God is so good! Kinuha ko na rin ang isang sister ko to live with me. Yung isa kong sister, nakatira na rin sa Alabang.
“Ayan, magkakasama na kami lagi ng sisters ko, and then the kids are always in the house kasi doon na rin sila nakatira. So, mas masaya ngayon.
"Kaya sabi ko, God is good.
"Showbiz was kind to me because nakapag-ipon ako bago nangyari ito."
Isang taon matapos pumanaw si DV, lumipat si Dina sa bahay nito sa Ayala Alabang noong Enero 27, 2026—ang kaarawan ng aktres.
Tiniyak daw ni Dina na ala-una ng madaling-araw nang mahiga siya sa kama para matulog dahil ang paggising niya kinaumagahan ang hudyat ng bagong kabanata ng kanyang buhay.
Read: Dina Bonnevie "starting all over again" after husband's death