PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bernadette Sembrano reveals story behind paper-throwing moment

Bernadette Sembrano finally explains what really happened behind the incident.
by Bernie V. Franco
Published 2 hours ago
Bernadette Sembrano
Bernadette Sembrano looks back on her viral 2015 on-air blunder, when she was caught on camera throwing a crumpled piece of paper during TV Patrol Weekend: “Naalala ko yun parang gustong kong kainin na ako ng lupa."
PHOTO/S: Patrol ng Pilipino Facebook

Binalikan ng ABS-CBN News anchor na si Bernadette Sembrano ang hindi malilimutang eksena habang nagbabalita siya sa harap ng camera.

Ito ay nang masaktuhan ng camera na magbabato siya ng kinumpol na papel on-air sa TV Patrol Weekend noong May 2, 2015.

Sobrang nag-viral ng video na ito.

Umani pa ng batikos si Bernadette dahil sa pagbabato ng papel na inakala pa noon ay tissue.

Inakala kasi ng marami na ganoon magtapon ng tissue ang Kapamilya news anchor.

May kuwento pala sa likod ng insidenteng iyon.

Ibinahagi ito ni Bernadette sa isang February 2024 interview video, na ipinost sa Patrol ng Pilipino Facebook page ngayong Sabado, May 9, 2026.

Ano nga ba ang totoong kuwento sa viral tissue-throwing video ni Bernadette?

Read: Manilyn Reynes recalls heartbreak after Janno Gibbs reunited with Bing Loyzaga

BERNADETTE EXPLAINS VIRAL VIDEO

Lahad ni Bernadette, nagkakatuwaan daw sila noon pero nasaktuhan siya ng camera.

“Madami tayong mga seryosong naibalita sa TV Patrol pero siguro yung tumatak sa ating lahat, para sa akin… oh my gosh! Yung nagka-boo-boo ako on air. Yun talaga naman talaga,” sabi ng nangingiting si Bernadette.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Naalala ko yun, parang gustong kong kainin na ako ng lupa.

“Nagbabatuhan kami ng papel dito sa Weekend News. Pinch hitter lang ako kay Pinky Webb nun, e.

“So, nagkataon lang na wala si Pinky, naglalaro lang kami.”

Ang co-anchor noon ni Bernadette ay si Alvin Elchico.

Sabi pa ni Bernadette: “Pero ang maganda naman dun, even on a weekend, actually anytime, makikita niyo rin naman [na] kaya naming magpakaseryoso, kaya rin namin to loosen up… wag ka lang magpapahuli sa camera.”

Alvin Elchico, Bernadette Sembrano
Bernadette Sembrano went viral in 2015 when she was caught throwing a crumpled paper on-air.
Photo/s: Patrol ng Pilipino Facebook
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Gil Cuerva opens up about trauma, double standard after scandal

BERNADETTE'S BOUT WITH BELL’S PALSY

Isa pang hindi malilimutan ni Bernadette ay ang patuloy siyang nagtrabaho kahit na tinamaan siya ng Bell’s palsy noong 2011.

“It was very hard to read the news because I couldn’t close my eyes or one eye,” pagbabalik-tanaw niya.

“So what I did, while reading the news, para hindi ma-obvious nung viewers, pinipilit kong nakabukas lahat [ng mata].”

Napaka-hectic daw ng schedule niya noon dahil host din siya ng morning show na Umagang Kay Ganda.

Naging anchor siya sa TV Patrol Weekend at pinch hitter kay Korina Sanchez sa TV Patrol newscast.

Bukod doon ay may field work pa siya.

“So, nung hindi ko na magalaw yung mukha ko, ayokong mag-absent.

“Siguro gusto kong labanan na, ‘Hindi, mag-a-anchor pa din ako.’”

Ayaw raw niyang tumigil sa pagtatrabaho kahit weekend.

“Dun ko nilalabanan na parang, ‘Hindi, kaya ko pa ‘to.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malaking bagay raw para kay Bernadette na pinayagan siya ng News department na ipagpatuloy ang trabaho sa kabila ng Bell’s palsy.

Iyon daw ang greatest achievement niya.

Paliwanag niya: “Kasi kung alam niyo lang ang takot ko nun, yung takot na hindi mo maigalaw yung mukha mo. Mahirap yun, ah.

“Parang gusto mong harapin yung takot mo, kasi alam mo pag hindi mo hinarap ang takot mo, kakainin ka pala ng takot mo later on. Mawawala na yung kumpiyansa mo sa sarili mo.”

Sa ngayon, patuloy ang pagtatrabaho ni Bernadette bilang news anchor ng TV Patrol newscast at ng lifestyle magazine show na Tao Po!.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bernadette Sembrano looks back on her viral 2015 on-air blunder, when she was caught on camera throwing a crumpled piece of paper during TV Patrol Weekend: “Naalala ko yun parang gustong kong kainin na ako ng lupa."
PHOTO/S: Patrol ng Pilipino Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results