Naglabas ng reaksiyon si Pasig City Mayor Vico Sotto at ilang mga artista matapos lumikha ng gulo at takot ang di inaasahang putukan ng baril sa senado Miyerkules ng gabi, May 14, 2026.
VICO SOTTO
Nakiisa si Mayor Sotto sa pagdarasal para sa bansang Pilipinas.
Bandang 8:36 P.M., naglabas siya ng maiksing pahayag sa comments section ng kanyang Facebook account.
Sabi niya: "Ngayon ko lang nakita yung kaguluhan sa Senado. For now all we can do is watch and pray for our country.
"Sana ay malinawan ang ating mga isipan at manaig ang konsensiya ng bawat isa (lalo ng mga nasa matataas na posisyon)."
JODI sta. maria
Nagdasal din si Jodi Sta. Maria para sa bansa.

AGOT
Napatanong naman si Agot Isidro kung sino ang may pakana ng putukan.

JANINE GUTIERREZ
Naghayag si Janine ng paghanga sa matatapang na journalists na tuloy sa pagbabalita sa kabila ng nakaambang panganib sa kanilang buhay.
Bahagi ng mensahe niya, "Salamat sa dedikasyon at tapang."
Sa panahon ng social media na walang malinaw na detalye tungkol sa dahilan ng kaguluhan, malaking bagay na may mga taga-media na nag-abang at naghatid ng lehitimong impormasyon.

KIM chiu
Nag-ere ng sentimiyento si Kim Chiu.
Naalarma siya at ni-repost ang video clip kunsaan naiiyak na nagbigay ng live updates si ABS-CBN news reporter Zyann Ambrosio.
Tingin ni Kim, "walang mangyayaring ganito kung kusang susuko ang taong nagsasabi na wala siyang kasalanan."
May tanong din siya sa mga botante: "...eto ba ang binoto niyong senador na nagsasabing magsisilbi sa ating bayan?"

BIANCA GONZALEZ
Nagbigay-pugay din si Bianca Gonzalez sa mga news outlets.
Sa dami ng mga fake news peddlers at trolls, aniya, "news gathering and reporting is criticial for citizens to stay informed and to know the truth."

Ni-repost din ni Bianca ang pagkuwestiyon ng Kapamilya broadcaster na si Zen Hernandez kung bakit may mga senador na humihingi ng saklolo sa National Bureau of Investigation (NBI) gayong may mga Philippine National Police officers na designated security personnel sa senado.
Ayon pa kay Hernandez, kataka-takang hindi pinayagang makapasok sa loob ng gusali ang PNP noong naganap ang putukan.

AWRA BRIGUELA
Nag-repost sa X si Awra Briguela ng meme na nagpapakita ng "disparity" sa pagitan ng mga senador at journalists na nag-cover ng gunfire incident.

Mikoy morales
Para naman kay Mikoy Morales, kataka-taka raw na hindi agad natukoy kung sino at bakit nagkaroon ng putukan sa senado.
Tila isang "shooting" sa pelikula raw ang nangyaring insidente.

Natabunan tuloy ang mahahalagang isyu sa senado.
Ilan sa mga ito ay ang pag-transmit ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte, ang arrest warrant ng International Criminal Court laban kay Senator Bato dela Rosa, at patuloy na imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects.
Tila sumakto naman ang ending na naisip niya.

SENATE GUNFIRE INCIDENT: WHAT HAPPENED?
Naganap ang putukan ng baril habang nasa gusali pa ang piling mga senador at members ng media na nag-aabang ng updates.
Kabilang dito ang ikatlong araw ni Senator Bato dela Rosa, na ayon sa state-owned newswire service na Philippine News Agency, ay "under the protective custody" ng senado.
Isama na rin ang pagdating ng mga bulto-bultong dokumento kaugnay ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Tapos na ang sesyon ng mga senador noong araw na iyon.
Wala na sa gusali ang minority bloc na kinabibilangan nina Senators Tito Sotto, Kiko Pangilinan, Panfilo Lacson, Lito Lapid, Sherwin Gatchalian, Rissa Hontiveros, Bam Aquino, Erwin Tulfo, at Raffy Tulfo. Nag-uwian na sila.
Ayon sa mga ulat, bandang 7:46 P.M. narinig ang magkakasunod na putok sa loob ng gusali.
Nasa second floor ang mga miyembro ng media at dinig na dinig doon ang putukan, base na rin sa mga videos na kuha during live reports.
Makikitang umatras nang bahagya ang mga reporters at cameramen, pero nanatili sila sa lugar at patuloy na nagbigay ng updates.
Hindi agad natukoy kung sino ang nagpaputok ng baril, pero sinasabing walang taong tinamaan sa insidente.
Ayon sa press briefing ni Palace Press Officer Claire Castro ngayong tanghali, May 14, tinukoy niyang si Mao Aplasca ng Senate Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) ang unang nagpaputok ng baril.
"Warning shot" daw ito dahil may namataan siyang NBI agent sa Government Service Insurance System (GSIS) Financial Center, kung saan nag-oopisina ang senate.
Pahayag ni Castro: “When they arrived at the bridge within the GSIS premises, the OSAA approached the NBI agent who was just seated together with a blue guard from GSIS.
“The agent identified himself and upon stating their identities, Sergeant-at-Arms Mao Aplasca immediately fired a warning shot.
"Because of that, the NBI agent was also compelled to fire a warning shot.”
Diin pa ni Castro: "There was no operation to arrest dela Rosa."
SENATORS SEEN INSIDE THE PREMISES
Halos magkakasunod namang nag-Facebook Live ang mga senador na sina Imee Marcos, Bong Go, Alan Peter Cayetano, Jinggoy Estrada, at Mark Villar at nagbigay ng updates kung saan sila pumuwesto matapos ang putukan.
Base sa video ni Estrada, safe siya at ang iba pa niyang mga kaalyadong senador na nagsama-sama sa isang kuwarto.
Nag-post din ng mga litrato si Go, at dito makikitang magkakasama na sila nina Imee Marcos, Go, Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano, Loren Legarda, Mark Villar, Camille Villar, Joel Villanueva, at Robin Padilla.

Sinasabing naroon din sa gusali si Bato dela Rosa, pero hindi ito nakitang kasama sa kuwarto ng mga kapwa senador.

STATEMENTS FROM NBI, PRESIDENT MARCOS JR.
Kalaunan, nilinaw ni NBI Director Melvin Matibag na wala siyang agents na nasa premises ng building noong naganap ang gunfire incident.
Taliwas ito sa impormasyong kumalat na NBI ang may likha ng putukan.
Naglabas din ng official video statement si President Ferdinand Marcos Jr. na "hindi gobyerno" ang may pakana ng gulong nangyari.
"Walang pumasok na taga-labas na sundalo, militar, o NBI sa senado," paglilinaw niya.
Ang mga uniformed personnel daw na nasa lugar ay regular na security and police personnel na assigned sa senado.
BATO DELA ROSA LEAVES SENATE PREMISES
Ngayong Huwebes, May 14, naiulat na bandang 2:30 A.M. ay nakaalis na umano sa senado si Bato dela Rosa.
Ito ay sa gitna ng nakaambang warrant of arrest ng International Criminal Court, na tinukoy siyang "indirect co-perpetrator" sa crimes against humanity na kinakaharap ni dating President Rodrigo Duterte.
Bigo si dela Rosa sa hiniling niyang temporary restraining order mula sa Supreme Court.
Pero inutos ng high court na magkomento ang executive secretary, NBI, Department of Justice, at Philippine National Police sa mosyon niya tungkol sa validity ng arrest warrant ng ICC.
Sa kabilang banda, naglabas ng pahayag si Senator Risa Hontiveros.
Kinumpirma niyang bago ang putukan ay nakauwi na ang mga miyembro ng minority bloc dahil tapos na ang sesyon.
Tingin niya, nagkagulo sa senado dahil sa isang di pinangalanang tao na ayaw daw harapin ang batas.
Siniguro niyang anuman ang nangyari ay magpapatuloy ang trabaho sa senado.
