Walang ligawan at walang pang balikan sa pagitan ng dating mag-partner na sina Katrina Halili at Kris Lawrence.
Ito ay sa kabila ng sweetness at closeness na napapanood ng netizens sa kanilang contents sa social media.
Ito ang binigyang-diin ni Katrina sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng media conference ng Kamao, ang pinakabagong Afternoon Prime series ng GMA-7, kahapon, May 18, 2026.
Saad ng aktres tungkol sa estado ng relasyon nila ngayon ni Kris: "Siguro, di ba nga, noong nag-open na ako na maging okay na po kami ni Kris, ayan, nagdire-diretso na po.
"Kasi nakampante na rin naman ako. Alam mo yung, step by step, nagiging kampante kami sa isa't isa.
"Kaya nakikita siguro nila yung chemistry na parang, 'Uy, nagiging okay,' ganyan."
Taong 2013 naghiwalay sina Katrina at Kris.
Mayroon silang isang anak na babae, si Katrence o Katie, 13.

Paano sila nag-reconnect mula noong naghiwalay sila?
Lahad ni Katrina: "Yung main na nag-connect sa amin po is Katie.
"Kasi, last year kasi, marami akong realization. Marami akong naisip na parang, andami kong pagkakamali sa anak ko na ako yung kasama.
"So, kung anuman po yung tingin ko na mga pagkukulang ni Kris bilang tatay kay Katie, e, isantabi ko na.
"Makipagtulungan na lang ako sa... alam mo yung maging okay na.
"Kasi dati, civil lang kami. Civil lang kami.
"Parang, 'Puntahan mo si Katie, okay. Kung ayaw mo, di huwag. Magbigay ka, okay. Kung ayaw mo, di huwag.'
"Tapos, nagna-nod lang ako tuwing nakikita ko siya. Never kami nag-uusap.
"So, parang last year, parang marami akong realization na natatakot ako. Pag nawala ako, paano yung anak ko, mga ganun.
"So, parang yon, hanggang sa in-open ko na yung sarili ko na maging okay na kami ni Kris."
Read: Kris Lawrence on how Katie inspired him to overcome creative slump
KATRINA ON KRIS: "ngayon ko pa lang ulit nakikilala yung bagong siya."
Marami ang kinikilig na parang nagmamahalan muli sina Katrina at Kris.
Bakit wala pang balikang nagaganap?
Paliwanag ni Katrina: "Sa ngayon, ang in-open ko po kasi is yung magtulungan kami kay Katie.
"Tsaka ang pagkakakilala ko kasi kay Kris before, e, yung noon pa po, twelve years ago.
"So, parang ngayon... kaya nga hindi ko siya pinapansin dati kasi marami akong ayaw, di ba?
"I mean, hindi naman maraming ayaw. Parang, marami akong sinabi na parang, 'Dapat tatay ka, ganito, ganito, ganito.' Di ba po?
"So ngayon, parang... basta lahat kasi kami... Ayaw ko na pong magbuhat ng sarili kong bangko, pero lahat kami immature dati.
"Ako, bata pa ako. Pero siyempre bilang naging nanay ako nang maaga pa, alam mo yung ang dami kong parang, 'dapat ganito,' alam mo yun? Ganun po.
"Tapos siya, siyempre binata pa rin po siya nun. Bata pa din po siya.
"So, parang ngayon, ngayon ko pa lang ulit nakikilala yung bagong siya.
"Like ako, kung sino man ako dati, iba din po ako dati. Ngayon, iba din po ako dahil sa mga experience na pinagdaanan ko."
Naniniwala ba siya sa kasabihang "love is lovelier the second time around"?
Ayon kay Katrina: "Sabi ko naman po, open naman po tayo pag nararamdaman po natin na siguro yun.
"Ayoko pong... ayoko pong magbigay po ng ano na parang okay na.
"Mararamdaman mo naman po siguro yun pag ready na."
Samantala, ginagampanan ni Katrina ang role ni Nadia Batumbacal, ina ni Makmak, played by Anton Vinzon sa Kamao.
Mapapanood ang Kamao sa GMA-7 simula sa May 25, 2026, 3:20 ng hapon, Mondays to Fridays.
Read: Amy Austria recalls how Facebook rekindled friendship with Hilda
