Nagpahiwatig si Daniel Padilla, 31, na magkasama sila ng girlfriend niyang si Kaila Estrada, 30.
Read: James Reid name-drops Kathryn Bernardo; Daniel Padilla reacts
Sa Instagram Story ni Daniel kahapon, May 20, 2026, ipinakita niya ang litrato ng isang babaeng nakatalikod na nasa loob ng isang shop.
Mahaba ang buhok ng babaeng nakasuot ng cropped black top at denim pants.

Mabilis itong napansin ng netizens.
Nakumpirmang si Kaila ang kasama ng aktor dahil makalipas ang halos isang oras ay nag-post si Kaila ng selfie niya.
Tugma ang outfit niya sa babaeng nasa IG Story ni Daniel.

Kinilig ang fans sa low-key update ni Daniel sa kanila ni Kaila sa kanyang Instagram account, lalo pa't hindi kaila sa netizens na bihirang mag-post ang aktor tungkol sa private life nito.
DANIEL PADILLA AND KAILA ESTRADA MEET WITH FORMER COLLEAGUES
Kamakailan lang ay namataan din ang couple na nakasama ang dating mga katrabaho sa defunct Kapamilya primetime series na Incognito.
Kasama nilang nag-dinner sa restaurant sa Tanay ang direktor na si Lester Pimentel Ong at ang co-star nilang si Anthony Jennings.

Nag-hard launch sina Daniel at Kaila sa 31st birthday celebration ni Daniel kunsaan ipinamalas nila ang pagtatangi nila sa isa't isa.
Ipinost noon ni Kaila ang litrato nila ni Daniel na magkayakap at matamis na nakangiti sa kung sino mang kumuha ng litrato.
Read: Kaila Estrada joins Daniel Padilla’s family at his birthday bash
Nakunan din si Kaila ng video na tila nag-"I love you" kay Daniel.
