Tuloy ang pagpapalabas ng VMX ng mga mapangahas na pelikula maging noong Semana Santa.
Martes Santo, Marso 31, 2026, nag-streaming sa VMX ang launching movie ni Apphle Celso na Scorpio Nights 4, kasama sina Sahara Bernales, Albie Casiño at Marco Mora, sa direksiyon ni Bobby Bonifacio Jr.
May pralala na kesyo ito ang boldest Scorpio Nights ever.

Ewan kung sang-ayon ang Team Scorpio Nights 3 (2022) kung saan bida sina Christine Bermas, Gold Aceron, at Mark Anthony Fernandez, sa direksiyon ni Lawrence Fajardo.
Sabado de Gloria, Abril 4, 2026, nag-streaming ang Stepdaddy, na glorious comeback ni Jamilla Obispo.
Noong 2023 huling nagpasiklab si Jamilla sa pelikulang Litsoneras at seryeng High (School) on Sex 2.
May follow-up project si Jamilla, ang pelikulang Sugarmommy na mag-i-streaming sa Hunyo 9, 2026.
Co-stars niya rito sina Ashley Lopez, Aerol Carmelo, at Rash Flores, sa direksiyon ni Christopher Novabos.
Habang kainitan ng tag-araw, tuloy ang maiinit na pelikula sa VMX. Hindi alintana ng VMX ang pagsulpot ng iba pang streaming platforms na may mga erotiko ring payanig.
Kagaya ng dati, ang mga babae ang pino-promote ng VMX online.
Ang VMX babes na nagpauga at nagpayugyog noong Abril ay sina Astrid Lee, Christy Imperial, Karen Lopez, Aliya Raymundo, Ashley Lopez, Apphle Celso, at Margaret Diaz. Andiyan din sina Jamilla Obispo, Rhian Rivera, Amor Lapus, Dara Lima, Adriana Roces, Princess Flores, Aya Fortes, Rinoa Halili, Shannon Sizon, Joana Maui, at Victoria Nash.
Read: VMX movies that turned up the heat in March 2026
STEPDADDY
Romance drama (1 hour 12 minutes) directed by Christopher Novabos.
Nag-streaming noong Abril 4, 2026, Black Saturday.
Pinakasalan ni Karl (Jhon Mark Marcia) si Joyce (Jamilla Obispo). Siyempre, meron silang mukbangan.
May dalawang anak na babae si Joyce, sina Chloe (Astrid Lee) at Nica (Christy Imperial).
Natukso si stepdaddy sa dalawa niyang stepdaughter, na halinhinang nagpasasa sa kanyang kadakilaan.
Nang mag-threesome sila, caught in the act sila ni mommy.
Swak ba sa Holy Week ang katapusan ng istorya?

SAWSAWAN
Sexy drama (1 hour 13 minutes) directed by Rodante Pajemna Jr.
Nag-streaming noong Abril 10, 2026.
Umpisa pa lang, umaatikabo na ang sawsawan at subsuban nina Dolor (Karen Lopez) at James (Jio Yoshida). Tagaktak to the max ang kanilang pawis dahil sa klieg lights.
Probinsyana si Dolor, nagtitinda ng barbecue, isaw at hotdog. Pangarap niyang makapag-Maynila.
May eksena siyempre na nagtitimpla si Dolor ng sawsawan. Nakipagsarapan kapagkuwan si Dolor sa pahinanteng si Mario (Joko Rivera).
Hopia si Dolor na dadalhin siya ni Mario sa Maynila. Niloloko lang ni Mario si Dolor.
Kaulayaw ni Mario ang hitad na si Myrna (Amor Lapus).
Enter Dr. Jimenez (Aeron Cruz). As expected, nakipagsawsawan si Dok kay Dolor. At pati kay Myrna.
Kaibigan ni Dolor sina Basti (Allen Legazpi) at Ada (Rhian Rivera).
Mahal ni Basti si Dolor. Alam iyon ni Ada.
Bet ni Ada si Basti.
Nagsawsawan sina Basti at Ada, pero in the end, sina Dolor at Basti ang nagkasugpungan.

HALINA NI ALIYA
Special feature (1 hour 9 minutes) directed by Rodante Pajemna Jr.
Nag-streaming noong Abril 14, 2026.
Salaysay ni Aliya Raymundo na tubong-Nasugbu, Batangas: “Noong nag-18 years old ako, doon ako nag-start mag-model. Nagpo-photo shoot ako ng mga sexy.
“And then hanggang sa nakontak ako ni Boss Toyo. Kinuha niya ako as a dancer sa show niya. And then, ayun na.
“After ilang months, kinontak na ako ni manager, ni Jojo [Veloso]. And dun ako nag-start mag-VMX.
“Kaya ako pumasok sa VMX, dahil gusto ko yun. Dahil gusto kong mag-artista.”
Sa isang taon ay nakasampung VMX movies si Aliya.
Sa Halina ni Aliya, nagbalik-tanaw siya sa memorable scenes niya sa siyam na pelikula: Elevator Lady with Albie Casiño Violet with Christy Imperial and Dani Yoshida
Kalakal with Gold Aceron 69 with Mhack Morales
Maalikaya with Jenn Rosa Mayumi with Marco Mora and GBoy Pablo
Salikmata with Aerol Carmelo
Mamasan with Van Allen Ong and JJ Marquez
Ekis with Cheena Dizon
Read: GMA-7 bags 2 bronze medals and 7 finalist certificates at 2026 New York Festivals TV & Film Awards

TAYUAN 2
Sexy drama (1 hour 10 minutes) directed by Topel Lee.
Nag-streaming noong Abril 17, 2026.
Sequel ng Tayuan (2023).
Andito pa rin ang kundoktor na si Rico (Chester Grecia), at sandamukal pa rin ang mga eksena sa bus, at trip-trip na standing position.
Ang central character ay ang babaeng kundoktora na si Rhea (Ashley Lopez), na inibig ng pasaherong si Marco (Marco Mora).
Ulila na sa magulang si Rhea, at ang younger brother niyang si Jio (Ram Abrera).
Madilim ang kitchen scene ni Jio sa kung sinong babae.
Chiaroscuro. Silhouette.
Ganoon din iyong isang pagniniig nina Rhea at Marco.
Nakatikiman ni Rico ang katrabahong si Len (Adriana Roces), ganoon din si Rhea. Nax-explore din si Rhea with the passenger Brigitte (Princess Flores).
Nag-threesome sina Rhea, Brigitte at Marco, at biglang may sumulpot na isa pang babae.
Si Arlene (Dara Lima) ba iyon, o si Leigh (Twinkle Santiago)? Instant foursome.
Konti pang drama-drama, at nakarating ang pelikula sa wakas.

KESONG PUTI
Sexy drama (1 hour 15 minutes) directed by Rodante Pajemna Jr.
Nag-streaming noong Abril 24, 2026.
Hindi ito remake ng 1999 ST movie ng Seiko Films na Kesong Puti, written and directed by Mauro Gia Samonte, at pinagbidahan ni Klaudia Koronel kasama sina Anton Bernardo, Deborah Carpio, Fernando Montenegro, at Roy Rodrigo.
Sa umpisa ng 2026 Kesong Puti, nag-demonstrate si Lena (Apphle Celso) ng paggawa ng white cheese.
Ulila sa magulang si Lena, at nag-iipon ng pan-tuition.
Natunton siya ng pinagkautangan niyang si Eloy (Mark Dionisio).
Naningil si Kuya Eloy. Bilang bayad sa utang ni Lena, nagbahay-bahayan sila.
Kapagkuwan ay nakilala ni Lena si Manny de Leon (Van Allen Ong) na supplier ng dairy products.
Kalaro ni Manny ang may-asawang si Kim (Aya Fortes). Kapagkuwan ay sina Manny at Lena na ang magkalaro.
Umeksena ang pokpokitang si Shena (Rinoa Halili), na nakipagbembangan sa estudyanteng si June (Edison Fernandez).
Kamukat-mukat mo ay sina Shena at Manny na ang playmates.
At sa sukdulan ay threesome sina Lena, Manny at Shena.
Nagwakas ang pelikula sa paglalako ni Lena ng mas pinasarap na kesong puti.

BARUROT 2
Sexy drama (1 hour 12 minutes) written and directed by Quiel de la Cruz.
Nag-streaming noong Abril 28, 2026.
Credited si Roman Perez Jr. bilang director of photography at creative producer.
Sila ni Quiel ang magkatuwang sa pagbuo ng istorya.
Nasa credit si June T. Rufino bilang supervising producer.
Sequel ng Barurot (2025).
Marco pa rin ang pangalan ng tricycle driver na ginampanan ni JC Tan.
Tinagurian si Marco na Barurot King. Nasasagwaan si Marco sa tawag na iyon.
Malikot pa rin ang dila ni Marco, naglalakbay sa iba’y ibang burol at bundok.
Tatlo muna ang magkakasunod na pakikipaglambitin ni Marco sa mga babae, kabilang si Lhen Lhen (Shannon Sizon).
Ang galing-galing ni Marco sa standing position.
Kapagkuwan ay tatlo rin ang loving-loving nina Maya (Margaret Diaz) at Rap (Aerol Carmelo). Isa roon ay sa tricycle.
Magkaibigan sina Maya at Lhen Lhen, ganoon din sina Rap at Marco.
Call center agent si Maya na gustong maging singer sa Korea. Tricycle driver na virgin si Rap.
Napag-usapan nina Rap at Maya ang pagpapagawa ng ilong.
Nasa cast din sina Joana Maui bilang Rita, at Victoria Nash bilang V.

Read: House of Lies and Never Say Die end strong in TV ratings
