Binasura ng Office of The Prosecutor ng Maynila ang reklamong child abuse laban sa aktor na si Rob Sy at sa partner niyang si Jovelle Bacosa.
Ito ang ibinalita ni Rob sa kanyang Facebook post ngayong Miyerkules, May 27, 2026.
Ibinahagi niya ang huling pahina mula sa 10-page resolution na may petsang May 12.
Sabi ng prosecutor, nag-ugat ang reklamo laban kina Rob at Jovelle dahil hindi nila umano nagawang suhetuhin at bantayan ang kanilang anak.
Naging sanhi umano ito ng "predicament" ng anak ng complainants.
Pero ayon sa resolusyon, walang sapat na basehan ang alegasyon laban kina Rob at Jovelle.
"However, such argument appears to be merely based on speculation.
"Allegation is not in itself evidence," saad ng piskal na pumirma sa resolution.
Dagdag nito, walang "prima facie evidence with reasonable certainty of conviction" para kasuhan ang respondents ng paglabag sa Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Ang pag-establish ng prima facie evidence ay alinsunod sa inilabas na 2024 Department of Justice-National Prosecution Service (DOJ-NPS) Rules on Preliminary Investigations and Inquest Proceedings.
Nakasaad sa probisyon nito na makikitaan ng quantum of evidence ang isang reklamo base sa "evidence-at-hand, including but not limited to testimonial evidence, documentary evidence, and real evidence."
Dapat daw ma-establish din na lahat ng elemento ng isang "crime or offense and such evidence, on its own and if left uncontroverted, shall be sufficient to establish all the elements of a crime or offense charged, and consequently warrant a conviction beyond reasonable doubt."
Read: Rob Sy strongly denies bullying allegation against his son
rob sy sued by alfred vargas
Hindi binanggit ni Rob ang pangalan ng complainants.
Pero naiulat sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong 14 na dinemanda sina Rob at Jovelle ni Alfred Vargas at misis nitong si Yasmine.
Diumano, may ilang insidente kunsaan binully ng anak ni Rob ang anak ni Alfred.
Parehong menor de edad ang mga bata.
Reklamo nina Alfred at Yasmine, binalewala umano nina Rob at Jovelle ang makailang-beses nilang pakiusap na ayusin ang isyu.
Nagdesisyon umano sila na gumawa ng legal na aksyon dahil sa sumunod na insidenteng naganap noong February 2026.
Read: Alfred, Yasmine file complaint vs parents of son's alleged bully
ROB SY INSISTS NO TRUTH TO THE ALLEGATION
Sa kanyang latest official statement sa Facebook, nanindigan si Rob na hindi umano totoo ang alegasyong "bully" ang anak nila ni Jovelle.
Sabi niya: "Hindi po bully ang aming anak at sinisiguro po namin na sya ay aming pinapalaki ng maayos, at kung nagkakamali ay aming itinatama at dinidisiplina.
"Gaya ng maayos na pagpapalaki sa amin ng aming mga magulang, hangad din namin na mapalaki ng tama ang aming anak."
Dagdag niya: "Mula pa lamang sa simula, nanindigan kami na ang reklamong ito ay isang kalkuladong 'Narrative Reversal' at isang pagtatangkang baliktarin ang tunay na pangkalahatang kwento gamit ang media portrayals at emotional theatrics imbes na objective facts at totoong ebidensya.
"Sa kabila ng online hostility, cyberbullying, at maagang paghusga ng ilan na aming tiniis sa buong ordeal na ito, pinili naming huwag sumabay sa Pampublikong Drama.
"Sa halip, umasa kami sa tahimik ngunit matibay na bigat ng Objective Truth, Verified Clinical Psychological Evaluations, at Institutional Validation mula sa mga tamang awtoridad."
Sinabi rin niyang itinuturing niyang "vindication" ang desisyon ng piskal na ibasura ang reklamo laban sa kanila ni Jovelle.
Sa ngayon ay prayoridad daw nila ni Jovelle na pangalagaan ang kapakanan ng anak.
"Moving forward, ang ultimate goal namin ay tuluyang ma 'Fireproof' ang aming anak mula sa epekto ng masakit na kabanatang ito.
"Ang absolute priority namin ay protektahan ang kanyang kapayapaan, emotional security, at overall well-being, at siguraduhing lalaki siyang ligtas, matatag, at protektado ng katotohanan.
"Sa ibang mga menor de edad na nadamay, hangad namin na kayo ay maprotektahan at malagpasan ninyo ang ano mang epekto mayroon ang mga pangyayaring ito na hindi lamang na confine sa loob ng City Prosecutors Office kundi lumabas at naging laman din ng pampublikong diskurso."
Nananatiling bukas ang PEP sa anumang pahayag ng mga pesonalidad na nabanggit sa artikulong ito.
