Umaani ng matinding batikos mula sa netizens ang argumento ni Senator Robin Padilla tungkol sa "force majeure."
Miyerkules ng gabi, May 27, 2026, nag-post sa kanyang Facebook account ang actor-politician ng art card na naglalaman ng ganitong mensahe (published as is):
"War/gera/digmaan sa Gitnang Silangan na nagreresulta na ng terorismo sa iba't ibang parte ng mundo, Ang napipintong pagkadawit ng Pilipinas sa China-Taiwan conflict. Hindi po ba ito force majeure?"
Hindi direktang tinukoy ni Padilla kung ano ang pinanggagalingan ng kanyang post, ngunit pinaniniwalaang sagot niya ito sa paliwanag ni Senator Risa Hontiveros kung bakit hindi maaaring ikumpara ang isinusulong ngayong videoconferencing ng Senate majority sa nangyari noong 2021 kung saan pinayagan ang pagsali sa sesyon at committee hearings ni dating Senator Leila de Lima.
Saad ni Hontiveros sa kanyang Facebook post kahapon din: "Hindi pwedeng ikumpara itong 'videoconferencing' push ng Senate majority ngayon sa panawagan noong 2021 para payagan ang pagsali sa sesyon at committee hearings ni noo'y Senator De Lima.
"Una, COVID pandemic noon at ang Senado, gaya ng ibang institusyon, ay naka video-conferencing. The Senate Rules only allow videoconferencing due to force majeure or occurrence of national emergency. Wala namang pandemic ngayon.
"Pangalawa at mas importante, si Senator Leila noon ay sumuko, na-detain at rumespeto sa proseso ng batas.
"Then and now, there should be respect for legal authority. The Senate should not pave the way for a member to continue to vote, influence policies and receive institutional benefits of office - despite refusing to submit to lawful arrest or judicial authority.
"To whom much power is given, much responsibility is expected. Kaming mga senador ay dapat pumasok, humarap sa publiko at magtrabaho."
Naging mainit na talakayan sa Senado noong Martes, Mayo 26, ang itinutulak ng kasalukuyang Senate majority na pag-amyenda sa Senate rules tungkol sa video conferencing na ang layunin umano ay upang payagang makadalo sa mga sesyon ang nagtatago ngayong si Senator Ronald "Bato" dela Rosa.
Nauwi sa walk out ng mga miyembro ng Senate minority ang diskusyon tungkol sa isyung ito.
Si Padilla ay kabilang sa mayorya, habang si Hontiveros ay nasa minorya.
Read: Robin Padilla dodges questions on role in Bato dela Rosa’s escape
SENATOR PADILLA DRAWS FLAK FOR HIS "FORCE MAJEURE" ARGUMENT
At press time, nakakuha na ng mahigit 43.1K reactions (37K dito ay laughing emoji) at 6.6K comments ang post ni Padilla.
Kung babasahin ang mga komentong naka-post sa mismong Facebook page ng senador, kapansin-pansing halos lahat ay mga batikos at pangungutya sa argumento niya.
Tanong ng isang netizen (published as is): "If you consider these events as force majeure, then why amend the Senate rule? The rule already clearly states that video conferencing and remote participation are generally prohibited unless physical attendance becomes impossible due to a declared national emergency or force majeure."
Pagpuna naman ng isang netizen: "Lumilikha ka ng kasamang pangitain para lang ma-justify Ang pinipilit ninyong rules. Ganyan na ba kababa Ang kaisipan ng Isang Senador ngaun? Tingin mo ba Hindi nag-iisip at nagmamatyag Ang Taumbayan sa lahat ng mga pinagsasabi at pinaggagawa ninyo dyan sa Senado? Nakakahiya na kayo!"
Mayroon ding netizens na nagpaliwanag kung ano ang tunay na kahulugan ng "force majeure."
Saad ng isa: "Ang force majeure ay isang legal na konsepto para sa mga hindi inaasahan (unforeseen) at hindi maiiwasang (unavoidable) pangyayari na nagaganap na. Hindi po ito pwedeng ilapat sa mga sitwasyong 'napipinto' o posible pa lang mangyari sa hinaharap. Ang banta ng tensyon sa China at Taiwan ay itinuturing na geopolitical risk na nangangailangan ng diplomasya, at hindi legal na basehan para sa force majeure. Malaki po ang pagkakaiba ng dalawa."
Idinaan naman ng ilan sa kasabihan ang kanilang batikos sa senador:
"Matibay na example si Robin sa kasabihang: 'Better to keep your mouth shut and be thought of a fool, than open it and remove all doubt'"
"Your thoughts wander like a map without a compass—moving, yet never arriving."
"Wisdom has been chasing you, but you have always been faster"
"The loudest cans are often empty"
May ilang ding binalikan si Padilla sa kawalan nito ng "legal background," na naging pasaring ng kaalyado niyang si Senator Rodante Marcoleta kay Hontiveros sa diskusyon nila sa Senado noong Miyerkules.
At mayroon ding mangilan-ngilan na nagtanggol at sumang-ayon kay Padilla.
Read: Bela Padilla on uncle Robin: "We manage to agree to disagree."
PADILLA FURTHER EXPLAINS THE MEANING OF "FORCE MAJEURE"
Makalipas lamang ang ilang sandali mula nang i-post ni Padilla ang argumento niya, nag-post siyang muli para sa mas "malawak" na kahulugan ng force majeure.
Dito ay iginiit niyang tama ang kanyang punto.
Nakasaad dito (published as is): "Ito po ang Malawak na meaning ng force majeure.
"Upang maunawaan ang force majeure, kailangang suriin kung paano ito gumagana sa mga kasunduan at kung ano ang saklaw nito:
"Ano ang Itinuturing na Event o Kaganapan?
"Upang magamit ang sugnay (clause) na ito, ang kaganapan ay dapat na walang kontrol ang apektadong partido at hindi bunga ng kanilang sariling pagkakamali o kapabayaan.
"Kasama sa mga karaniwang halimbawa ang:
"Mga Gawa ng Diyos (Acts of God): Baha, lindol, bagyo, o malubhang lagay ng panahon.
"Mga Kaguluhang Gawa ng Tao: Giyera, pag-atake ng terorista, riot, o welga ng mga manggagawa (labor strikes).
"Mga Kilos ng Pamahalaan: Biglaang pagbabago sa batas, embargo, o mga pambansang lockdown.
"Malinaw naman po
"Bagyo
"Baha
"Lindol
"Gera
"Terrorismo
"at ayon sa pandaigdigan na babala, paparating ang matinding la ni?a dahil sa matinding el ni?o.
"Hunyo–Agosto 2026: Yugto ng Transisyon (Transition phase). Malaki ang posibilidad na magsimula ang El Niño, na magreresulta sa pagtatapos ng maikling estado ng ENSO-neutral sa tropikal na Pasipiko.
"Oktubre 2026: Inaasahang mararamdaman na ang malubhang epekto nito, na posibleng magdulot ng mas mababa sa normal na dami ng ulan sa 49 na lalawigan.
"Huling bahagi ng 2026–Akap ng Maagang 2027: Tinatayang aabot sa sukdulan (peak) ang phenomenon na ito, na may seryosong banta na lumala at maging isang 'napakalakas' (very strong) o matinding kaganapan ng El Niño.
"Akala ko ba pro active ang dating majority?"
Habang isinusulat ang artikulong ito, mayroon nang 28.6K reaction (mahigit 25K dito ay laughing emoji) at 4.8K comments.
Gaya sa nauna niyang post, karamihan ng mga nagkomento sa pangalawang post na ito ni Padilla ay pambabatikos at pangungutya sa kanya.
Argumento ng isang netizen (published as is): "Hindi sapat na gamiting batayan ang 'force majeure' para sa pag-allow ng video teleconferencing sa sesyon ng Senado dahil ang mga binabanggit na geopolitical tensions at conflicts sa ibang bansa ay hindi naman direktang pumipigil sa operasyon ng ating lehislatura.
"Hangga’t ang ating mga senador ay malayang nakakapagbiyahe, nakakapagtipon, at nagpapatuloy ang normal na sesyon sa Senado, malinaw na hindi ito maituturing na extraordinary circumstance na katumbas ng mga sitwasyong tulad ng pandemya o malawakang kalamidad na talagang humahadlang sa pisikal na pagdalo.
"Ang legislative deliberation ay nakabatay sa prinsipyo ng physical presence, quorum, at direct debate. Kaya ang anumang paglihis dito ay dapat may malinaw, kongkreto, at hindi haka-hakang basehan, hindi lamang convenience o general security concerns.
"Sa ganitong usapin, dapat manatiling exception ang video teleconferencing, at hindi maging default na mekanismo sa pagganap ng tungkulin ng mga halal na senador."
Dagdag ng isa: "Ang El Niño at La Niña ay forecast pa lang, hindi pa aktuwal na sakuna, kaya hindi sila automatic na force majeure kung wala pang konkretong epekto o pagkaparalisa.
"Sa madaling sabi, ang forecast ay para sa preparedness, hindi para gawing legal exemption. Ang pagiging handa dito ay hindi nag-aalis ng responsibilidad, at hindi rin ito automatic na force majeure."
Tila pang-aasar naman ng isa: "Idol Robin Padilla, may free version ang chatgpt. Kahit yun muna try mo tanungin bago ka magsabi ng mga ganito. Or better, magsubscribe ka sa premium na version. May budget ka naman sigurado. Walang halong politika na ito. Para sana mas informed at pinagisipan ung mga post mo. Suggestion ko lang naman."
Ayon pa sa isa: "Umaasa parin po akong makumbinsi moko at bigyan moko ng rason na iboto ka next election kahit na araw-araw ang mga rason na binibigay mo ay hindi ka iboto"
Si Robin Padilla ay nanguna sa senatorial election noong 2022. Nakakuha siya ng kabuuang botong 26,454,562.
Read: Robin to file ethics complaint; Kiko claims Robin threatened him
