PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Remember when 1999 movie Muro-Ami cost P30M to make?

Jun Lana on Muro-Ami: "Napakamahal niyang gawin."
by Mark Angelo Ching
Published Just now
Remember when 1999 movie Muro-Ami's budget was P30M?
Jun Lana, who was one of the writers of Muro-Ami, recalls how this movie was helmed by National Artist Marilou Diaz-Abaya and shares the impact of creating quality Filipino films."
PHOTO/S: GMA 7 Pictures / Mark Ching (inset)

Para kay Jun Lana, mahalaga ang restoration ng Muro-Ami para sa industriya ng pelikula.

“Napakaimportante dahil lalo na sa panahong ito, kailangan ipaalala natin sa mga manonood natin, lalo na sa mga bagong henerasyon, kung bakit napakaganda ng pelikulang Pilipino, kung bakit natin siya dapat tangkilikin,” paliwanag ng direktor sa panayam sa kanya ng Philippine Entertainment Portal (PEP) noong May 19, 2026.

Nakausap ng PEP si Direk Jun—isa sa mga naging screenwriter ng Muro-Ami—sa special advanced screening nito sa SM North sa Quezon City.

Halos 27 years ago na noong unang ipinalabas ang nasabing pelikula, na tungkol sa mga mangingisda na gumagamit ng child labor.

Screenwriter rin nito ang National Artist na si Ricky Lee, at ang direktor ay ang yumaong National Artist din na si Marilou Diaz-Abaya.

Humakot ang pelikula ng mga parangal sa 1999 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Kasama rito ang Best Picture, Best Director, Best Original Story, at Best Screenplay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagpapatuloy ni Direk Jun, umaasa siyang maging inspirasyon sa mga makabagong manonood ang kanilang pelikula.

“Makita sana ng mga Pilipino that if you support Philippine cinema, these are the kinds of movies that we can give you,” saad niya. Malaking hamon na kasi ang paggawa ng malalaking pelikula tulad ng Muro-Ami.

“Hindi ko alam kasi kung makakagawa pa kami ng ganitong klaseng pelikula. Ang hirap niyang gawin at napakamahal niyang gawin,” saad ni Direk Jun.

Cesar Montano in Muro-Ami
Photo/s: GMA Pictures
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Why Kathryn may not confirm relationship with Mark yet

HOW MUCH TO PRODUCE MURO-AMI?

Ayon sa research ng PEP, minsang binanggit ni Butch Jimenez sa kanyang column sa isang broadsheet na PHP30 million ang buong budget ng GMA Pictures para sa Muro-Ami. Kumita naman ito ng halos PHP67 million sa MMFF box office noon.

Si Butch ay anak ng top GMA-7 executive na si Menardo Jimenez Sr. at current COO ng PLDT.

Sa ngayon, posibleng higit pa sa doble sa naging budget ng Muro-Ami ang gagastusin ng producer kung nais nilang gumawa ng katulad na pelikula.

At dahil mahirap siguraduhin kung babalik ang puhunan ng producer, nahihirapan silang mag-commit. Dito nanggagaling ang hiling ni Direk Jun na sana ay suportahan ng mga Filipino moviegoers ang screening ng Muro-Ami at ang iba pang pelikulang Pilipino.

“The audience dictates how we make our films. Without an audience, we don't make films. We don't make as much movies. But if there's an audience out there, can you imagine the kind of stories that we will be having?” paliwanag ni Direk Jun.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ipinakita sa Muro-Ami ang maling sistema ng ibang mangingisda na nagre-recruit ng mga mga bata para sa muro-ami, o ang ilegal na uri na pagsira sa mga coral reefs upang maglabasan ang mga isda.

Matapos ipalabas ang pelikula noong 1999 ay agad na umaksyon ang gobyerno upang ipagbawal ang muro-ami at palakasin ang mga batas laban sa child labor at exploitation.

Read: Jhong Hilario says no to child labor; vows to protect daughter

Sa June 3 na ipapalabas ang Muro-Ami sa mga sinehan sa buong bansa. Bida rito sina Cesar Montano, Jhng Hilario, Pen Medina, at si Amy Austria. Ang Central Digital Lab ang gumawa ng restoration ng pelikula.

Ayon sa CEO nito na si Manet Dayrit, 1,200 na oras ang ginugol nila upang maayos ang mga issue—scratches, optical dirt, molds, fingerprints, splice marks, flicker, at film bumps—sa natitirang kopya.

Bahagi ang restoration ng Muro-Ami sa pangako ng GMA Pictures na isulong ang kasaysayan ng pelikulang Pilipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Cesar Montano and Jhong Hilario in Muro-Ami
Cesar Montano and Jhong Hilario in Muro-Ami
Photo/s: GMA Pictures

Read: Ex-seminarian: from cleaner in Canada to realtor with 30 houses

jun lana on REMEMBERING MARILOU DIAZ-ABAYA

Sa pagpapalabas muli ng Muro-Ami ay naalala ni Direk Jun ang mentor niyang si Marilou Diaz-Abaya.

Malaki ang pasasalamat niya sa direktor na nagtiwala sa kanya noong nagsisimula pa lamang siya sa industriya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Everything I know about filmmaking, natutunan ko sa kanya natutunan ko sa kanya. I learned about professionalism, discipline, everything. Lahat talaga, naipasa niya sa akin,” saad niya.

Bukod sa Muro-Ami, magkatrabaho rin sila sa ilan pang classic Filipino movies tulad ng Jose Rizal noong 1998 at Bagong Buwan noong 2001.

“Apat na pelikula yung pinagtrabahuhan namin na, for the next five years, siya yung buhay ko.

"And she took me under her wing, and for those years of making this movie, of making movies with her, it was really like going to film school. Kaya napaka-inspiring sa akin. Lalo na, of course, ang Muro-Ami.”

Cesar Montano and Pen Medina in Muro-Ami
Cesar Montano and Pen Medina in Muro-Ami
Photo/s: GMA Pictures
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Robin Padilla faces backlash over "force majeure" argument

jun lana ON SISA

Sa ngayon, isa na ring batikang direktor Si Jun Lana. Marami na rin siyang mga award-winning na pelikula, tulad ng Barber’s Tales (2013), Die Beautiful (2016), Kalel, 15 (2019), About Us But Not About Us (2022), at Call Me Mother (2025). Ang huli niyang pelikula ay Sisa, na ipinalabas sa mga sinehang noong March.

Tinanong ng PEP kung ipapalabas na ba ito sa mga streaming platform.

“Hindi muna, gusto ko munang i-gatekeep yung Sisa,” sagot ni Direk Jun.

Aniya, nais niya munang dalhin sa mga university screening at sa mga film festival ang pelikulang pinagbibidahan nina Hilda Koronel at Eugene Domingo.

Tingin kasi niya, baka may epekto sa box-office kapag agad na ipinapalabas sa streaming ang mga bagong pelikula.

“It can be good. But at the same time, to me, ha, anong nangyayari? How does it affect cinema-going?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And then because people might think, ‘Ah, papalabas naman 'yan sa streaming, so hindi na muna,’” pahayag niya.

Dapat abangan ng mga fans ng Sisa ang pagpapalabas nito sa Amerika.

“Because si Hilda Koronel lives in the US, right? So there's going to be a screening in the US. Inaayos na namin 'yon,” sabi ni Direk Jun.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jun Lana, who was one of the writers of Muro-Ami, recalls how this movie was helmed by National Artist Marilou Diaz-Abaya and shares the impact of creating quality Filipino films."
PHOTO/S: GMA 7 Pictures / Mark Ching (inset)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results