PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Why Kuh Ledesma is happy being single for 18 years

Kuh Ledesma says finding love again will just be "icing on the cake."
by Julie E. Bonifacio
Published 3 days ago
Why Kuh Ledesma feels happy being single for 18 years
Kuh Ledesma on not missing having a partner in life: "And I’m filled already with His love, e. I’m not missing anything anymore. Bonus na lang kung may ibigay si Lord."
PHOTO/S: @kuhledesma Instagram

Sa nakalipas na "18 taon" ay nanatiling single si Kuh Ledesma.

Pero happy at enjoy si Kuh sa pagiging single. Choice raw niya na hindi magkaroon ng partner for the longest time.

Paliwanag ni Kuh, “Why? E, yun ang gusto ng Panginoon. Ayokong pilitin, di ba? Ayokong may namimilit ngayon,” ngiti ni Kuh.

“But I can pray for that. But then I always say, Your will be done. Kung sa tingin mo meron kang someone for me that will be a good and peaceful relationship, so be it.

Hindi raw niya sinasara ang kanyang pinto sa usaping pagibig.

“I’m open, yeah,” sambit ni Kuh. Pero sabi rin niya, “Praise God I’ve overcome the need di ba?”

Alone but not lonely ang estado ng puso niya dahil sa kanyang pananampalataya sa Diyos.

Paliwanag ng beteranang singer “And I’m filled already with His love, e. I’m not missing anything anymore.

"I feel loved already, oo. I am loved. Bonus na lang kung may ibigay si Lord. Icing on the cake.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Handsome doctor goes viral after helping passenger on flight

KUH LEDESMA HUGOT SONG

Noong dekada '80, ikinasal si Kuh sa kanyang mister na si Luisito "Louie" Gonzalez, apo ng dating Presidente ng Pilipinas na si Elipidio Quirino.

Nagkaroon sila ng isang anak na si Isabella.

Naghiwalay sila noong 1999 nang malaman ni Kuh na may ibang babae ang asawa.

Hindi maiwasang mabanggit ang tungkol sa marriage ni Kuh dahil sa bagong release niya na kanta, ang “Ano Ba Ang Nangyari Sa Atin?”

Sumang-ayon si Kuh na ang hugot ng kanta ay "parang sa marriage ko."

Pagpapatuloy niya, "Pero we stayed naman for a while and many years naman kami nagkaroon ng relationship na maganda. Pero syempre nagkakaroon ng pagsubok."

Hindi na dinetalye ni Kuh ang hiwalayan nila noon ni Louie.

Read: Kuh Ledesma opens up about failed marriage: "I was so broken."

Pero hindi rin niya itinanggi na kahit papaano ay nakakahugot siya sa kanyang past love life kapag inaawit niya ang bago niyang kanta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natatawang sabi niya, “Siyempre kailangan lalagyan ng hugot. Para magkaroon ng something, di ba?

“You cannot just sing a song without any emotions. So, you get hugot from the past. Lahat naman may koneksyon, e.”

Ang kantang ‘Ano Bang Nangyari Sa Atin?’ ay isang pagninilay sa sakit ng pag-ibig na biglang nawala.

Ayon kay Kuh, “Well, it's about love na maganda ang umpisa and then, you know, biglang naging cold.

“Marami naman talagang relationships, almost all, if I may say, nagkaproblema sa relasyon.

"Because it’s two people na, different, e. Two different people, di ba? Kanya–kanya yan, e."

Siningit ni Kuh, hindi raw talaga magtatagumpay ng isang relasyon ng wala ang Diyos.

“Until dapat daw na nasa gitna si Hesus. And as you get closer to Him, your relationship will also get better.”

Read: Why Kathryn may not confirm relationship with Mark yet

KUH LEDESMA ON HOW TO BE READY FOR ROMANCE

Tingin ni Kuh, magandang pagnilayan ang bago niyang kanta pagdating sa pag-handle ng relasyon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“You know ang generation ngayon is problematic right now. Many relationships [are problematic] because ibang klase ang kabataan ngayon

“There is a spirit of entitlement. Alam mo yun? Yung parang ma-complain. Madaling ma-bored sa mga relationships. Hindi maka-focus because of social media."

Bukas sa kanyang pananampalataya bilang born-again Christian. ibinahagi ng beteranang singer kung ano ang natutunan niya pagdating sa pagkakaroon ng relasyon sa Diyos bago sa ibang tao.

“So you know, what’s important ay magkaroon tayo ng relationship muna, a solid foundation, a relationship with Jesus Christ.

“Now, if you are alone with Christ first before, you know, having a relationship with someone, it will survive."

Dagdag niya, "At saka dapat, ang pipiliin mo parehas ang thinking nyo, di ba?

“Kasi hindi pwedeng magkaiba ang inyong values, magkaiba ang paniniwala ninyo. Or else, magkakaroon ng problema. For sure, oo."

KUH LEDESMA SONG RELEASED ON SPOTIFY, PLAYED ON RADIO

Available na ang single sa Spotify at lahat ng pangunahing digital streaming platform, at kasalukuyang ipinapalabas sa mga piling istasyon ng radyo sa buong bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“We’ve already released it,” pagbabalita ni Kuh.

“The first time I heard it on the radio was yesterday. Kaka-release lang and that was composed by Malo Cruz and Marq Dollentes, you know, [my] two assistants. Nagko-compose-compose na lang sila ngayon.”

Nang tanungin kung sumusulat na rin siya ng sariling kanta, sagot ni Kuh, “I don’t think that’s my gift. But you know, you’ll never know."

Nasubukan naman daw niya na sumulat ng kanta, pero "kalahati" lang ang natapos niya.

Bukod sa kanyang bagong single, nakatakdang magtanghal si Kuha para sa isang post-Mother’s Day concert, ang Mama Mia….Here We Go Again! kasama ang anak niyang si Isabella.

Magaganap ang concert ngayong Sabado, May 30, sa A.R. T. E. Theatre Hacienda Isabella at 6 pm.

Special guests ang bagong artists na sina Aja Albornoz, Kellen Lee, Rdhni Tiplan at Zannah Penaranda.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kuh Ledesma on not missing having a partner in life: "And I’m filled already with His love, e. I’m not missing anything anymore. Bonus na lang kung may ibigay si Lord."
PHOTO/S: @kuhledesma Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results