Itinanghal na fourth placer ang Filipino singer na si Matty Juniosa sa live grand finals ng Britain's Got Talent Season 19 na ginanap sa United Kingdon nitong Linggo ng gabi, May 30, 2026 (Lunes ng madaling-araw, May 31, sa Pilipinas).
Para sa kanyang final performance, binigyan ni Matty ng bagong timpla ang kantang "Nothing Compares 2 U" ni Sinead O'Connor.
Ang itinanghal na kampeon at nakakuha ng pinakamalaking boto mula sa viewers ay ang Hawkstone Farmers Choir.
Nanalo sila ng £250,000 at spot sa Royal Variety Performance ngayong taon.
Second place ang drone art collective Celestial, at third place ang dance duo na sina Anastasiia and Salsa.
Ang iba pang finalists, ayon sa kanilang ranking: Matty Juniosa, Rafferty Coope, Sonny Green, Ted Hill, Sadeck Berrabah and LMA, Fabian Fox, at Liwei Yang.
Read: MGI All Stars First Edition winner is Vanessa Pulgarin of Colombia

TWO GOLDEN BUZZERS FOR MATTY JUNIOSA
Hindi man nanalo sa Britain's Got Talent, lumikha ng ingay si Matty dahil sa kanyang standout performances sa audition at semifinals.
Sa audition ay pinahanga ni Matty ang judges at audience dahil sa kanyang rendition ng "Purple Rain" ni Prince. Binigyan siya ng Golden Buzzer ni Simon Cowell na dahilan ng kanyang pag-abante diretso sa semifinals.
Read: Filipino Matty Juniosa earns Golden Buzzer on Britain's Got Talent
Para naman sa semifinals, namangha muli ang marami dahil sa pagbirit niya ng "Dream On" ng Aerosmith. At sa pambihirang pagkakataon ay muli siyang nakakuha ng Golden Buzzer mula sa judge na si Amanda Holden.
Read: Matty Juniosa, pasok na sa grand finals ng Britain's Got Talent
Si Matty ay sumali sa Idol Philippines noong 2019.
