PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

VIRAL: New characters unlocked: Sharmaine, Melanie, and Vanessa

Why "Sharmaine, Vanessa, and Melanie" are suddenly viral.
by Bernie V. Franco
Published 2 hours ago
Vanessa, Sharmaine, Melanie
NEW CHARACTERS UNLOCKED! Vanessa instead of fly, Sharmaine instead of orange, Melanie instead of avocado. Here's how these names suddenly went viral on social media.
PHOTO/S: BAET on Facebook and TikTok

Trending at viral sa social media ang pangalang “Sharmaine.”

Patok din bilang meme hindi lamang si Sharmaine, kundi pati na rin sina Vanessa at Melanie.

Kung babad ka sa social media, marahil alam mo ang kuwento at pinanggalingan ng mga random names na ito.

Pero sa mga hindi nakakaalam, alamin dito ang origin ng mga pangalang bigla na lamang nagsusulputan ngayon sa social media at ginagawang katuwaan ng netizens.

Ang mga pangalang "Sharmaine, Vanessa, at Melanie" ay hindi tumutukoy sa mga tao kundi mga prutas at insekto na bunga ng imahinasyon ng isang netizen, si BAET.

Batay sa kanyang Facebook profile, si BAET ay digital content creator mula sa Daet, Camarines Norte.

Nag-post ng 29-second comedy skit si BAET noong April 8, 2026.

Sa video, kunwa'y nakikipag-usap ang orange fruit sa manga via voice over. Naghihimutok ang orange dahil hindi raw pinag-isipan ang pangalan nito.

Katuwiran ng orange, ang manga ay kulay dilaw, pero hindi ito tinawag na dilaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nais daw sana ng orange na Sharmaine ang maging pangalan nito. Pinayuhan siya ng manga na i-adopt ang pangalang Sharmaine at ipanotaryo ito.

Ang TikTok video ay mayroon nang 5.2 million views.

Read: Handsome doctor goes viral after helping passenger on flight

THE BIRTH OF VANESSA AND MELANIE

Sinundan ng isa pang video ng parehong araw noong April 8.

Pakikipag-usap ito ng langaw sa isang ibon.

Tulad ng dilemma ng orange, dismayado ang langaw na tinawag itong “fly” kahit daw obvious na mayroon itong pakpak.

Pagkukumpara pa ng langaw, bakit ang kausap nitong ibon ay may pakpak pero bird ang tawag dito?

Nang tanungin ang langaw kung ano ang nais itong pangalan, sagot nito ay “Vanessa.”

Mayroon itong halos 775,000 views.

Hindi rito nagtapos ang ganitong content ng digital content creator.

Ang latest video na ginawa ni BAET ay ang pakikipag-usap ng orange sa avocado.

Sa takbo ng skit, nadismaya ang orange na ang kausap nito ay avocado dahil ang hinahanap niya ay abogado para matulungan ang orange na palitan ang pangalan nito ng Sharmaine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lumabas na ganito rin pala ang problema ng avocado na ang nais sanang pangalan ay "Melanie."

Nagkayayaan ang orange at avocado na ipanotaryo ang gusto nilang mga bagong pangalan.

Read: AC Hotel by Marriott Manila: everything you need to know

NETIZENS REACT TO NEW CHARACTERS

Patok sa netizens ang videos ni BAET.

“New characters unlocked,” comment ng maraming netizens.

characters unlocked comments
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa pagiging patok ng TikTok videos na ito, sinakyan na ito hindi lamang ng netizens kundi pati ng establishments.

Ang SM City Legazpi, nag-post sa Facebook account nito ng pictures ng mga prutas sa grocery section nito.

Sa hilera oranges, may nakalagay na label na “Sharmaine,” habang sa kumpol ng avocado ay may label na “Melanie.”

fruits
SM City Legazpi puts label on oranges as "Sharmaine."
Photo/s: SM City Legazpi via FB
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
avocados
For avocados, they put the label "Melanie."
Photo/s: SM City Legazpi via FB

Nag-iba na rin ang reference ng netizens sa oranges, langaw, at avocado na tinatawag nilang Sharmaine, Vanessa, at Melanie.

Ang mga produktong may “orange” ang pangalan, pinalitan na ng Sharmaine, gayundin sa avocado na pinalitan ng Melanie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
sharmaine comments 1

vanessa
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
tang

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
NEW CHARACTERS UNLOCKED! Vanessa instead of fly, Sharmaine instead of orange, Melanie instead of avocado. Here's how these names suddenly went viral on social media.
PHOTO/S: BAET on Facebook and TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results