Nakunang magkatabi at magkaakbay sa isang kasalan si Atasha Muhlach at ang nali-link sa kanyang businessman at non-showbiz guy na si Jacob Ang.
Read: IN FOCUS: What drives Jacob Ang?
Si Atasha ay ang aktres na isa sa kambal na anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez-Muhlach.
Ang kakambal ni Atasha ay si Andres Muhlach, na pinasok na rin ang showbiz.
Si Jacob naman ay anak ni Ramong Ang, chief executive officer at chairman ng San Miguel Corporation (SMC).
Ang larawan nina Atasha at Jacob na kitang-kitang close sa isa't isa ay ipinost ni San Juan Mayor Francis Zamora sa Facebook.
Isa lamang ito sa maraming larawang ipinost ng alkalde noong Linggo, March 31, 2026. Naka-public ang post na ito ng mayor.

Kuha ang mga ito sa reception ng Manila wedding ni Carmela Ang, kapatid ni Jacob at anak ni Ramon Ang.
Ikinasal si Carmela kay Miguel Tan, isang businessman.
Kung pagbabatayan ang mga larawan, lumalabas na ang reception ay ginanap sa isa sa ballrooms ng Makati Shangri-La Manila.
Si Carmela ay may posisyon sa San Miguel Foundation; habang si Miguel naman ay isang negosyante at founder ng MVT Group of Companies, na kinabibilangan ng mga negosyong construction, restaurant, fitness gyms, real estate, at iba pa.
Si Carmela ay bunsong anak na babae ni Ramon Ang.
ATASHA-JACOB ‘RELATIONSHIP’
Hindi malinaw kung higit pa sa pagiging magkaibigan ang ugnayan nina Atasha at Jacob.
Sa isang 2025 interview, inilarawan ni Ramon Ang si Atasha bilang “a very nice lady.”
Subalit nang matanong kung ano ang kaugnayan ng anak niyang si Jacob kay Atasha, sinabi ng bilyonaryo na magkaibigan lamang daw sila.
May lumabas na larawan noong nakaraang taon kunsaan kasama rin sa larawan ang mga magulang ni Atasha at ilang non-showbiz people.
Read: Jacob Ang spotted with Atasha Muhlach and her parents
Ang nakaagaw pansin sa larawan ay tila nakasandal si Atasha kay Jacob na nasa likuran ng dalaga.
Maraming hinahawakang posisyon si Jacob sa negosyo ng kanyang amang business tycoon.
Sa May 2025 cover story ng Esquire, binanggit na si Jacob ay special assistant to the chairman ng SMC.
Si Jacob ang director at chief planning officer ng Velocita Motors Inc., na official importer, dealer, at distributor ng Ferrari sa Pilipinas.
Nabanggit din na si Jacob ay may posisyon sa BMW Philippines dahil sa koneksiyon niya sa SMC Asia Car Distributors Corp, na importer, distributor, at service provider ng kilalang German car manufacturer.
Read: Did Matteo Guidicelli’s TV5 appearance affect talk show’s TV run?
