PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Newlywed Pinoy couple in Canada dies after paddleboarding mishap

Their families are hoping the remains could be sent home in PH.
by Bernie V. Franco
Published 22 hours ago
paddleboard
What began as a fun day of paddleboarding at Browning Lake in Canada turned into a tragedy for newlyweds Genesis Jeru Bague and Mariz Bello who figured in an accident.
PHOTO/S: Canva

Pumanaw ang Filipino couple na residents sa Canada matapos mahulog sa kanilang paddleboard at malunod noong May 30, 2026.

Pero inabot ng ilang araw bago na-recover ang kanilang mga labi.

Si Genesis Jeru Bague at asawang si Mariz Bello ay nag-paddleboard sa Browning Lake sa Murrin Park, malapit sa Squammish British Columbia sa Canada.

Ayon sa pamilya ni Genesis Jeru, sumama ang mag-asawa sa kanilang mga kaibigan para sa isang birthday party na ginanap sa nabanggit na park, ulat ng Canadian Broadcasting Corporation (CBC) website.

Lahad dito ni Genesis Hanzel Bague, kapatid ng biktimang si Genesis Jeru, kinunan pa ng video ang mag-asawang biktima habang nakasakay sa paddleboard dakong alas-tres ng hapon noong Sabado.

Di nagtagal ay napansin daw ng mga kasamahan nila na nahihirapan na ang mag-asawamh nakasakay sa paddleboard.

Nakunan din sila nang malaglag sa tubig at nakakapit sa kanilang paddleboard.

Nang tumaob daw ang paddleboard, nakita raw ng mga kasamahan na nagsa-struggle ang couple at lumubog ang mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Doon na raw humingi ng saklolo ang mga kasamahan, habang ang ilan sa kanila ay lumusong umano sa tubig para sagipin ang mag-asawa.

Subalit hindi raw sila nailigtas at hindi rin agad nakita ang kanilang mga labi.

Read: VIRAL: New characters unlocked: Sharmaine, Melanie, and Vanessa

BODIES OF VICTIMS RECOVERED DAYS AFTER

Nag-post naman ng update ang Royal Canadian Mounted Police (RCMP) sa kanilang website noong June 2, 2026.

Binanggit dito na na-recover na ang mga labi ng biktima.

Parte ng RCMP statement: “On May 30, 2026, at approximately 3:00 p.m., Squamish RCMP received a report that two paddleboarders on Browning Lake, within Murrin Provincial Park, had entered the water and did not resurface.

"A coordinated search effort was immediately initiated.”

Ipinagpatuloy raw ng RCMP Underwater Recovery Team ang kanilang search operation noong June 2, Martes, at dito na nila nakita ang mga labi.

FAMILIES OF VICTIMS DEVASTATED BY TRAGEDY

Taong 2019 nang pumunta sa Canada si Genesis Jeru, at sinundan siya ni Mariz, ulat ng OMNI News.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito sila nagdesisyong magsimula ng kanilang buhay na magkasama.

Ikinasal sila noong 2023 at naging permanent residents ng Canada noong 2025.

Huli silang bumisita sa Pilipinas noong nakaraang taon para bisitahin ang kani-kanilang pamilya.

Nagdadalamhati naman ang kanilang mga pamilya bunsod ng trahedya.

“My sister is a loving daughter po, ‘no, lalo na po sa parents namin. Talaga pong priority niya is yung family namin po,” ani Angelie Bello-Bernel, kapatid ni Mariz, sa panayam ng OMNI News.

Lumipad daw papuntang Canada si Mariz upang makatulong sa pamilya.

Aniya, alam niyang hindi marunong lumangoy ang kapatid.

Sinabi rin ni Angelie na ang kanilang ina ay nasa early stage ng Alzheimer’s.

couple
Genesis Jeru Bague and Mariz Bello are the Filipino couple who died during a paddleboard activity in Canada last May 30, 2026.
Photo/s: OMNI Television on YouTube
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kuwento naman ni Francis Bague, ama ni Genesis Jeru, regular na nagpapadala ng pera ang kanyang anak.

Nagda-dialysis kasi ang ama.

Pahayag naman ng misis ni Francis na si Edelina, matulungin at mabait ang kanilang anak, at laging iniisip na matulungan sila.

“Ang masakit lang po ay yung pagkawala nila. Hindi maganda dahil hindi po nila deserve ang kanyang pagkamatay dahil napakaresponsible po nilang dalawa,” ani Edelina.

Sabi ni Edelina, ipinapasa-Diyos na lang nila ang nangyari, pero hangad nila ay maiuwi sa Pilipinas ang mga labi ng mag-asawa.

Read: Ex-seminarian: from cleaner in Canada to realtor with 30 houses

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
What began as a fun day of paddleboarding at Browning Lake in Canada turned into a tragedy for newlyweds Genesis Jeru Bague and Mariz Bello who figured in an accident.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results