Boluntaryong sumuko si former Ilocos Sur Governor Chavit Singson nang siya ay arestuhin dahil sa kasong cyber libel nitong Huwebes ng hapon, June 11, 2026.
Ayon sa ulat ng GMA News, inaresto si Chavit sa kanyang bahay sa Barangay Ugong Norte sa Quezon City.
Lumabas sa mga ulat ang blurred mug shots ng dating gobernardor.
Agad din siyang nakapagpiyansa ng halagang PHP60,000 para siya ay pansamantalang makalaya.
CHAVIT SINGSON CYBER LIBEL CASE
Sa hiwalay na ulat ng Philippine Daily Inquirer, nakasaad na ang Regian Trial Court sa Bigan City ang nag-isyu ng kanyang arrest warant.
Pero walang binigay na detalye ang pulisya kung ano ang pinagmulan ng cyber libel case ni Chavit at kung sino ang nagdemanda sa kanya.
Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag ng personalidad na nabanggit sa artikulong ito.
Read: Brandon Espiritu faces fallout as brands cut ties over "halfies" remark
