Nakatakdang iburol sa Arlington Memorial Chapels & Crematory sa Araneta Avenue, Quezon City ang mga labi ni Jaime Federico Gil, na higit na kilala sa pangalang Jimmy Gil.
Siya ang beteranong mamamahayag na pumanaw sa edad na 79 nitong Huwebes, Hunyo 11, 2026, ganap na 9:25 A.M.
Naulila ni Gil ang asawa nito na si Atty. Anna Katrina Sy, ang kanyang anim na anak at labing-isang apo.
Read: Chavit Singson arrested over cyber libel case
JIMMY GIL CAREER AS A BROADCASTER
Taos-pusong nakiramay sa pamilya ni Gil ang GMA Network Inc. na naging tahanan niya mula 1979 nang maglingkod siya bilang news writer ng dZBB.
Ayon sa GMA Network Inc., nagsilbi si Gil na television reporter noong 1982 at naranasan niya na maging co-anchor ng mga programa na The Saturday & Sunday Evening Report. Kasama niya roon si Raffy Marcelo na pumanaw noong 2014.
Naging occasional co-anchor din si Gil ni Tina Monzon-Palma sa News at Seven, na napanood noong dekada ’80 at ’90.
Ang Jimmy Gil Live! ang huling programa ni Gil sa radyo bago siya binawian ng buhay dahil sa kanyang karamdaman.
Kinikilala ang husay ni Gil sa paghahatid ng balita; at hindi malilimutan ng publiko ang kanyang distinct voice.
Read: Brands cut ties with Brandon Espiritu over his "halfies" remark
JIMMY GIL ON FATHERING A CHILD AT 70
Noong Agosto 2017, headline ng mga balita si Gil dahil naging ama siya sa edad na 70.
Sa panayam ng PEP kay Gil, sinabi nito na 39 years old ang kanyang asawa nang magbuntis ito sa kanilang anak na si Anna Cristina.
"I already have five kids, all of them married. I have grandchildren.
“My wife and I have been living quite a normal life, I mean, at our age and for almost a decade, it’s like we already have this routine."
Hindi raw siya makapaniwala na magkakaanak ulit siya sa edad na 70, isang pangyayari na nagpabago sa takbo ng kanyang buhay.
“So when I heard she was pregnant. I didn’t really expect it. Yes, it was actually the farthest thing from my mind. Magiging tatay na ulit ako," masayang pahayag ni Gil noon.
Read: This 70-year-old radio anchor is dad to a 10-month-old baby