Ikinasal na ang aspiring boxer na si Jimuel Pacquiao sa partner nitong si Carolina Pimentel.
Si Jimuel, panganay na anak nina boxing champ Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao, ay nakabase sa U.S., kasama ang partner at ang kanilang seven-month-old baby girl na si Clara.
Batay sa mga lumabas na larawan at videos ngayong Sabado, June 13, 2026, nangyari ang intimate garden wedding sa Los Angeles, California.
Nag-post sa Instagram ng pagbati ang boxing coach ni Jimuel na si Mark Magsayo.
Caption niya: “Congratulations @pacquiao.emmanuel and Caro Always put God in the center of everything. We support you on everything”
Kalakip sa post ang ilang kuha mula sa ginanap na kasal ng couple.
Read: Celeste Cortesi reacts to breakup issue; mum on third-party allegations

Gaya ng inaasahan, dumalo sina Jinkee at si Manny sa kasal.
Nakunan pa ang boxing champ na karga-karga ang unang apo nito.
Batay sa mga kuha na ipinost ni Bernard Cloma, kilalang malapit sa pamilya Pacquiao, nangyari ang reception sa Europa Village Wineries & Resort sa Temecula, California.
Ilan din sa mga nakitang dumating sa event ay sina The Voice Season 26 grand champ Sofronio Vasquez, Mommy Dionisia, at former Senator Francis Tolentino.
Read: Queenie Pacquiao to pursue studies at prominent Chicago university


