PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vico Sotto gives a glimpse of plans after his term ends in 2028

Mayor Vico has no plans to seek a Senate seat.
by Bernie V. Franco
Published 6 hours ago
Vico Sotto
Vico Sotto asked if he plans to turn his back on politics: “Hindi ko naman sinasabi. Malay mo, after nine years, after 18 years…I don’t know…"
PHOTO/S: Bernadette Sembrano on YouTube / Mike Yamson on Fb

Ibinahagi ni Pasig Mayor Vico Sotto ang kanyang mga plano kapag natapos na ang kanyang termino bilang mayor sa 2028.

Umani ng paghanga at pagkilala si Vico sa loob at labas ng bansa dahil sa kanyang mabuti at maayos na pamumuno sa Pasig City.

Dalawang taon pa bago matapos ang kanyang termino, ipinahayag na ni Vico na magpapahinga muna siya sa 2028.

“I gave my best years,” saad ni Vico, 36, na sinimulan ang public service noong siya ay 29.

“I gave my entire 30 years halos. Wala na akong ibang nagawa,” pahayag ni Vico patukoy sa halos isang dekada niyang paninilbihan in his 30s.

Nagsalita si Vico sa interview ni Bernadette Sembrano via YouTube nitong June 11, 2026.

“I mean in my personal life, ha. Halos wala kang ibang… kasi the focus, e. It’s a full-time job,” pagtukoy niya sa pagiging public servant.

“Siyempre, meron din akong gustong gawin na iba, [pero] di puwede, e, kailangan focused kasi the people trusted you, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagbunga ang dedikasyon ni Vico.

Kinilala siya ng TIME magazine bilang isa sa prestihiyosong TIME100 Next 2025: Most Influential Rising Stars late last year.

At noon lamang Mayo, pinangalanan si Vico bilang isa sa 24 global winners ng Bloomberg Philanthropies Mayors Challenge 2025-2026.

Isa itong patimpalak na layuning lumikha ng “bold and innovative solutions” upang mapabuti ang kalagayan ng buhay ng mga residente ng iba-ibang siyudad sa buong mundo.

Ang premyo nito ay $1 million grant.

Read: Vico Sotto wins $1M grant at Bloomberg's Mayors Challenge

FULFILLING HIS CHILDHOOD DREAM

Nagsimula bilang konsehal ng Pasig noong 2016, nailuklok siya bilang alkalde noong 2019.

Aminado si Vico na childhood dream niya ang mapunta sa public service.

“That’s always been my dream since I was 10 years old,” aniya.

At dahil sa pagkakataong ibinigay sa kanya para mamuno, hindi raw niya ito sinayang.

“When you’re there, of course, you want to make the best of every moment and every opportunity.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi ko naman gagawin na half-hearted ang isang bagay. So, I was given a chance to do this job. I want to do it to the best of my ability.”

Vico Sotto, Bernadette SembranoIn his interview with ABS-CBN anchor Bernadette Sembrano, Pasig City Mayor Vico Sotto reveals plans after his term as mayor in 2028.
Photo/s: Bernadette Sembrano on YouTube / Mike Yamson on Fb
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOT INTERESTED in RUNning FOR SENATOR

Ang malinaw kay Vico, hindi siya interesadong tumakbo sa pagka-senador.

“Hindi ko gusto yung ganoong trabaho, e. Masaya ako dito sa Executive… but eventually there are other things.”

May pahapyaw ang alkalde sa posible niyang tahaking pagsisilbi.

“Hindi naman pagtakbo lang, e. Hindi lang pagiging pulitiko lang. Ang government, a government is such a big… ang daming ibang puwedeng gawin.”

Hindi na siya nagdetalye pa.

Sa sumunod niyang pahaging, mahihinuhang hindi naman isinasarado ni Vico ang posibilidad na pasukin muli ang pulitika sa susunod na panahon.

Tanong ni Bernadette, tatalikuran niya ba ang politics?

Sagot ni Vico, “Hindi ko naman sinasabi. Malay mo, after nine years, after 18 years…I don’t know…

“Di ko naman alam what the future holds, but I’m not saying never.”

Ang malinaw na plano niya: “But I’m saying, 2028, it’s time for me to take a step back, evaluate everything: my politics, my life… everything…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“But with that said, hindi naman ako titigil magtrabaho, e, titigil lang ako sa pulitika.”

Inusisa ni Bernadette si Vico kung saan siya magtatrabaho.

Hirit ni Vico, “Kung sino yung kukuha sa akin.”

Pagdedetalye niya pa: “Pero marami pa akong gustong gawin kasi yung iba, hindi ko masyadong kinukuwento publicly…

“Parang at this point, baka parang hindi pa maintindihan siguro ng iba kung ano yung ibig kong sabihin, so sa susunod na siguro yung iba…

“But teaching is definitely one of the things that I will be doing.”

Sa puntong iyon, nabanggit ni Vico na nakapagturo siya dati sa “maiksing panahon.”

“Kasi ang plano ko, nung konsehal ako, di naman kasi ako nagpaplanong tumakbong mayor noon, e,” kuwento niya.

“One thing led to another and we felt it was the right opportunity for someone to challenge the incumbent here in Pasig kaya tumuloy ako noon sa Pasig [na tumakbo bilang mayor].”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Mayor Vico Sotto plans to teach at a university in 2028

vico says LEAVIUNG HIS POSITION is not difficult

Samantala, walang pag-aatubili sa pagsagot si Vico nang matanong kung kaya niyang talikuran ang kanyang posisyon.

“Yes. Sa akin, hindi siya mahirap. Gagawin ko nga siya sa 2028, e,” mabilis niyang sagot.

“Sa akin, wala namang isyu doon. Sinabi ko na gagawin ko siya. Madali lang.”

Sa sumunod niyang pahayag, naipaliwanag ni Vico na ayaw niyang masilaw sa kapangyarihan.

“Kasi alam mo, ang isang problema talaga… di ba, sabi nga, ‘An absolute power corrupts absolutely,’ and as much as you would like to think the best of yourself, I want to think the best of myself, the reality is there’s a certain truth that apply to everyone.

“Once you’re in power, at some point, may magbabago rin sa iyo. Kahit sabihin mo grounded ka.

“I try to keep myself grounded. I try ko keep myself accountable, and I think maybe compared to others, medyo naka-steady lang naman ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Diin ni Vico: “I think it would be a good thing pagkatapos ng siyam na taon, take a step back and reassess.

“Sa tingin ko, maganda iyon.”

Sundot niya, ito rin ang paniniwala na dapat magkaroon ng term limits.

“Kung talagang effective yung ginawa ko ngayon; at yung mga repormang ginawa ko ngayon ay maayos, at pangmatagalan; ang tunay na test diyan ay pag wala na ako.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vico Sotto asked if he plans to turn his back on politics: “Hindi ko naman sinasabi. Malay mo, after nine years, after 18 years…I don’t know…"
PHOTO/S: Bernadette Sembrano on YouTube / Mike Yamson on Fb
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results