Gustong iwasto ni Coach Jess Evangelio ang edad ng nasawing Ateneo Blue Eagles basketball player na si Rene Baterbonia.
Sa mga ulat kasi, 19-anyos ang binanggit na edad ng namayapang cager.
Pero ayon sa former coach ng binata sa Ateneo de Davao, 18-anyos lamang siya.
Ang pagwawasto ay ginawa sa pamamagitan ng isang Facebook post nitong Sabado, June 13, 2026.
Ipinaliwanag din ng Evangelio kung bakit mahalaga para sa kanya ang pagtatama.
“Accurate information can be very important when honoring someone’s memory,” parte ng kanyang post.
“Just to clarify, Rene was born on May 8, 2008, not May 8, 2007. He was 18 years old, not 19 years old.
“We would appreciate it if everyone could help share the correct information. Thank you for your understanding and for continuing to keep Rene and his family in your thoughts and prayers.
“My condolences to everyone who loved Rene.”
Si Rene, kasama ang teammate niyang si Divine Adili, isang Nigerian, ay parehong nasawi habang isinasagawa ang team-building ng kanilang koponan sa Dipaculao, Aurora Province, noong Lunes, June 8, 2026.
Read:
