Nagbigay ng opinyon si Joy Barcoma tungkol sa pinag-uusapang ‘halfies" issue sa pageants na pumutok ngayong linggo.
Ayon sa beauty queen-event host, nakakadismaya ang opinyon ng mga nasangkot sa isyu.
“Disappointed ako kasi parang ni-represent mo na yung Philippines tapos ang baba pa rin ng tingin mo sa mga Pinoy,” saad ng Miss Philippines Earth 2025 winner sa isang live broadcast sa social media.
Nag-ugat ang usapin dahil sa mga post ng pageant kings na sina Brandon Espiritu at Jether Palomo noong June 10.
Saad ni Brandon—na lumaki sa Guam at second runner-up sa Mister Supranational noong 2024—nagiging malaki lamang ang tsansa ng Pilipinas sa international pageants dahil sa "halfies" na tulad niya.
JOY BARCOMA SPEAKS UP
Pahayag ni Joy, maganda na nagkaisyu dahil nasimulan na ang pag-uusap tungkol sa pribilehiyong ibinibigay ng mga Pilipino sa mga taga-ibang bansa.
Tanong niya, bakit daw nilalagay sa pedestal ang mga Pilipinong may "eurocentric" na hitsura.
“Parang iba yung respeto natin kapag foreigner. Tingnan niyo, kapag foreigner ang bisita, parang ambait-bait natin.
"Pero kapag kapwa-Pinoy, parang wala tayo masyadong pasensiya.
"So, medyo tayo kasi naglagay ng ganung level of privilege sa kanila when, in the first place, hindi dapat para hindi nila napi-feel na meron silang leverage over us,” saad ng 26-year-old celebrity.
Umapela rin si Joy na dapat may alam sa kultura ng Pilipinas ang mga taga-ibang bansa na sasali sa mga local pageant.
“Dapat marunong mag-Tagalog, no, kahit papaano. Kahit hindi makapagsalita, basta nakakaintindi ng Tagalog. Alam kantahin yung National Anthem,” sabi niya.
Pinuri rin ni Joy ang ilang mga kasamahan sa pageant world na may alam sa pagka-Pilipino kahit may dugong banyaga, tulad nina Miss Universe Philippines 2026 Bea Millan-Windorski, Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, at Miss Universe 2018 Catriona Gray.
Read: Pageant queens, kings react to Brandon-Jether "halfies" issue
JOY BARCOMA FULL STATEMENT
Narito ang buong pahayag ni Joy Barcoma:
"Anong masasabi mo sa halfies na issue? I’m so disappointed.
"Disappointed ako kasi parang ni-represent mo na yung Philippines tapos ang baba pa rin ng tingin mo sa mga Pinoy.
"And it’s not even about being a half-Filipino, parang, it’s the mindset towards Filipinos kasi half ka.
"Pero alam niyo, kung may sisisihin ako, sisisihin ko yung mga sarili natin.
"Kasi, masyado nating pinut sa pedestal yung mga taong may hitsura, lalo na yung mga eurocentric yung features.
"Di ba, lagi nating sinasabi na kapag eurocentric ang features, laging, 'Anong lahi mo?' Ganyan-ganyan, or 'Ano ka, half ka?' Lagi tayong ganyan, di ba?
"Tapos parang iba yung respeto natin kapag foreigner.
"Tingnan niyo, kapag foreigner ang bisita, parang ambait-bait natin. Pero kapag kapwa Pinoy, parang wala tayo masyadong pasensiya.
"So, medyo tayo kasi naglagay ng ganung level of privilege sa kanila when, in the first place, hindi dapat para hindi nila napi-feel na meron silang leverage over us.
"Kaya maganda yun, at least na-open yung usapin patungkol sa privileges at saka may mga tao talaga na hindi deserve ng platform.
"Siguro, dapat sa susunod, kapag nagpa-pageant, dapat marunong mag-Tagalog, 'no, kahit papaano?
"Kahit hindi man lang... kahit hindi makapagsalita, basta nakakaintindi ng Tagalog. Alam kantahin yung National Anthem.
"Di ba, gusto niyo i-represent ang Philippines? Dapat alam niyo kahit ano yung mga basic words, basic phrases. So, yun.
"Parang magandang usapin siya kasi call out din siya sa atin.
"Huwag natin masyadong bigyan ng pribilehiyo yung mga foreigners na pumupunta dito sa country natin tapos ine-exploit lang yung pagka-Pinoy nila.
"Alam niyo kung sino yung halfie na deserve mag-represent ng Philippines? Si Bea. Yan. Si Bea, sila Miss Pia, sina Catriona.
"Yan yung mga talagang inaral yung kultura natin. Talaga in-immerse yung sarili.
"Lalo na si Miss Catriona. Di ba, dinala niya pa sa international stage yung mga symbolism natin?
"Si Bea, nag-aral yan ng history of the Philippines, sumasama pa yan sa mga talks, sa mga meetings."
Read: Brandon and Jether face backlash over "halfies" remark