Nilinaw ni Claudine Barretto na hindi sila nagkabalikan ng ex-boyfriend niyang si Milano Sanchez.
"No, no, that's not true. We're friends," sabi ni Claudine.
Nakapanayam si Claudine ng piling entertainment press pagkatapos ng mediacon ng pelikulang Home Along Da Riles: Da Reunion noong June 1, 2026.
Dito siya nausisa sa pag-post niya sa Instagram, noong May 20, 2026, ng litrato nila ni Milano.
Sa caption ng IG post, binati ni Claudine ng "Happy birthday" si Milano at sinabing masaya siyang magkaibigan na silang muli.
Ayon kay Claudine, sandali lang ang pagkakamabutihan nila ni Milano, at sa sumunod niyang salita ay waring tinuldukan na nila talaga ito.
"I don't think that's counted, yung one month. I mean, that was really a whirlwind relationship."
Sabay pagtatama rin niya sa sarili, "It was a whirlwind friendship talaga siguro. I believe that we're really hitting it off as friends."
Read: WHAT PEP KNOWS: Bea Alonzo and Vincent Co break up for good
CLAUDINE BARRETTO AND MILANO SANCHEZ DATING TIMELINE
October 2025 naging bukas sina Claudine at Milano sa pagtatangi nila sa isa't isa.
Si Milano ay nakababatang kapatid ng veteran broadcaster na si Korina Sanchez.
Nag-post noon si Milano sa Instagram na nanliligaw siya sa aktres, at nangako siyang poprotektahan niya ito para walang ibang taong makasakit dito.
Ni-repost pa ito ni Claudine na waring naglambing na tinanong si Milano kung totoo ang sinasabi nito.
Pareho rin silang nag-post sa IG ng litrato nilang kapwa matamis ang ngiti habang nakayakap si Claudine kay Milano.
Read: Claudine Barretto flaunts sweet photo with Milano Sanchez
Hanggang sa noong December 2025, umugong ang usap-usapan ng netizens na hiwalay na sila dahil sa IG post ni Claudine na nagpapahiwatig ng kanyang kalungkutan.
Hinala ng netizens, posibleng hiwalay na ang aktres kay Milano, lalo pa't napansin nilang burado na sa IG feed ng huli ang mga litrato ni Claudine.
Bakit naudlot ang kanilang relasyon noon?
Sagot ni Claudine: "Ano lang siguro, it was... hindi pa yun yung tamang panahon pa rin.
"Ang layo ng mundo niya sa mundo ko. Hindi niya...
"Mahirap talaga. You have to be prepared talaga kapag papasok mo dito sa relationship.
"And siguro, ang takeaway ko diyan, when you're vulnerable, don't fall in love."
Read: Is Claudine and Milano's rumored romance already over?
ON MARK ANTHONY FERNANDEZ
Pinabulaanan din ni Claudine ang espekulasyong nagkabalikan sila ng ex-boyfriend na si Mark Anthony Fernandez.
Read: Claudine’s birthday greeting for ex Mark Anthony stirs netizens
Nagkatrabaho sila sa TV5 drama series na Totoy Bato, na umere mula May 2025-April 2026.
"Ang na-rekindle, yung friendship," nakangiting paglilinaw ni Claudine.
"Yun yung talagang mas importante kasi, as friends," dagdag niya.
Mas gusto raw niya iyon dahil kapag naging sila ay "puwede pang mawala yun."
Ayaw raw niyang mawala sa buhay niya si Mark.
Naniniwala siyang puwedeng maging magkaibigan ang mag-ex?
"Yes, you can be friends with your exes," sagot ni Claudine.
Hindi raw niya iniisip ang pagkakaroon ng love life ngayon.
Pero sabi rin niya, "I'm open naman to entertaining suitors. Pero siguro talaga, kung darating, darating. Kung hindi, ayaw ko nang pilitin."
Hindi rin daw siya puwedeng basta na lang magpakasal dahil "hindi pa ako annulled."
Si Claudine ay 13 taon nang hiwalay sa estranged husband niyang si Raymart Santiago.
Ang anak nilang si Santino ay 19 years old na.
CLAUDINE BARRETTO ON HOME ALONG DA RILES: DA REUNION
Lubos ang saya ni Claudine sa reunion movie nila ng original cast members ng Home Along Da Riles, ang defunct Kapamilya sitcom na umere ng 11 taon sa ABS-CBN.
Father's Day tribute nila ito sa namayapang Comedy King na si Dolphy, ama ni Vandolph Quizon at lolo ni Boy2 Quizon, na co-producers ng pelikula sa ilalim ng film company nilang Riles Productions.
Saad ni Claudine: "Exciting kasi napakaganda talaga nung pelikula. Tatawa ka, iiyak ka.
"And I guess, siguro you just really have to watch the movie para ma-experience niyo yung sinasabi ko.
"Hindi ko talaga ma-put into words kung ano ba ang meron ang pelikulang ito. Pero I think we have everything you want."
Espesyal din ito kay Claudine dahil pamilya na raw ang turing niya sa co-stars na sina Vandolph, Boy2, Maybelyn dela Cruz, Smokey Manaloto, Gio Alvarez, Dang Cruz, at Nova Villa.
"When you're going through like a loss or a breakup or something sa buhay mo, mahirap magtrabaho talaga. Kahit anong industry yan.
"Pero I wouldn't be able to be where I am right now or to have gone through everything na pinagdaanan ko kung wala yung pamilyang ito.
"Kasi mula nung nawala yung daddy ko, andami nang nawala, never naman sila nawala sa buhay ko, especially ngayon na wala na si Mommy.
"Hindi ko kaya lahat ng mga pinagdaanan ko kung hindi dahil sa pamilya Cosme.
"Isang tawag lang. Every day magkausap kami. Umaga pa lang, bago matulog. Hindi man every day, 'no?
"Pero dahil magsu-showing na kami, halos every day, 'no? May GC kami."
Sa trailer ng pelikula, makikita na isa sa highlights ay ang wedding ng karakter ni Claudine na si Bing Cosme.
Pero idiniin ni Claudine na hindi niya "comeback film" ang Home Along Da Riles: Da Reunion.
Maaasahan daw ng mga manonood na mabibigyan ng spotlight ang ensemble acting ng cast.
