Hindi lang talento sa pag-arte ang hindi malilimutan kay Comedy King Dolphy kundi ang malaking puso nito para magbigay ng tulong, saya, at inspirasyon sa tao.
Ito ang inalala ng cast ng Home Along Da Riles: Da Reunion na sina Maybelyn dela Cruz, Smokey Manaloto, at Boy2 Quizon sa PEP Live noong June 10, 2026.
Read: Vandolph reveals Home Along Da Riles originally intended for MMFF
Kuwento ni Maybelyn, wala na sa ere ang sitcom nilang Home Along Da Riles nang minsang tinawagan niya si Dolphy para hingan ng pabor na bisitahin ang isang "dying cancer patient" sa East Avenue Medical Center sa Quezon City.
Bahagi ito ng voluntary work ni Maybelyn na tumulong sa pagtupad ng mga simpleng hiling ng grupo ng mga batang pasyente na malubha ang cancer.
"There was this one kid, gusto niya makita si Tatay, gusto niya makita si Dolphy. Sabi ko, 'Naku, 'nak, mahirap yun, pero subukan natin, ha?'
"Ang worry ko at that time, baka isipin ni Tatay kailangan ng pera. When in reality, gusto lang talaga siya makita nung bata. Siya yung kailangan.
"Matagal nang walang Home Along nun," balik-tanaw ng aktres.
Noong panahong iyon ay personal assistant ni Dolphy sa tunay na buhay ang tinatawag ni Maybelyn na "Kuya Presly," isa sa mga gumanap na "Sunong Baga Gang" o manginginom sa kanto sa set ng Home Along Da Riles.
Si Presly ang sumagot sa telepono nang tumawag si Maybelyn noon.
Nang hanapin ni Maybelyn si Dolphy, sabi raw ni Presly, "May sakit siya ngayon. Di maganda pakiramdam niya ngayon. Pero papasa ko pa rin ang telepono."
Nakausap din ni Maybelyn si Dolphy at sinabi niya rito ang hiling ng batang cancer patient na makita sa personal ang Comedy King.
"Sabi ko, 'Wish lang po makita kayo. Kung saka-sakali na may taping po kayo sa ABS, baka pwede pong daanan ninyo? Kasi sa East Ave Medical Center lang yung hospital. Baka next week pwede.'
"Sabi niya, 'O, sige, sige.'"
Pagpapatuloy ni Maybelyn: "Morning ko siya tinawagan. Hapon, tumatawag na siya sa akin sa phone.
"'Maybe, Maybe,' sabi niyang ganun. 'Saan dito yung bata?'
"Sabi ko, 'Nasaan po kayo?' 'Nasa East Avenue.'
"'Bakit po kayo nandiyan? Di ba, may sakit kayo?'
"'Sabi mo dying na. Baka pag next week, hindi ko abutan. Nandito na ako. Sino ang hahanapin ko dito?'"
Nagulat daw si Maybelyn sa mabilis na aksyon ni Dolphy para tuparin ang hiling ng batang may cancer.
Malayo raw ito sa ibang artista na naimbitahan niyang bumisita sa cancer patients.
Aniya: "Kasi hindi lang naman si Tatay yung una. May mga batang nag-request na ang gusto nilang makita yung iniidolo nila.
"So I have arranged [for other] artists to go to that hospital for these kids.
"Pero si Tatay lang yung walang kaarte-arte, na biglang darating doon, walang camera, walang ibang media, walang fans. Walang fanfare.
"Kasi yung iba, ang requirement, naka-televise yung pagbisita nila. So, si Tatay, wala."
Ang ikinagulat din ni Maybelyn ay ang kusang-loob na pagbigay-saya ni Dolphy hindi lang sa batang nag-request kundi pati sa ibang cancer patients sa East Avenue Hospital noon.
Lahad niya: "Pinatawang niya lahat ng cancer kids na nasa ward tapos lahat binigyan niya ng pera.
"Tapos yung mga nanay, si Tatay mismo nagkuwento sa akin, sabi niya, 'Natatawa ako kasi kinukuwento ng isang nanay. Sabi niya [sa anak], 'Akin na, itatago ko yung bigay sa yo.'
"Ayaw ng mga bata. 'Hindi! Bigay ni Dolphy, ito.' Tapos si Tatay, sabi niya, proud na proud daw yung mga bata."
Masaya na raw si Dolphy na napasaya niya ang mga bata.
"Tapos natutuwa siya kasi kahit murang edad, you're talking about three, four-year-old kids with cancer, kilala si Dolphy. Sabi niya, 'Kilala nila ako.' Tapos happy na siya doon.
"To think, may nararamdaman siya nung umaga na iyon. He went out of his way to give time to this person."
Sabay malungkot na dagdag ni Maybelyn, "Just a week or two after that, the kid died."
Mabuti na lang daw at hindi nagpatumpik-tumpik si Dolphy na bisitahin ang pasyente kaya inabutan niya ito.
Nagmarka raw iyon kay Maybelyn.
Tingin niya, kaya rin daw siya aktibo sa outreach activities ay dahil sa impluwensiya ni Dolphy noong nakatrabaho niya ito sa loob ng 11 taon sa Home Along Da Riles.
Diin pa niya: "We learn things from him by osmosis, just by looking at him, how he did things way back then.
"Now that I have a capacity to help people, I'm doing that.
"Kasi si Tatay, pinakita niya sa aming lahat na ikaw ang nakakapagbigay ng blessing sa iba, nasi-share mo kung anong meron ka."
Read: Alma Moreno moved to tears by Home Along Da Riles: Da Reunion
SMOKEY MANALOTO ON WHAT HE LEARNED FROM DOLPHY
Kuwento naman ni Smokey, bukas din ang palad ni Dolphy sa mga kapwa-artistang humihingi ng tulong dito.
"Yung mga pumila kay Tatay are some actors who are down and out. Wala silang career. They wanted help.
"Kasi si Tatay has the power na guest ka lang sa Home Along. Tatay is never too proud to extend a helping hand sa mga nangangailangan ng tulong niya.
"Hats off ako kay Tatay. If only more actors are like Tatay, mas masaya siguro yung mundo natin ngayon."
Tandang-tanda pa rin ni Smokey ang mga natutunang "words of wisdom" mula kay Dolphy.
"Yung isang sinabi niya sa akin sa eksena. Istorya ng character ko sa Home Along. Ako yung nagyayabang, nagpapanggap ako na mayaman ako para mapa-impress sa babae.
"Ang isang kasabihan ni Tatay na hanggang ngayon hindi ko makakalimutan, sabi niya, 'Huwag kang yayakap sa punong di mo kayang yakapin.'
"Ibig niya sabihin, wag kang magpapanggap. Be yourself. Wag mo pilitin ang isang bagay na hindi ikaw.
"Hanggang ngayon, yun na ang naging mantra ko sa buhay," saad ni Smokey.
Read: WHAT PEP KNOWS: Bea Alonzo and Vincent Co break up for good
BOY2 QUIZON ON CONTINUING DOLPHY'S LEGACY
Sa parte ni Boy2, gusto niyang ipagpatuloy ang legacy ng Lolo Dolphy niya pagdating sa pagprodyus ng pelikula.
"Growing up, yung daddy ko yung nagma-manage ng production house ni Tatay Dolphy, yung RVQ.
"Maraming nalilito, si Dolphy ay lolo ko, yung daddy ko si Boy1. Nasa States na yan. CEO ata o CEO siya noon ng RVQ.
"Nakita ko kung paano nila mina-manage yung production company nila. They were in Manila back then."
Lahad pa ni Boy2: "Nakita ko lahat ng pelikula nila sa RVQ, blockbuster, especially yung mga pelikula ni Lolo.
"Napansin ko, yung investment ng RVQ, huminto nung time na di na gumagawa ng movie si Lolo. Para siyang domino effect."
Pumanaw si Dolphy sa edad na 83 noong 2012.
Read: Comedy King Dolphy dead at 83
Pagpapatuloy ni Boy2: "Siguro si Lolo kung nag-produce pa ng movie sa amin, kung umabot yung kalakasan niya, baka mas napabilis or may mga next na Quizons pa maliban sa amin ni Vandolph.
"Nakita ko si Lolo, kahit gusto niya magtrabaho, nakita ko nung di na niya kaya talaga.
"So, kung puwede lang gawin namin para sa kanya, pero di namin kayang i-pull off yun nang kami."
Ito raw ang nagtulak kay Boy2 na aralin din ang trabaho sa likod ng camera.
Sila ni Vandolph ang co-producers ng Home Along Da Riles: Da Reunion, sa ilalim ng film company nila na Riles Productions.
Si Boy2 rin ang direktor ng pelikula. Proud sa kanya ang co-stars niya dahil talagang binusisi at sinigurado raw nitong magugustuhan ng fans ng sikat na '90s sitcom na umere sa ABS-CBN ang peplikula.
Saad pa niya: "So, yun ang nag-drive sa akin, dapat hindi lang forever na isipin mo lang yung para sa sarili mo. Kailangan maaral ko ang production, na kahit hindi ako ang lumabas [na artista] dito. Kasi ito yung maliliit pa lang kami, ito yung binigay sa amin, e.
"Knowing tatay, si Tatay is always about the family. Kaya yung dynamics namin sa Home Along, parang pamilya talaga. Sa Quizons naman, kaya kami solid, kahit sobrang andami kong lola, pero lahat kami close.
"Si Tito Eric ko, Kaizz ang tawag ko... Si Vandolph, di ko naman kapatid yun, tito ko yun, pero sobrang close namin.
"Ganun din yung pakiramdam pag nagbibigay ka ng work sa mga tao sa industriya. It's not about you na lang.
"It's something na, hopefully, ma-sustain namin. Kasi dito nagagawa naming makita yung mga taong dating nagtatrabaho kay Tatay, na kasama rin namin dito sa journey ng pelikula."
Watch full interview here:
