Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na si Lotlot de Leon kaugnay ng matagal nang isyu nila ng kanyang kapatid na si Ian de Leon.
Si Lotlot ang panganay at isa sa apat na adopted children ng yumaong Superstar at National Artist na si Nora Aunor at ng award-winning actor na si Christopher de Leon. Ang tatlo pa ay sina Matet, Kenneth, at Kiko.
Si Ian ang nag-iisang biological son ng dating mag-asawang Nora at Christopher.
Sa story conference ng pelikulang 40 Days na ginanap sa isang events place sa Quezon City ngayong Biyernes, Hunyo 19, 2026, hindi napigilan ni Lotlot ang kanyang emosyon habang nagsasalita tungkol sa alitan nila ni Ian.
Ang 40 Days ang pelikula ng LVD Productions na pagbibidahan nina Lotlot, Elizabeth Oropesa, Snooky Serna, Lloyd Samartino, at Dina Bonnevie.
IAN DE LEON'S INTERVIEW
Nag-ugat ang pagsasalita ni Lotlot dahil sa mga binitiwang salita ni Ian sa panayam niya sa Fast Talk With Boy Abunda na ipinalabas nitong Biyernes ng hapon.
Sa panayam sa kanya ni Boy Abunda ay tinalakay ang itinatag na one-person corporation ni Ian kaugnay ng naiwang assets at legacy ng kanyang ina na si Nora Aunor: ang Nora Aunor Enterprise (for profit) at Nora Aunor Foundation (non-profit).
Diretsahan ding tinanong si Ian kung siya ba ang "sole heir" o nag-iisang tagapagmana ni Nora, bilang nag-iisang biological nito.
"I've already answered that, Tito Boy. Legally speaking... again, this does not exclude any family members.
"If there are any legalities that has to be resolved in this case after Mom has passed, you know, under the law, yes. Kumbaga, I am," pagkumpirma ni Ian.
Tinanong din si Ian kung ano ang naging usapan nilang magkakapatid tungkol sa pagtatatag niya ng one-person corporation (OPC).
Base kasi sa naunang panayam ni Boy kay Matet sa parehong programa ay sinabi nitong hindi siya nasabihan ukol dito.
Ayon kay Ian, sa 40th day ng kamatayan ng kanilang ina noong May 25, 2025, ay nagtipun-tipon silang limang magkakapatid sa Bulwagan ng Libingan ng mga Bayani upang pag-usapan ang tungkol dito.
Kuwento niya: "I also, you know, wanted them to be involved in the... This was still a concept during that time.
"And I wanted them to be involved in the... wala pang OPC nun with the plans that I had to continue Mom's legacy.
"And I think nung time na yun, they weren't ready, because it was still a concept, di ba?
"But I told them that I would pursue this. I'm willing for everyone to be on board."
Pinabulaanan ni Ian ang sinabi ni Matet na hindi sila nasabihan tungkol sa pagtatatag ng aktor ng OPC.
"No... no," tanggi niya.
"I told them. In fact, there was a meeting that was held, sa Zoom meeting, where Matet was also there twice. She was aware."
Read: Matet admits "misunderstanding" with Ian amid inheritance issue
IAN DE LEON ON STATUS OF RELATIONSHIP WITH HIS SIBLINGS
Inusisa rin ni Boy si Ian tungkol sa kasalukuyang estado ng relasyon nilang magkakapatid.
"Kayo ba ay nag-aaway-away? You're not speaking to each other? Ano ang nangyayari?" tanong ng TV host.
Hindi direktang sinagot ni Ian ang tanong, ngunit mahihinuhang mayroon silang hindi pagkakaunawaan ngayon.
Aniya: "As far as I am concerned kasi, in a family unit... Unfortunaley for us kasi, we're public, everyone knows what's happening.
"But, you know, people have to understand that family units have their own misunderstandings.
"So, para sa akin, it's only a matter of time. I would let time take its own course. I don't want to force anything until it's the right time for things to be resolved.
"So, I would do whatever it is to uphold Mom's legacy and fulfill what her dream was when she was still around.
"This is not for me. It's for Mom."
Sabi rin ni Ian tungkol sa kanyang mga kapatid, "Our opinions may differ but ultimately I can see in the future na we will all connive to one certain purpose."
THE MANA ISSUE
Sinagot din ni Ian ang usap-usapan na ang puno't dulo ng alitan nilang magkakapatid ay dahil sa mana.
Aniya: "The mana issue, I wanna set the record straight right here.
"Things take time. Your mother passes today, the next week may mana na. Everything has to be dealt legally.
"I'm no legal expert but I'm sure as heaven that I will have a crash course on legalities in order for this to have order and structure.
"Kasi, one reason why I decided to pursue this is because I don't want Mom's name to be used freely, loosely by anyone who does things for their own personal gain."
Kumusta ang huling pakikipag-usap ni Ian sa kanyang mga kapatid?
Sagot niya: "Well, Kiko and Kenneth, we still have constant communications...
"My sisters, well, like what I have said earlier, i mean, siguro time can make you realize where you stand. Time siguro can make you heal.
"It's not... things don't have to have resistance, that's what I believe in. Huwag pilitin.
"There shouldn't be any resistance to everything. If you're gonna mend something, tapos you just try to fix things without any glue, you know, it won't hold together at all."
Mensahe niya para kina Lotlot at Matet: "I'm just here. I'm just around.
"I understand sometimes family have... they get into misunderstandings and all...
"As long as you know what you're doing is right, as long as you know the truth, and you're not burdened by the chaos around you, it's like peace among the chaos."
Tanong ni Boy: "Nasa puso mo ba, Ian, na kung anumang meron you will be fair to all your siblings?"
Sagot ni Ian, "Of course, definitely."
Read: Ian de Leon no personal motive in managing Nora Aunor's legacy

LOTLOT DE LEON REACTS TO IAN DE LEON'S INTERVIEW
Ilang oras matapos umere ang panayam ni Ian sa Fast Talk With Boy Abunda ay humarap naman sa entertainment press si Lotlot para sa story conference ng upcoming film na 40 Days.
Dito ay ibinuhos ni Lotlot ang kanyang kinikimkim na damdamin makalipas ang ilang buwang pananahimik tungkol sa isyu nila ng kapatid.
Pero bago nagbulalas si Lotlot ng galit na nararamdaman, marespeto at paulit-ulit siyang humingi ng paumanhin sa mga kasamahan niya sa pelikula.
Aniya: “I’d like to apologize to my co-actors. Today is not a good day for me.
"If I may just go straight to the point, I’d like to say excuse me to my LVD family. I know this is not the proper venue."
Dito na niya sinagot ang mga pahayag ni Ian, at inaming isang taon na silang nag-uusap.
Saad ni Lotlot: “Ian was interviewed before I came here. He was in Fast Talk with Boy Abunda.
"Hindi ko siya nakausap ng isang taon na. Ian and I have not spoken in one year.
"So many things have been said about me, about Matet, about my two brothers.
“I never said anything. Why? Because nirerespeto ko pa rin ang mommy ko at nirerespeto ko ang daddy namin na si Christopher de Leon."
Diretsahang tinukoy ni Lotlot ang mga isyung ipinupukol sa kanya ng mga ktiriko at bashers noong nabubuhay pa si Nora at hanggang sa pumanaw ito.
"A lot of things have been thrown about me through time, even when my mom was alive, and I did not say anything at all.
“And yet people keep throwing stones at me. 'Walang utang na loob.' Paulit-ulit. 'Suwail na anak, walang kuwentang tao.'
“Okay, if that makes you happy, so be it."
Read: Is this Matet’s reaction to inheritance issue with brother Ian?
LOTLOT FINALLY SPEAKS UP ABOUT THE MANA ISSUE
Kung kinaya raw niya ang mga paratang na iyon, hindi raw palalampasin ni Lotlot ang "isang sinungaling na tao."
Sinagot na rin ni Lotlot ang matagal nang ipinupukol sa kanya — ang paghahabol umano niya sa mana.
"Pero ang hindi ko mate-take ay ang isang sinungaling na tao," mariin niyang sabi.
"I came out with a statement a few months ago because what’s being thrown at me is mana.
“Yung mana na yan, just to clarify, let me be clear. Wala akong hinahabol na mana. Wala akong hinihinging mana. Ni piso, wala.
“Kaya kong magtrabaho at magpakahirap, magpuyat. Simula nung namulat ako, buntot ko, hila ko.
"Hindi ako humingi ng tulong at hindi ako naging pabigat sa mga magulang ko kaya huwag ninyong ibato sa akin yung mana dahil kaya kong magsumikap at magpakahirap.
“Kung anuman yung naiwan ni Mommy, mga lupain niya sa Bicol, yun lang ang meron siya.
“Tanungin ninyo yung mga tao na nakakaalam. Alam yan ni Rodel [Fernando, showbiz reporter]. Wala namang ibang naiwan ang mommy, e, kundi yon."
Inamin ni Lotlot na ilang linggo pagakatapos mailibing ni Nora ay kinausap niya si Ian upang tanungin kung payag itong hatian sila sa mga naiwang property ng kanilang ina.
Lahad niya: “And after Mommy died and after she was buried, to be honest, kinausap ko si Ian.
“Nung pagkalibing ni Mommy, after a few weeks, tinanong ko siya, ‘Ian, are you willing to share the properties of Mommy with us?’
“And tinanong ko yan without Matet, Kiko, and Ken knowing.
"Why? Kasi naaawa ako dun sa tatlo. Hindi para sa akin kundi para dun sa tatlo kong kapatid dahil wala naman iniwan si Mommy sa kanila!"
Sa puntong ito ay mataas na ang emosyon ni Lotlot.
Pagpapatuloy niya: “And tanggap naman namin na kung anong meron si Mommy, kay Ian yan. Walang nanghihingi niyan! Walang nang-aagaw!
“At sinabi ko kay Ian, 'If you’re willing to share the properties of Mommy with us, maraming salamat. Kung hindi, okay lang. Walang problema.’
“And tinanong ko yan without Matet, Kiko, and Ken knowing. I just wanted to know if he would for the sake of the three."
Emosyunal na sabi pa ni Lotlot: "Kasi ako, kaya ko, e.
“Buong buhay ko naman, kinaya ko! Dumating ang punto sa buhay ko, wala akong pera, wala akong pang-gas, pinuputulan ako ng Meralco, pinuputulan ng tubig.
“Wala naman tutulong sa akin. Pero kahit minsan, hindi ko inistorbo ang mga magulang ko, kahit mga anak ko.
"Pero kinaya ko! Tumayo ako, nagsipag ako, sa tulong ng asawa ko, kaming dalawa.
“Tamaan ako ng kidlat ngayon kung meron akong naagrabyadong tao kaya huwag ninyong ibabato sa akin yung mana!
“Kay Ian na yan!"
Read: Ian de Leon: "Each family has its own issues."
LOTLOT ON TALKING TO IAN ABOUT THE NORA AUNOR FOUNDATiON
Ibnahagi rin ni Lotlot ang pakikipag-usap umano niya kay Ian tungkol sa foundation na binabalak nilang itayo sa ngalan ng kanilang pumanaw na ina.
Lahad niya: "Pagdating naman dun sa foundation, tinanong ko siya, ‘Are you willing to do the foundation with us?’
“Sabi ko, 'Magtayo tayo para kay Mommy, to continue her legacy.' Anong sinabi niya, ‘I am not ready. Wala akong ilalabas na pera.’
“Ang lahat ng usapan namin ni Ian, nasa text yan! May kopya ako.
“Sabi niya, ‘Hindi ko pa kaya ngayon.’
“Sabi ko, 'Okay. Irerespeto ko yan.'
“Hanggang sa nagkaroon uli kami ng conversation because Matet, Kiko, and Ken said, ‘Ate, naiintindihan namin yung gusto mong gawin. Magtayo na tayo.'
“Sabi ko, 'Hindi ko puwedeng itayo ito na hindi tayo kumpleto.'
"Kinausap ko ulit si Ian. Sabi niya, 'Hindi. Go ahead, do it. Gawin ninyo, susuportahan ko yan.’
“Ang sabi niya sa akin, 'Kapag ready na ba ako, puwede na akong sumali?'
“Sabi ko, ‘Oo, Ian, kasi atin ito. For the legacy of Mommy.’
“Ano ba ang legacy? Ang legacy ni Mommy, isang pagtulong sa kapwa, hindi ba?
"Yun lang naman ang gusto kong ituloy. Hindi para pagkakitaan ng kahit ano.
"In fact, ako pa nga ang maglalabas. Ako ang maghihirap para maghanap ng pera para magtayo ng foundation.
“When finally I was able to put up the foundation, anong ginawa niya?
"Nagpunta sa Facebook, ang sinabi niya, ‘Hindi ko alam yung foundation na itinayo. Hindi ko pinapayagan ang kahit sino na magtayo ng foundation. Hindi ako papayag na kahit na sino, magbigay ng pera sa foundation na yan.’
“Dun ako nasaktan. Bakit? Kasi alam niya, alam niya lahat! Alam niya lahat!"
Pagkastigo niya sa kapatid: “So, hindi ko maintindihan kung bakit puro kasinungalingan ang lumalabas sa bibig mo, Ian! Bakit?
“Sinabi niya kanina sa Fast Talk, sinabi daw niya sa akin, kay Matet, kay Kiko, kay Ken na magtatayo siya ng one-person corporation, ng enterprise.
"He never told us. He never told us. Never shared with us anything at all. Wala siyang shinare, wala siyang sinabi, wala siyang kinuwento.
“Hinahayaan na lang namin. Ako, tahimik na ako.
"But I will not allow anyone to put Matet down, to put Kiko down, to put Ken down, and to say all these lies ‘coz it’s not true!"
Galit na galit na sabi pa ni Lotlot: “Ikakayaman ko ba ang pagsisinungaling? Ikakayaman ko ba ang pang-iisa ng kapwa?
"Ang gaba ng Panginoon, dyusko, matakot tayo, sa totoo lang!
“Pero hindi na ako papayag. Enough! Enough with the lies! Enough with all of that!
“Tahimik ako, tahimik na si Matet, tahimik si Kiko, tahimik si Ken!
"Wala na kaming sinasabi and then you go out on the TV show and then you tell everyone na sinabi mo sa amin, which is not true!
“Pinadaan ko na nga sa abogado ko, e, para nga hindi na ako magsalita noon pa man."
Read: Lotlot de Leon's camp breaks silence on issue with brother Ian
LOTLOT DE LEON BREAKS DOWN
Sa mga sumunod na pahayag ni Lotlot tungkol kay Ian ay hindi na niya napigiling humagulgol
"So this is just to clarify. Whatever you’re hearing, whatever you know, it’s not true!
"Now, this is coming from me and it pains me so much kasi tinuring ko siyang… inalagaan ko siya bilang kapatid!" naiiyak nang sabi ni Lotlot.
“Ibinilin sa akin ng nanay ko. Ilang taon bang wala si Mommy na nasa Amerika siya? Sa akin naiwan si Matet, si Kiko, si Ken, kahit si Ian, ilang taon sa akin tumira yan.
“Nung asawa ko pa si Monching, ginawan pa namin siya ng sariling kuwarto sa bahay namin.
"Why? I don’t understand why?
“Again, sa kanya na lahat [ng mana]. Wala kaming hinihingi. Wala kaming hihingin.
"Wala akong inaagaw, walang inaagaw si Matet! He can have it all!"
Sa puntong ito ay pumunta sa likuran ni Lotlot ang nag-iisang anak niyang lalaki na si Diego Gutierrez, upang aluin ang ina.
Humahagulgol na sabi pa rin ni Lotlot: "Kasi para sa akin, sapat nang natawag kong 'Mommy' si Nora Aunor! Sapat nang napalaki ako ng isang Superstar.
“Sapat nang nabigyan ako ng pangalan ni Mommy.
"He can have it all!
“Galit ako! Galit na galit ako!
"Buong buhay ko, isinakripisyo ko sa mga kapatid ko! Tapos sisirain mo lang!
"I am so sorry, please forgive me."
Pagkatapos nito ay tumayo si Lotlot na umiiyak pa rin.
Niyakap siya ng katabi niyang si Elizabeth Oropesa at lumapit din sa kanya si Snooky Serna at iba pang co-stars.
Makikita rin si Dina Bonnevie na hindi napigilang mapaiyak sa kanyang kinauupuan.
Read: Matet de Leon fires back at bashers amid inheritance issue