Diether Ocampo likes working with foreign models more than with Pinays in his photo shoots

by Archie de Calma
Sep 25, 2008
"Mga Pinay, hindi sila comfortable. I'd rather work with foreigners, kasi most of them, hindi naman nila ako kilala," says Diether Ocampo about his problem with Filipina models when he does photo shoots for magazines.

Bukod sa Iisa Pa Lamang teleserye ng ABS-CBN kung saan nagmamarka ang exposure niya, okupado ang panahon ni Diether Ocampo sa K.I.D.S. (Kabataang Inyong Dapat Suportahan) Foundation. Umabot pa ang aktor sa Cordillera at Bacolod para sa ilang proyektong kaugnay ng kanyang advocacy.

"May mga paanyaya for shows abroad for TFC subscribers," sabi ni Diet sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "At saka I'm into photography, di ba?" Binanggit din ni Diether na nagsu-shoot siya for the magazine na kasosyo siya.

"Naging busy ako sa tapings lately, kaya hindi ako nakakatanggap ng projects for photo shoots. Nagko-contribute din ako sa mga magazine kasi. Isa 'yan sa pinagkakaabalahan ko ngayon," dugtong niya.

Nakakapagod nga kung tutuusin dahil sumasabay pa rito ang concerns niya for K.I.D.S. Foundation, at yung banda niyang Blow ay nakatakda nang mag-recording for their third album.

"Okey lang, tama yung pacing ng mga nangyayari, at hindi naman ako nababakante," nangingiting sabi ni Diet.

Continue reading below ↓

PHOTOGRAPHY AND MOVIE. Sa photography, nagko-contribute nga si Diet sa magazine na isa siya sa may-ari at sa ilan pang magazines.

"Close to what I am doing itong hobby na photography," ani Diet. "Parang form of art din 'yan, just like making a movie. Capturing moments in still photos.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Hobby ko lang naman, 'tapos nadi-discover ng iba. Sabi nila, bakit daw hindi ako mag-contribute sa kanila. Nahihiya ako kasi hindi naman ako professional photographer talaga.

"Sinubukan ko, 'ayan, tuluy-tuloy na. Parang dito sa industriya, anumang simulan mo rito, talagang gusto mo, ituluy-tuloy na," sabi pa niya.

MODEL TROUBLE. Si Kristine Hermosa ay nakuha na niyang model for photography.

"Siya yung pinakahuli," sabi pa ni Diether. "Yung para sa anniversary issue [ng magazine niya]. Matagal na yun, e. Nag-shoot pa kami sa Boracay.

"Siya pa lang yung artista. Among the other models naman, ang problema kasi, parang naiilang silang magpakuha ng pictures sa akin. Lalo na kung mga Pinay, hindi sila comfortable. I'd rather work with foreigners, kasi most of them, hindi naman nila ako kilala.

Continue reading below ↓

"I had a problem with my previous photo shoots. Nahihirapang mag-project yung model, na parang nahihiyang hindi mo maintindihan. Lagi ko ngang sinasabi, just don't mind me. We have to do our jobs, para matapos nang maganda yung pictorial," patuloy niya.

DIREK DIET? Hindi kaya papunta na rin si Diet sa pagdidirek?

"Alam mo, parang ganoon na nga ang puwedeng mangyari," sabi niya. "Hindi ko masabi. Kasi nag-e-enjoy ako sa photography, and they would ask me, bakit daw hindi ako magdirek?

"Masyadong malaking responsibility kasi yun, pero matagal ko nang plano ang gumawa ng isang documentary for K.I.D.S. Foundation. Balak ko nga, ako na lang sana ang magpo-produce.

"Parang gusto ko na lang kumuha ng direktor na mas sanay na sa documentaries. Kailangan lang kasing alam ng direktor kung ano ang gusto kong mangyari, yung detalye. So, iniisip ko rin. Hindi malayong mangyari na makapagdirek ako," nasabi pa niya.

Read Next
Read More Stories About
Diether Ocampo
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Mga Pinay, hindi sila comfortable. I'd rather work with foreigners, kasi most of them, hindi naman nila ako kilala," says Diether Ocampo about his problem with Filipina models when he does photo shoots for magazines.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results