PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Matet blasts bashers, challenges Ian to tell the whole story

Matet de Leon accuses Ian of staying silent while siblings get attacked.
by Erwin Santiago
Published 9 hours ago
matet de leon ian de leon feud
Matet de Leon to her "kuya" Ian de Leon": "Sana hindi mo na e-enjoy ito. Sa tingin mo ba, deserve namin to? Na winawalanghiya kami ng tao kahit alam mo kung sino at anong klaseng tao kami? Mukha kaming kupal kahit alam mong hindi."
PHOTO/S: Facebook / YouTube

Sa halip na humupa ay tila lumalala ang alitan sa pagitan ng mga anak ng yumaong Superstar at National Artist na si Nora Aunor.

Lumalabas na may dalawang kampo sa gusot na ito.

Sa isang kampo ay magkakampi ang apat na adopted children ni Nora: sina Lotlot, Matet, Kiko, at Kenneth.

At sa kabilang panig ay si Ian, ang "sole heir" ni Nora at nag-iisang biological son niya sa dating asawa na si Christopher de Leon.

Sa story conference ng pelikulang 40 Days noong Hunyo 19, 2026, tila bulkang sumabog si Lotlot nang ilabas niya ang lahat ng kinikimkim na sama ng loob laban kay Ian.

Noong araw ring kasing iyon ipinalabas ang interview ni Ian sa Fast Talk With Boy Abunda kung saan muling natalakay ang sinasabing isyu niya sa mga kapatid dahil sa mana at foundation.

Read: Lotlot breaks down in tears over Ian feud: "He can have it all!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MATET ON WHO THE REAL ENEMY IS

Ngayong Miyerkules, Hunyo 24, si Matet naman ang nagsalita sa pamamagitan ng social media post.

Dito ay sinagot niya ang bashers na wala pa ring tigil sa pambabatikos sa kanilang mga adopted children ni Nora at sa pakikialam ng mga ito sa isyu nilang magkakapatid.

Nag-iwan din ng mensahe si Matet sa kanyang "kuya" na si Ian na hindi umano sumasagot sa kanilang chat.

Saad ni Matet (published as is): "Maraming nangyari sa amin na hindi ko na ni reveal sainyo dahil hindi naman kayo kasali. Pag nalaman ninyo, baka maloka kayo. Nahing maingat ako sa pag sagot (panoorin ninyo uli)

"Yung mga pinagsasasabi ni ian, TRUTH niya yun.

"Nung nagpa interview siya at nagsabing siya ang sole heir ng paulit ulit, umikot mga pwet ninyo. Nag assume na nang aagaw kami. Mga ‘to naman o.

"Yung amin, ayoko na sana ilabas. Never kayong nakarinig o nakapanood na nag over share ako ha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang tunay na kaaway ay kayo. Nag co comment ng kung ano ano. Na para bang may nagawa kami sainyo mismo.

"I just realized, that your words are empty (the bashers). You don’t know us, we don’t know you.

"Walaaaa kayong kaalam alam sa nangyari. So wala. Walang saysay ang pang aaway"

Sinagot din ni Matet ang paratang na "ungrateful" o wala silang utang na loob na mga inampon ni Nora.

Buwelta ng aktres: "Sa ungrateful naman, ah eh.. Ha?

"Wala nanaman kayong alam dun.. Nakatingin nanay ko sakin habang nagsusulat ako ngayon

"Alam niyang sobrang grateful ko at naalagaan ko siya ng higit sa makakakaya ko.

"Kaya guys, tama na yan. Wag niyo na inisin sarili ninyo ha? Hindi naman kayo kasi kasali eh."

Read: Ian de Leon responds to sister Lotlot's tirades against him

MATET'S MESSAGE TO HER "KUYA" IAN

Sa huling bahagi ng kanyang post, kinastigo ni Matet si Ian dahil sa hindi pagsasabi ng mga mali nito at hindi pagtatama sa maling paniniwala ng publiko tungkol sa kanilang magkakapatid.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mensahe ni Matet: "Para sa’yo, 'kuya' ian, sana sinabi mo rin sa tao yung mga nagawa mong mali.

"Na hindi totoong nang kakamkam kami.

"Na yung zoom meeting (tutal nabanggit mo na) eh para sa play na feeling ko mali at hindi enterprise o foundation?"

Sabi pa niya: "Sana hindi mo na e-enjoy ito. Sa tingin mo ba, deserve namin to?

"Na winawalanghiya kami ng tao kahit alam mo kung sino at anong klaseng tao kami? Mukha kaming kupal kahit alam mong hindi.

"Di kayo sumasagot sa chat eh. Dito na lang.

"See guys? You know nothing."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Matet admits "misunderstanding" with Ian amid inheritance issue

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matet de Leon to her "kuya" Ian de Leon": "Sana hindi mo na e-enjoy ito. Sa tingin mo ba, deserve namin to? Na winawalanghiya kami ng tao kahit alam mo kung sino at anong klaseng tao kami? Mukha kaming kupal kahit alam mong hindi."
PHOTO/S: Facebook / YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results