“Women are not for sale!”
Ito ang sambit ni Herlene Budol sa kanyang Facebook post kahapon, June 27, 2026, kung saan isiniwalat niya ang isang indecent proposal mula sa isang umanong pulitiko.
Nasa post ang screenshot ng isang conversation ni Herlene sa Facebook Messenger.
Hindi ibinunyag ni Herlene kung sino mismo ang nag-send ng mensahe, ngunit “Gov” ang pakilala nito sa kanya.
Sa oras na 2:37 A.M. ipinadala ang mensaheng ito.
Tanong ng message sender sa Kapuso actress-host, “Can I ask if available ka for one night stand and magkano?”
Matapos nito ay nag-missed call ang anonymous messenger.
Ilang oras matapos ang missed call ay nag-message uli ang sender para magbigay ng rate.
"150k," nakasaad sa message na ipinadala noong 9:19AM.
Read: Jericho Rosales' brother Jeremiah found after five days in hiding
HERLENE BUDOL’S RESPONSE
Makalipas ang tatlong oras ay nag-reply si Herlene sa message.
Galit ang sagot niya na nai-send nng 11:22 A.M.: “Hello gov pakyu sayo na 150k mo! Itulong mo na lang yan sa nasasakupan mong lugar godbless haha!”
Matapos nito ay blinock na ni Herlene ang taong nagmensahe.

Umabot na sa higit na 48.2K likes at 1.4K comments ang post na ito ni Herlene sa Facebook.
PRIVATE MESSAGES
Hindi ito ang unang beses na nasangkot si Herlene sa isyu na tungkol sa inappropriate private messages.
Noong December 2023, nag-leak ang umanoy’s flirtatious private messages ni Herlene at ng Magandang Dilag co-star niyang si Rob Gomez.
Depensa ni Herlene, biruan lamang ang mga mensahe at itinanggi niyang namamagitan sa kanila ni Rob, na may anak na sa dating partner nitong beauty queen, si Shaila Rebortera.