Matagumpay ang naganap na F Forever 1st World Tour concert kagabi, June 27, 2026, sa Philippine Arena, Bulacan.
Libu-libong fans ang dumagsa sa concert venue para masilayan ang F4, na kinabibilangan nina Zhou, at Vanness Wu. Kasama rin sa grupo si Ken Chu, pero hindi siya nakadalo sa concert.
Enjoy na enjoy ang mga tagahanga ng Taiwanese pop idol group sa live performance ng sikat nilang mga kanta tulad ng Meteor Rain, Season of Fireworks, at Can't Lose You.
View this post on Instagram
Spotted sa audience ang ilang celebrities na for that night ay naka-fan mode sila.
CELEBRITIES SPOTTED AT F Forever 1st World Tour
MELAI CANTIVEROS-FRANCISCO
Isa na rito ang komedyanteng si Melai Cantiveros-Francisco, na nag-share ng kanyang experience sa Instagram Stories.
Sa limang Stories ni Melai ay maririnig na sinasabayan niyang kumanta ang F4.
Marami rin ang natawa dahil naka-tag si Robi Domingo sa ilang posts.
Biro ng Kapamilya celebrity, kamukha ng kanyang Pinoy Big Brother co-host si Vic Zhou.

“Wag mo ko chacharotin. Robi D, ikaw ito,” biro ni Melai.
MICHELLE GUMABAO
Marami rin ang natuwa sa video post ni Michele Gumabao sa Instagram tungkol sa kanyang VIP experience.
Malapit sa stage ang puwesto ng celebrity athlete kaya malinaw ang kuha niya sa F4 members.
Saad ni Michele, tila nakipag-date siya sa mga idolo niyang pop stars.
“Just me, myself and them. Grabe, saya ko,” saad niya.
Dumaan sa harap niya ang F4 members, at nahawakan niya ang kanilang mga kamay.
Kinilig din siya nang nakipag-heart sign sa kanya si Vic Zhou not just once but twice. Pati sina Vanness at Ashin ay naka-heart sign niya.

ELLEN ADARNA
Sinuwerte rin si Ellen Adarna.
Punung-puno ng mga videos sa concert ang kanyang Instagram Stories.
Isa na rito ay ang pagbati ni Vanness sa kasama ni Ellen na si Rovilson Fernandez.
Nagkatrabaho ang Asian singer-actor at Filipino TV host sa Asia’s Got Talent.
Kasama rin ang interaction nina Ellen at Jerry Yan.
Pagbibida ng actress at internet celebrity, nag-eye contact sila ni Jerry sa loob ng 10 seconds.

Na-meet din niya si Vanness backstage at nakapagpa-picture.
“Jowa Reveal” ang caption ni Ellen sa post na ito.

F4 DEPARTURE
Samantala, pinagkaguluhan sa airport ang F4 members kanina, June 28, 2026.
Paalis na kasi sila sa Pilipinas kaya’t nag-abang ang mga fans upang masilayan sila sa huling pagkakataon.
Sa mga video na kuha kay Vic, malakas na sigawan ng fans nang lumabas siya sa kanyang sasakyan, para pumasok sa airport terminal.
Sa isa namang video ay kitang-kitang pinagkakaguluhan si Jerry habang naglalakad sa loob ng airport.
At kahit napapalibutan ng security ay patigil-tigil ang Asian superstar upang bumati sa mga fans na sumisigaw ng Dao Ming Si.
Ayon naman sa ilang fans, maagang umalis si Vanness, na pinagkaguluhan din.
Samantala, isang larawan ang ipinost ni Ashin sa kanyang Instagram account matapos ang concert.
Aniya, "Mahal naming Manila, Salamat. [Philippine flag]."
Puno naman ng pasasalamat ang comments section dahil siya ang instrumento para magkaroon ng reunion concert ang tatlo 25 years matapos ma-launch ang kanilang career sa Meteor Garden.
Ang promoter ng concert ay Live Nation Philippines.
