Pumanaw ang dating aktor na si Michael Sandico, sa edad na 63, noong June 22, 2026.
Ayon sa isang ulat, mapayapang pumanaw si Michael sa Seattle, Washington, USA.

MICHAEL SANDICO'S ACTING CAREER
Base sa tala ng IMDB, tumagal lamang ng halos isang dekada ang acting career ni Michael.
Nagsimula siya bilang child actor noong 1975 sa pamamagitan ng pelikulang Alkitrang Dugo, na base sa 1954 novel na Lord of the Flies.
Ilan pa sa mga tinampukan niyang pelikula ay ang highly acclaimed na Minsa'y Isang Gamu-gamo (1976), High School Circa '65 (1979), Gabun (1979), Alaga (1980), Cain at Abel (1982), at Moral (1982).

Noong 2010 ay nagkaroon siya ng maikling papel sa Kapuso afternoon drama series na Gumapang Ka Sa Lusak, tampok sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.
Wala nang gaanong naibalita tungkol kay Michael matapos niyang talikuran ang mundo ng showbiz.
