PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kim Chiu low-key reacts to past hallway incident with Ogie Diaz

Kim Chiu's fans claps back at Ogie Diaz's commentary about Kim-Ryzza issue.
by Rachelle Siazon
Published 6 hours ago
Kim Chiu low-key reacts to past encounter with Ogie Diaz
A past encounter between Kim Chiu and Ogie Diaz has resurfaced after the entertainment vlogger commented on the actress's controversial joke about Ryzza Mae Dizon on It's Showtime.
PHOTO/S: @chinitaprincess Instagram / Ogie Diaz Showbiz Update YouTube

Naungkat ang lumang isyu sa pagitan nina Kim Chiu at Ogie Diaz nang alalahanin ng entertainment vlogger-comedian ang hallway encounter nila noon ng aktres.

Inuugnay ito ni Ogie sa hirit ni Kim patungkol sa Eat Bulaga! co-host na si Ryzza Mae Dizon.

Read: Ian, Matet spark reconciliation buzz after latest Facebook posts

KIM CHIU'S VIRAL RYZZA MAE JOKE

Nagsimula ang isyu sa skit nina Kim Chiu, Brent Manalo, at Jugs Jugueta sa segment na "Lights Camera Act-SONG" ng It's Showtime noong June 20, 2026.

Nagbiro si Brent na paparating na si "Lotus Feet."

Si Jugs ay nakasuot ng puting damit at puting belo para magmukhang Lotus Feet, ang multo sa horror film na Feng Shui (2004).

Nang lingunin ni Kim si Jugs sa kanyang likuran, hirit niya, "Ay, bakit si Ryzza Mae?!"

Sinakyan ni Jugs ang biro ni Kim, at sumayaw ito ng "Cha Cha Dabarkads," na pinasikat noon ni Ryzza Mae sa Eat Bulaga!.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

jugs jugueta it's showtime
Jugs Jugueta as Lotus Feet in It's Showtime
Photo/s: Kapamilya Channel

Hindi ito nagustuhan ng ibang netizens.

Waring ginawa raw katatawanan ni Kim ang pisikal na hitsura ni Ryzza Mae base sa hirit niya.

Read: Kris Aquino's message to Ryzza Mae in Eat Bulaga! sparks buzz

OGIE DIAZ ON KIM CHIU

Nagkomentaryo naman si Ogie tungkol sa isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kanyang vlog noong June 27, ikinuwento ni Ogie ang personal na karanasan niya nang may hinirit si Kim sa kanya na hindi niya nagustuhan noong una.

Nangyari raw iyon nang mapadaan si Ogie hallway sa studio ng It's Showtime at nakasalubong niya si Kim.

Noong panahong iyon ay mayroon daw silang "konting misunderstanding" ni Kim.

Nang makita siya ni Kim, humirit daw ito na "Buti pinapasok kayo?"

Paglalarawan ni Ogie sa demeanor ni Kim, "Yung mukha niya alanganing nakangiti, alanganing nakasimangot."

Hindi raw maintindihan ni Ogie kung bakit iyon tinuran ni Kim.

Aniya, "Puwede naman ako dedmahin. Ba't nag-dialogue na, 'Buti pinapasok kayo?' 1990 siya pinanganak, 1992 nagtatrabaho na ako sa ABS-CBN."

May kasunod pang sinabi si Ogie patungkol sa interaksiyon nila ni Kim.

Bagamat nagulat siya sa sinabi ni Kim, kalaunan ay napagtanto raw niyang walang masamang intensiyon ang actress-host sa hirit nito nang magkita sila sa hallway ng It's Showtime.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May nakausap daw kasi si Ogie, na kakilala rin ni Kim, na nagsabing hindi rin umano alam ng aktres kung bakit napabulalas ito ng "Buti pinapasok kayo?" nang magkita sila ni Ogie.

Kaya raw "inintindi" ni Ogie ang nangyari at inisip na wala talagang ibang ibig sabihin ang aktres.

Dugtong pa ni Ogie, tingin niya ay wala ring masamang intensiyon si Kim sa pagbanggit nito kay Ryzza Mae sa It's Showtime skit.

Posible naman daw na minsan ay nakakapagbitiw ng salita ang isang tao na hindi naisip kung anong posibleng dating nito sa makaririnig.

Read: Clive Davis laid to rest as music icons pay tribute

KIM CHIU REPOSTS CRITICISMS AGAINST OGIE

Pero diskumpiyado ang fans ni Kim sa kuwento ni Ogie tungkol sa interaksiyon nito kay Kim noon.

Sabi ng isang fan, bakit daw nagtaka pa si Ogie na ganoon ang reaksiyon ni Kim gayong "puro paninira lang naman" daw ang ginagawa ng entertainment vlogger sa aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi raw ibig sabihin na mas matagal na sa showbiz si Ogie ay awtomatikong makukuha nito ang respeto ng aktres.

Sang-ayon din ang isa pang fan, na nagsabing hindi raw plastic ang aktres kaya marahil ito nagpakita ng disgusto kay Ogie.

Ni-repost ni Kim ang ilan sa pagtatanggol sa kanya ng kanyang fans.

Kim Chiu low-key reacts to past encounter with Ogie Diaz
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama na rito ang komento ng isang fan na "gamit na gamit" daw ni Ogie ang aktres sa vlogs nito.

Kim Chiu low-key reacts to past encounter with Ogie Diaz

Ni-repost din ni Kim ang opinyon ng isang fan na nagsabing "brave" si Kim dahil sa halip na manahimik ay kaya ng aktres na pasimpleng magbigay ng reaksiyon kung mayroon itong kinahaharap na kontrobersiya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Kim Chiu low-key reacts to past encounter with Ogie Diaz

Sa kabilang banda, may netizen na nagsabing baka putol ang video na napanood ng fans ni Kim.

Hindi rin malinaw kung napanood ni Kim ang kabuuan ng komentaryo ni Ogie.

Dahil sa kabuuan ng komentaryo ni Ogie ay sinabi nito sa huli na maaaring wala lang kay Kim ang komento nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero sabi naman ng iba, nag-focus na lang sana si Ogie sa Ryzza Mae issue kaysa inungkat pa ang past encounter nila ni Kim para hindi na ito napagpistahan ng netizens.

Read: Lexi Gonzales on why she defended Gil Cuerva amid video scandal

KIM CHIU'S MOTIVATION POSTS AMID RYZZA MAE ISSUE

Samantala, sinasabing may reaksiyon din si Kim sa mga bumabatikos sa kanya dahil sa hirit niya tungkol kay Ryzza Mae.

Nag-repost si Kim sa IG Stories ng video na naglalaman ng motivational message kung paano huwag magpaapekto sa mga taong hindi siya naiintindihan.

Sabi rito: "At some point you have to accept that you’re going to be the villain in someone else’s story.

"Let them talk. Let them misunderstand you. Let them have their opinion…

"If someone paints you as the villain, let them. Just don’t shrink yourself trying to rewrite the story that you never meant to be a part of."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-post din siya sa IG feed niya ng video niya na nagkakape sa isang restaurant sa ibang bansa.

Nilapatan niya ito ng motivational message na nagpapaalala na sa dami ng kanyang pinagdadaanan ay malalampasan din niya kung anuman ang kanyang iniinda.

Bahagi ng audio ng naturang post: "You've made it through things you thought would break you. You've stood alone in rooms where no one knows your pain.

"You survived days you think you wouldn’t make through…

"If no one has told you lately, I’m proud of you for holding on. For still trying. Even when it’s hard.

"You’re not behind. You're not weak. You're human. And thats enough."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A past encounter between Kim Chiu and Ogie Diaz has resurfaced after the entertainment vlogger commented on the actress's controversial joke about Ryzza Mae Dizon on It's Showtime.
PHOTO/S: @chinitaprincess Instagram / Ogie Diaz Showbiz Update YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results