PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kim's "for monetization" remark draws response from Ogie

Kim Chiu on critics: "Bet na bet nila ako for monetization."
by Arniel C. Serato
Published 6 hours ago
Kim Chiu, Ogie Diaz social comment on "monetization"
Kim Chiu chides her critics about monetization, says, "Bet na bet! for monetization isama ko na din cguro to sa #KimChiuCharityProgram monetization is the key." On the other hand, entertainment vlogger Ogie Diaz reacts by saying, "Nakatulong din tayo para makaangat ang isang artista sa mga panahong kailangan nilang makilala at sumikat. At ma-monetize ang career."
PHOTO/S: Instagram / Facebook

Mukhang hindi pa tapos ang parinigan sa pagitan ng It's Showtime host na si Kim Chiu at entertainment vlogger at talent manager na si Ogie Diaz.

Sa X (dating Twitter) kahapon, July 1, 2026, nagtanong ang isang fan kung ano ba ang meron kay Kim at hindi raw ito nilulubayan ng isyu.

Sa dami raw ng problemang dapat mas pagtuunan ng pansin, si Kim pa raw ang inuuna kahit tahimik lamang itong nagtatrabaho.

Buong komento ng netizen: "Ano bang meron kay Ate Kimmy at hindi niyo kayang tigilan? araw-araw na lang may new issue na pilit niyong ginagawa.

"Wala na ba talagang ibang mapagkaabalahan? Ang daming totoong problema sa paligid, pero mas inuuna niyo pa ang buhay ng isang taong tahimik lang namang nagtatrabaho."

Netizen on Kim Chiu
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ni-repost ni Kim ang komento ng netizen na may kalakip na mensahe.

Sinang-ayunan niya ang netizen at sinabing "bet na bet" siya ng iba "for monetization."

Birong hirit pa niya, baka isama na raw niya ang mga ito sa kanyang charity programs para "makatulong man lang sa pang-araw-araw."

Buong post ni Kim: "Truelamey!!! #cravings nila ako! Bet na bet! for monetization isama ko na din cguro to sa #KimChiuCharityProgram monetization is the key. You’re welcome po. makatulong man lang sa pang araw araw."

Netizen on Kim Chiu
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Beauty queen Skarlent Rodriguez found dead after Venezuela quake

DID OGIE DIAZ REACT TO "MONETIZATION" COMMENT OF KIM CHIU?

Sa pamamagitan din ng X, may isang netizen ang nagparating kay Ogie Diaz ng komento ni Kim tungkol sa "monetization."

Tila pinalababas ng netizen na si Ogie ang pinariringgan ni Kim.

Post ng netizen: "halaaaa ginagamit mo raw for monetization oh. sana nakatulong raw siya sa pang araw araw mo @ogiediaz"

Sumagot si Ogie dito.

Aniya, nakatulong din siya sa isang artistang hindi pinangalanan para makilala at sumikat, at "ma-monetize" ang career nito.

Buong komento ni Ogie: "Salamat po. Nakatulong din tayo para makaangat ang isang artista sa mga panahong kailangan nilang makilala at sumikat. At ma-monetize ang career."

Ogie Diaz post
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Ai-Ai delas Alas, Rosanna Roces finally end 25-year feud

KIM CHIU-OGIE DIAZ FEUD

Pinaniniwalaang nag-ugat ang parinigan nina Ogie at Kim matapos balikan ng entertainment vlogger ang hallway encounter nila ni Kim noon.

Iniugnay ito ni Ogie sa "Lotus Feet" joke ni Kim at pagbanggit sa pangalan ng Eat Bulaga! mainstay na si Ryzza Mae Dizon sa It's Showtime segment na "Lights Camera Act-SONG" noong June 20, 2026.

Sabi ni Ogie sa kanyang vlog noong June 27, baka walang masamang intensiyon si Kim sa pagbanggit nito sa pangalan ni Ryzza Mae kaugnay kay Lotus Feet, ang multo sa horror film na Feng Shui (2004).

May nakapagsabi raw sa kanya noon na walang masamang pakahulugan si Kim sa sinabi nitong "Buti pinapasok kayo?" nang magkasalubong sila ni Ogie sa hallway sa studio ng It's Showtime.

Inintindi na lang daw niya noon ang sinabi ni Kim.

Read: Kim Chiu posts subtle clapback to hallway incident with Ogie Diaz

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Chiu chides her critics about monetization, says, "Bet na bet! for monetization isama ko na din cguro to sa #KimChiuCharityProgram monetization is the key." On the other hand, entertainment vlogger Ogie Diaz reacts by saying, "Nakatulong din tayo para makaangat ang isang artista sa mga panahong kailangan nilang makilala at sumikat. At ma-monetize ang career."
PHOTO/S: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results