Eighteen years naging bahagi ng longest-running noontime show na Eat Bulaga! si Pia Guanio-Mago, mula 2003 hanggang 2021.
Marami nang nangyari mula nang umalis si Pia sa show.
May longtime hosts din tulad niya ang natanggal, napalitan, at umalis.
May mga kinaharap na legal issues ang show.
Nagpalit na ng ownership, pati na rin ng network.
Na-miss ba ni Pia ang Eat Bulaga!?
Maingat na tugon niya: “I'm very happy where I am right now, e. Kasi, the vibe of Net25 suits me.
"It's very family-oriented, it's very wholesome.
"Tapos pati yung work schedule, it's really 10:00 A.M. to 12:00 noon.”
Sa Net25 napapanood ang kinabibilangang morning magazine talk show ni Pia, ang Kada Umaga.
Wala raw mairereklamo si Pia dahil sa kanyang current work schedule ay may oras siya sa pamilya.
“I can spend the rest of the day with my fitness programs, with my children who are still very young,” sabi niya.
Si Pia ay may dalawang anak na babae sa asawa niyang si Steve Mago, isang negosyante.
“So, yun yung mga hindi ko puwedeng i-trade off for more time at work, kasi napaka-critical ng mga edad nila ngayon.
“So, kailangan talaga silang gabayan. Kung hindi, baka maging sakit ng ulo sila in the future. Ayoko nun,” paliwanag ni Pia.
Na-interview si Pia sa contract signing niya sa The SB Clinic, isang cosmetic surgery and dermatology center, nitong Huwebes, July 2, 2026.

Read: Pia Guanio, fabulous at 51, says cosmetic surgery is never an option for her
PIA GUANIO HAS NO BAD BLOOD WITH EAT BULAGA!
May mga dating host ng Eat Bulaga! na hindi naging maganda ang paglisan nila sa show.
Kabilang dito sina Anjo Yllana, Kempee de Leon, at Ruby Rodriguez.
Nangyari ito noong panahon ng pandemya, kunsaan maraming programa sa TV industry ang dumaan sa matinding pagsubok.
Sa kaso ni Pia, ano ang dahilan kaya hindi na siya nakabalik sa Eat Bulaga!?
“After the pandemic, kasi a long time ago, I already resigned from [GMA] Channel 7 as 'Chika Minute' anchor,” pagtukoy niya sa entertainment news segment ng 24 Oras.
“And that was because of my first child. Kasi I really wanted to spend more time with her. So, ang natira sa akin ay Eat Bulaga!.
“But when the pandemic hit, parang ano, e, naging home-based sila.
“’Tapos noong hindi na ako nakabalik, I thought that was it. Retirement na ito, di ba? Just enjoy my children.”
Pero may biyayang dumating kay Pia—kinuha siyang host sa Kada Umaga.
Kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Pia tungkol sa relasyon niya sa dating kinabibilangang noontime show. May grudges ba siya?
Simulang sagot ni Pia, “Luane Dy is with us in Kada Umaga, so I used to work with her also in Eat Bulaga!.
"Daiana Menezes also came from Eat Bulaga!
“And then for a while, Tito Vic and Joy were in Net25.”
Sina Luane at Daiana ay co-hosts ngayon ni Pia sa Net25 morning talk show.
Nagkaroon naman ng solo shows sina Tito, Vic, and Joey—ang three original Eat Bulaga! hosts—sa Net25.
Ginawa ni Tito ang public affairs program na Reality Check; si Vic naman ay ang Love, Bosleng and Tali; at si Joey ay Oh No! It’s Biro Only.
Patuloy ni Pia: “So, no ano talaga, no bad feelings, no grudges.
“I'll always be thankful, siyempre, sa Eat Bulaga! because those were talagang also very fun times.
“But fun times back when that was me, di ba? Kanya-kanya tayo. Iba-iba tayong chapter, e.
"So, kailangan natin mag-evolve, di ba?”
Nais tumbukin ni Pia na kalaunan, nagbago ang kayang prayoridad. Inuna niya ang pamilya kesa trabaho.
“Back then, isa pa lang yung anak ko, di ba? So, marami pa akong oras. Ngayon dalawa na.
“Yung school schedules nila, tsaka yung mga extracurricular activities nila, oh my God! Para akong appointment secretary.
“Kaya kailangan din ng Owen, kasi we need to be sharp. We need to be able to focus. We need to have a lot of energy,” pagtukoy niya sa Owen Regenerative & Longevity Center, na sister brand ng The SB Clinic.
Dagdag niya: “So, ang galing ng SB Clinic because ngayon meron na silang kaakibat na wellness from the inside, which alam naman natin, as we get older, talagang merong nagde-deteriorate na mga parts of our insides that we need.
“Ngayon, because of science and because science-backed lahat ng ginagawa ni Dr. John Paula Pareja [founder of the clinics], puwedeng-puwede nating maibalik, ma-regenerate [ang katawan].”
