PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Direk Adolf Alix Jr. on The Blue Hour, unreleased films, leaked scene

Remember Carlo Aquino's supposed masturbation scene?
by Jerry Olea
Published 1 Hour ago
Direk Adolf Alix Jr and his film stars Carlo Aquino, Jodi Sta Maria, along with his latest film The Blue Hour
Direk Adolf Alix Jr. (R) talks about his previous films starring Carlo Aquino (top, L) and Jodi Sta Maria (bottom, L), along with his latest film, The Blue Hour.
PHOTO/S: Gerry Olea

Dalawang dekada na sa movie industry ang premyadong direktor na si Adolfo Borinaga Alix Jr.

Character-driven ang bagong pelikulang isu-shoot ni Direk Adolf, ang The Blue Hour, na pagbibidahan nina Migs Almendras at Paolo Gumabao, kasama sina Eian Rances, at James Lucero.

Eian Rances, Migs Almendras, Adolf Alix Jr, Paolo Gumabao, at James Lucero
(L-R) Eian Rances, Migs Almendras, Direk Adolf Alix Jr., Paolo Gumabao, and James Lucero
Photo/s: Gerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang buod ng pelikula: A 23-year-old actor and a 25-year-old basketball player must decide whether to end their secret relationship within 24 hours as they navigate the ghosts of their past and their uncertain future.

“Ang idea ko nga, parang Daybreak,” sambit ni Direk Adolf.

Ang 2008 film na ito ay pinagbidahan nina Coco Martin at Paolo Rivero at may tagline na, “Two men. One passionate night.”

Pagpapatuloy ni Direk Adolf, “Parang mas conversation. Conversation and emotional piece about the options na puwede nilang gawin…

“Yung pinag-uusapan is very interesting, e, I think, at saka yung banter. Let’s say halimbawa, may diskusyon sila tungkol sa fetish. Kasi yung isa, gusto niya, mahilig siya sa armpits, halimbawa.

"So may diskusyon, ‘Ano ba talaga?’ I mean yung malilit na bagay na nakikita mo lang online. ‘Oo nga, bakit nga ba?' Or bakit ang artista, pag in-out mo, nawalan na ng trabaho. Yun ang mga dini-discuss nila, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pinag-usapan din nila yung relationships nilang dalawa saka ano yung mawawala kapag tinanggap nila.

“So parang kapatid siya talaga ng Daybreak.

Read: Kathryn Bernardo in Feng Shui remake? Direk Chito Roño reacts

FIRST MOVIE: DONSOL

Ang unang pelikula niya ay ang Cinemalaya 2006 entry na Donsol, kung saan bida sina Angel Aquino at Sid Lucero.

Kasama sa cast sina Cherie Gil, Jaclyn Jose, Bembol Roco, Simon Ibarra, Kenneth Ocampo, at Mark Gil.

Donsol film
The film Donsol stars Angel Aquino and Sid Lucero.
Photo/s: PR
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Nung ginawa ko po yung Donsol, wala akong alam kahit ano sa whale sharks,” pagtatapat Direk Adolf sa storycon ng pelikulang The Blue Hour noong Hulyo 3, 2026, Biyernes sa VS Cinema ng Victoria Sports Tower 2, EDSA, Quezon City.

“Natuwa lang ako, kasi gusto ko yung mga butanding. Sabi ko, habang ginagawa ko, maganda na may natutunan ako…

“Yung mundo na hindi ako masyadong pamilyar, gusto kong ginagawa para at the same time, may natututunan ako pagkatapos.”

Isa si Direk Adolf sa mga pinaka-prolific na movie director. Kabilang sa mga pelikula niya ang Kadin, Tambolista, Nars, Batanes, Adela, Imoral, Manila, D’Survivors, Romeo at Juliet, Presa, Isda, Haruo, Liberation, Kalayaan, Mater Dolorosa, Death March, Ang Alamat ng China Doll, at short film na Kinabukasan.

Idinirek din niya ang mga pelikulang Padre de Familia, Whistleblower, Pastor, Madilim Ang Gabi, Bato (The General Ronald de la Rosa Story), Kiko en Lala, Circa, Coming Home, My Stepmother’s Lover, Huwag Kang Lalabas, at ang VMX movie na Bugso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siya rin ang direktor ng mga pelikulang Bugso, That Boy in the Dark, Pieta, After All, Mananambal, X & Y, The Vigil, Unconditional, The Time That Remains, at ang mga hindi pa naipapalabas na Poon, Kontrabida, at Laro.

Read: Lolit Solis' handwritten letter surfaces during her babang luksa

X-RATED: CHASSIS, AURORA

Sa dalawang dekada ni Direk Adolf sa movie industry, dalawang pelikula niya ang na-X ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) na hindi pa naipalabas sa Pilipinas.

Ang mga ito ay ang Aurora (2009) nina Rosanna Roces at Sid Lucero, at ang Chassis (2010) nina Jodi Sta. Maria at Paolo Rivero.

Maipapalabas pa kaya ang mga ito, maski sa streaming platform?

“Gustung-gusto ko ipalabas lalo nakita ko si Jodi. Nakita ko si Jodi na nagsalita sa Rolling Stone about yung ikino-consider niya na magaganda niyang trabaho,” sabi ni Direk Adolf.

“Kasi ang sinabi sa amin noon, kailangan naming mag-shoot ng bagong materyal para siya ma-review ulit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi, ano na siya, Appeals Committee na yun, e. Yun ang dinobol X talaga, so wala na. Double X na."

Nag-iisip ng paraan si Direk Adolf kung paano ito maipapalabas ang pelikula, pero marami raw kunsiderasyon bukod sa rating.

“So kailangan siyang dagdagan ng bagong materyal. So hindi ko alam paano. Or sa streaming.

“Actually, iniisip ko, iniisip ko, baka puwedeng mag-iWant or ano para mapalabas lang.

“Kaso hindi ko lang alam. Kasi siyempre, yung quality nung 2010. Kailangan siyang i-remaster or something para pumasok.

“Actually gusto ko, at saka Aurora. Kasi nga, magaganda yung mga pelikulang yun. Naipalabas sa ibang bansa, tapos dito, hindi.”

CARLO AQUINO’S LEAKED SCENE

Kabilang ang Porno (2013) sa mga pelikulang naidirek na paborito niya.

Bida rito sina Angel Aquino, Carlo Aquino, Rosanna Roces, at Yul Servo.

Nasa cast din sina Anita Linda, Ricky Davao, Alan Paule, Adriana Gomez, Janvier Daily, Jeremy Ian, at iba pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag ng multi-awarded director: “Nakapaglaro ako ng structure sa Porno. Yung script ng Porno na original ay medyo mahaba.

“Actually, balak pa rin namin siyang gawin, yung full-length version.

“Iyong Porno, napaka-random, pero matapang siya kaya ako nagpapasalamat sa Cinemalaya.

“Kasi yung Cinemalaya was able to, di ba, sila yung isa sa mga nagbigay ng platform for the film. Kasi, hindi yun ipinalabas sa sinehan. Sa CCP lang.

“So, yung nakapaglaro ako na puwede ang ganung structure na akala mo, hindi sila magkakakilala. Na ang link lang nila, porn…

“I think nanalo noon si Carlo sa YCC [Young Critics Circle].”

Paano kumalat iyong eksena ni Carlo sa movie na supposedly ay pinapaligaya ng sarili?

Carlo Aquino masturbation in Porno
Carlo Aquino's "masturbation" scene in Porno
Photo/s: PR
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dobol iyong genital exposure doon ng character ni Carlo, at inakala ng iba na video scandal iyon.

“Nangyari iyan noon, e, natatandaan mo noong pandemic na merong nakapag-leak,” pagbabalik-tanaw ni Direk Adolf.

“Na lumabas iyung Fuccbois, lumabas yung Sana Dati, lumabas yung Porno. Tapos ang nangyari, hindi ko alam kung after a few hours, parang na-contain.

“Pero siyempre, in one hour, ilang libo na ang nakapag-download.”

Natunton kung sino ang nag-upload niyon online? Kung saan kinuha?

“I think ang CCP [Cultural Center of the Philippines] na ang nag-traffic at naghabol kung kanino nanggaling yung kopyang na-leak.

“So doon siya galing,” saad ni Direk Adolf.

Matatandaang na-upload din noon sa YouTube ang isa pang pelikula ni Direk Adolf na Misterio de la Noche (2019), na nag-special screening sa Cinemalaya.

QUEER DYNAMICS

Maliban sa Daybreak, ang dalawa pang pelikula ni Direk Adolf na tumalakay sa pag-iibigan ng dalawang lalaki ay ang Muli (2010) nina Sid Lucero at Cogie Domingo, at 4 Days (2016) nina Sebastian Castro at Mikoy Morales.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dinirek din ni Direk Adolf ang nine-episode BL series na Happenstance (2020) nina Kiko Ipapo at Jovani Manansala, at ang nine-episode LGBTQIA+ anthology na Unlocked (2020), kung saan tampok si Migs Almedras sa Episode 2 (“Calvin and Drake”) katambal si Oliver Aquino.

Pahayag ni Direk Adolf: “Noong ginawa ko iyong Daybreak at Muli noon, ang idea ko lang po talaga is to examine yung relasyon.

“Magkakaiba po yung characters at saka yung decisions na kailangan nilang gawin. Kasi nung 2008, iba po ang sitwasyon, di ba?

“Doon po, si Coco at saka si Paolo Rivero. Isang doktor at saka isang bangkero. Iba yung set-up, iba yung at stake sa relasyon nila.

“Yung kay Sid naman po saka yung kay Cogie, ang tagal ng life span, from 1969 hanggang tumanda sila, e.

“Pero eventually, nung tumanda sila at tinanggap nilang maging sila—after all these years of hiwalay, bati, hiwalay, bati.

“So nag-comment siya dun sa nangyayari sa bansa, at the same time yung nangyayari sa relasyon nila. So iba rin po yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero ngayon, kasi nga, nung nag-iisip ako, kasi nga most of the time, nagteteleserye po ako kaya hindi ako masyadong nakakagawa ng pelikula.

“Pero nung nakikita ko sa social media na, di ba, andaming pressures sa generation ngayon.

“Bukod sa kailangan mong maging mabuting tao, ah, marami rin pong external force na kailangan mong pagdesisyunan…

“Andaming factors na iko-consider ng isang tao bukod pa po sa sarili niyang desisyon.

"Sabi ko, maganda siyang i-tackle at this point para makita rin yung side nung taong nagdedesisyon, lalo na po sa industriya natin.

“Kasi kung artista ka, for example, or yung isa, nasa sports industry. Intimate lang siya kasi silang dalawa yung nagdidiskusyon kung ano yung pupuntahan ng relasyon nila.

“Pero kung ano po yung epekto nun sa greater ahhmm greater parang societies, makikita po sa desisyon nila.

“Yun po siguro ang kakaiba, kasi yung sitwasyon ngayon, totally iba, e.”

LIMITATIONS AND MOTIVATIONS

Sa loob ng dalawang dekada ay iba-ibang klaseng pelikula ang ginawa ni Direk Adolf.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagmamatwid niya: “Iyong evolution is always a form of growth. Hindi po tayo puwedeng makulong sa isang style or sa isang istilo ng pagkukuwento.

“Siguro po in my 20 years, wow, tagal! Twenty years. I’ve done from drama, comedy, horror.

"Kaya nga tina-try ko po lahat given a chance to choose projects. I make it a point to try different genres para ma-explore ko rin po kung ano yung limitations ko at saka kaya kong gawin as a storyteller.”

Batid ni Direk Adolf na malaki ang expectation sa The Blue Hour, na unang pelikulang handog ng Hotbox Media Production Inc.

Ani Direk Adolf: “When I did Daybreak nung 2008, ang aim ko lang po ay magawa iyong pelikulang Adela ni Anita Linda.

“Because si Tito Noel Ferrer po ay isa sa mga producers ng Daybreak. So sabi ko sa kanya, ‘Tito Noel, gagawin ko iyan, pero pag kumita iyong Daybreak, gagawin ko yung Adela.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi gustung-gusto kong gawin yung kuwento ni Tita Anita. At that time, hindi pa siya nakapag-comeback. Na parang yun ang first film niya at 80 years old.

“So iyon ang motivation dun nung ginagawa ko yun. Pero yung sa istilo ko, kasi anlaki na ng tinalon ng LGBTQ films, kung mapapansin niyo po.

“From found footage, ngayon palabas sa sinehan yung horror, Leviticus… ibang klase na rin yung horror.

“Kasi it involves na parang ano siya, doppelganger. Minumulto ka nung taong gusto mo, di ba? So anlayo na po ng jump.

“Pero ako po kasi, naniniwala ako na kapag ang isang kuwento ay emotional, at nanggagaling sa isang bagay na totoo, mas marami pong makaka-relate.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Direk Adolf Alix Jr. (R) talks about his previous films starring Carlo Aquino (top, L) and Jodi Sta Maria (bottom, L), along with his latest film, The Blue Hour.
PHOTO/S: Gerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results