Mariing itinanggi ni Elisse Joson ang akusasyon ng isang netizen na siya ay "kabit" ng isang pulitiko.
Sa Instagram nitong nakaraang July 8, 2026, nag-post si Elisse ng video na kuha mula sa kanyang horse-riding lesson.
Sa nasabing short Reel, makikitang sumakay si Elisse sa kabayo habang paikut-ikot sa training ground na may kasamang trainor.
Sabi ng aktres sa caption, "Oh what a memorable riding day with Luna girl [horse emoji]
"learned how to canter, had my first fall, and somehow left loving this sport even more"
View this post on Instagram
Sa comments section ng post, isang netizen ang diretso siyang tinawag na "kabit" daw ng isang "politician."
Kaya naman daw panay "flex" ito ng kanyang luho.
Komento ng netizen, "Si anteee na makapag flex eh nangangabit lang naman yan ngayon sa politician kaya nakakabili ng luho [lauhing emojis]"
Sinagot kaagad ito ni Elisse.
Pagtanggi niya: "haha not true [laughing emoji]"

Ipinagtanggol si Elisse ng kanyang mga tagahanga.
Ayon sa isa, "ganyan nga elisse sagutin mo sila, kasi nkakatawa na sila [laughing emoji]"

Sabi naman ng isa, mayaman daw ang angkan ni Elisse mula sa probinsiya ng Bataan.

Read: Winnie Cordero opens up about husband's death, life after loss
ELISSE JOSON ON PAST "KABIT" ISSUES
Hindi ito ang unang pagkakataong sumagot si Elisse tungkol sa alegasyong "kabit" siya.
Noong January 2026, Bagong Taon, nagbahagi si Elisse ng mensahe sa TikTok kung saan mariin niyang itinanggi ang mga pagtawag sa kanya na "kabit."
Sabi niya sa text overlay ng kanyang video: "Goodbye 2025. Time to clear the air — not a kabit. Never was.
"2026: minding my own business, building, and choosing peace.
“Leaving false narratives in 2025. Entering 2026 lighter.”

May isang netizen ang matapang na nagkomento sa kanyang post.
Ayon dito: "Pero naging reason nang breakup?”
Direktang sagot ni Elisse: “No.”
Noong 2021, iniugnay ang pangalan ni Elisse at itinurong dahilan sa hiwalayan nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla,
Walang nagsalita sa mga partido noong panahong iyon.
Pagdating ng taong 2024, na-link si Elisse kay Joshua Garcia na karelasyon noon si Emilienne Vigier.
Ang huling nakarelasyon ni Elisse ay si McCoy de Leon kung saan meron silang isang anak na babae, si Felize McKenzie de Leon.
Naghiwalay ang dalawa noong July 2025.
Read: Elisse Joson denies "kabit" claims in New Year TikTok video
