PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alfred to elevate son's bullying case to DOJ after MR denied

Alfred Vargas says prosecutor committed "grave error" in son's bullying case.
by Jojo Gabinete
Published 11 hours ago
alfred vargas bullying case
Alfred Vargas has vowed to continue fighting for justice after the Office of the City Prosecutor denied the motion for reconsideration in the child abuse complaint involving his son: “We will not back down... May tiwala pa rin kami sa ating justice system, at lalong-lalo na sa katotohanan ng aming ipinaglalaban. We will seek justice for our son until the very end.”
PHOTO/S: Alfred Vargas Facebook

Matindi ang pagkadismaya ng aktor at Quezon City councilor na si Alfred Vargas matapos ibasura ng Office of the City Prosecutor ng Maynila ang kanilang Motion for Reconsideration sa kasong isinampa nila laban sa aktor na si Rob Sy at partner nitong si Juvelle Bacosa.

Ang reklamo ay may kaugnayan sa paglabag umano sa Republic Act No. 7610 o Child Abuse Law, matapos akusahan ni Alfred at ng kanyang asawang si Yasmine Espiritu-Vargas ang eight-year-old son nina Rob at Juvelle ng pambu-bully sa kanilang pitong taong gulang na anak sa isang swimming competition.

Sa isang mahabang social media post nitong Linggo, Hulyo 12, 2026, hindi itinago ni Alfred ang sakit at pagkadismaya ng kanilang pamilya sa naging desisyon ng piskalya.

Aniya, hindi lamang ang kanilang reklamo ang tila naisantabi kundi maging ang mga ebidensiyang kanilang iniharap.

Saad ng actor-politician: “It’s a sad day for our family, but we continue to hold our heads high.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Napakasakit para sa amin bilang mga magulang na mabalitaan na na-deny ang aming Motion for Reconsideration.

"Masakit dahil tila binale-wala pa rin ang mga matitibay na ebidensyang inihain namin.”

Read: Alfred, Yasmine file complaint vs parents of son's alleged bully

ALFRED VARGAS: "WE DID NOT RELY ON MERE SPECULATION"

Iginiit ni Alfred na hindi lamang haka-haka ang naging basehan ng kanilang reklamo.

Ayon sa kanya, nagsumite sila ng mga salaysay mula sa independent eyewitnesses na personal umanong nakakita sa insidente.

Diin niya: “Contrary to what the ruling claims, we did not rely on mere speculation. We presented clear, categorical, and positive testimonies from multiple independent eyewitnesses who personally saw how our 7-year-old son was clearly bullied and abused.”

Bukod sa testimonya ng mga saksi, sinabi rin niyang may medical evidence silang inihain upang patunayan ang epekto ng insidente sa kanilang anak.

“We even submitted an official Psychiatric Evaluation Report from St. Luke’s Medical Center diagnosing our child with Adjustment Disorder, proving the severe trauma, anxiety, and deep fear he is carrying.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Paano nilang nasabi na walang ebidensya?”

Para kay Alfred, mali ang naging batayan ng Office of the City Prosecutor sa pagbasura sa kanilang reklamo.

Aniya: “We firmly maintain that the Office of the City Prosecutor committed a grave error and an injustice by applying the wrong framework to dismiss our complaint.”

ALFRED :THIS IS NOT A SIMPLE CASE OF SCHOOL PLAYGROUND BULLYING"

Ipinaliwanag ng aktor na hindi umano dapat ikumpara ang nangyari sa ordinaryong bullying sa loob ng paaralan.

Ayon kay Alfred, ang insidente ay naganap sa isang pampublikong swimming competition at ang kanilang isinampang kaso ay kriminal, hindi administratibo.

“This is not a simple case of school playground bullying governed by the administrative rules of RA 10627. The incident happened in a public, competitive swimming event. We filed a criminal complaint under Republic Act No. 7610 (Child Abuse Law).”

Hindi rin siya sang-ayon sa naging paliwanag ng piskalya na isang beses lamang nangyari ang insidente at walang napatunayang criminal intent ang mga magulang ng kabilang panig.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Aniya, “Maling-mali na idahilan na dahil 'single incident' lang ito at walang napatunayang 'criminal intent' ang mga magulang ay idi-dismis na ang kaso.”

Binigyang-diin pa ni Alfred na malinaw ang saklaw ng Child Abuse Law pagdating sa emotional at psychological maltreatment.

“Under RA 7610, child abuse covers psychological and emotional maltreatment "whether habitual or not". The law protects children from conditions prejudicial to their development,” saad niya.

Para kay Alfred, hindi rin dapat balewalain ang pananagutan ng mga magulang sa ilalim ng batas.

“By demanding strict proof of the respondents' subjective intent to degrade our son, the resolution completely turned a blind eye to the parents' legal duty of supervision and their complacency in tolerating the harmful behavior of their child.”

Read: Child abuse complaint vs Rob Sy and partner junked

ALFRED: "THIS FIGHT IS FOR ALL THE VICTIMS OF BULLYING"

Sinabi rin ni Alfred na higit pa sa kanilang pamilya ang laban na kanilang sinisimulan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Umaasa siyang magsisilbi itong boses para sa iba pang batang nakararanas ng bullying ngunit nananatiling tahimik.

“This is no longer just about us. This fight is for all the victims of bullying who suffer in silence, and for all the parents who choose to stand up and protect their children's dignity.”

Mula rito, ibinahagi niya ang pinakamabigat na tanong na bumabagabag sa kanilang pamilya matapos ang naging desisyon ng piskalya.

Aniya: “Kung ang mga matitibay na ebidensya at medikal na diagnosis na katulad ng sa anak namin ay madaling ibasura sa preliminary investigation pa lang, anong mensahe ang ibinibigay natin sa lipunan?

"Na okay lang i-trivialize ang trauma ng isang bata?

"“Bakit hirap makahanap ng hustisya para sa mga inaapi at inaabuso? Ang hustisya ba ay para lang sa mga nambu-bully?

“Yan ang personal na bigat na nararamdaman naming pamilya ngayon.”

ALFRED VARGAS TO ELEVATE CASE TO DOJ

Sa kabila ng setback na ito, tiniyak ni Alfred na hindi pa rito nagtatapos ang kanilang laban.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inihayag niyang dadalhin nila ang kaso sa Department of Justice at gagamitin ang lahat ng legal na remedyo na maaari pa nilang tahakin.

Saad niya: “We will not back down. We will continue to fight for what is right and exhaust all available legal remedies, including elevating this matter to the Department of Justice.

“May tiwala pa rin kami sa ating justice system, at lalong-lalo na sa katotohanan ng aming ipinaglalaban.

"We will seek justice for our son until the very end.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naglabas ng pahayag si Alfred dalawang araw matapos maghayag ng saloobin ni Rob Sy, sa pamamagitan din ng social media, ang walang katapusang mga paratang laban sa kanilang walong-taong gulang na anak.

Bahagi ng pahayag ni Rob: "Mariin naming pinasisinungalingan ang mga kamakailang pahayag na tila patama sa amin.

"Ang walang katapusan na mga paratang na diumano’y 'nilunod nang paulit-ulit' ang kanilang anak, at ang akusasyong 'binalewala, gina-gaslight,' o 'idine-dismiss' sila sa bawat pag-reach out-kuno nila sa amin.

"Lahat pong ito ay KASINUNGALINGAN."

Read: Rob Sy shuts down "false narrative" thrown at his son

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alfred Vargas has vowed to continue fighting for justice after the Office of the City Prosecutor denied the motion for reconsideration in the child abuse complaint involving his son: “We will not back down... May tiwala pa rin kami sa ating justice system, at lalong-lalo na sa katotohanan ng aming ipinaglalaban. We will seek justice for our son until the very end.”
PHOTO/S: Alfred Vargas Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results