Kumpirmadong kasal na ang aktres na si Bea Alonzo sa negosyanteng si Vincent Co.
Ito ay batay sa official statement na ibinigay ng legal counsel ni Bea na si Atty. Joey V. Garcia ng Gera Law sa GMA News.
Ayon kay Garcia, ikinasal sina Bea at Vincent bandang 7 P.M. noong Lunes, July 13, 2026, sa Makati City Hall.
Ang nag-officiate ng kanilang kasal ay si Makati Mayor Nancy Binay.
Nilinaw rin ng abogado ang lumabas na mga ulat at espekulasyon ng publiko tungkol sa pagtatalo raw ng magkabilang partido sa prenuptial agreement.
Hindi umano accurate ang mga naunang reports na nagsasabing nagkaroon ng "dispute, hesitation, or unresolved issue" sa prenuptial agreement.
Ayon sa legal counsel ni Bea: "I can confirm that the parties freely, knowingly and voluntarily executed their prenuptial agreement, and the same was properly signed by both Ms. Bea Alonzo and Mr. Vincent Co prior to their marriage."
Wala umanong legal na hadlang na nagmula sa paglagda at pagsasakatuparan ng kasunduan.
Ito ay taliwas sa mga ulat na may ilang probisyon umano ang prenup na hindi napagkasunduan ng magkabilang kampo. Base ang impormasyong ito sa ilang tao na malapit kina Bea at Vincent.
Sa pagtatapos ng pahayag ni Garcia, tumanggi na siyang magbigay ng karagdagang komento tungkol sa private affairs nina Bea at Vincent bilang respeto sa kanilang "privacy and confidentiality."
Read: Bea Alonzo, Vincent Co quietly wed in civil rites
MAYOR NANCY BINAY CONFIRMS BEA-VINCENT WEDDING
Samantala, nauna nang kinumpirma ni Mayor Nancy Binay na siya ang nagkasal kina Bea at Vincent.
Sa kanyang Facebook post nitong Martes ng gabi, Hulyo 14, ibinahagi niya ang nakatalikod na larawan nina Bea at Vincent pagkatapos ng seremonya na naganap mismo sa kanyang tanggapan.
Maikling caption ni Mayor Binay sa kanyang post: "Kinasal ko na po sila [smiley emoji] Congratulations & Best wishes Vincent & Bea [blue heart emoji]."
