Sa wakas ay isinapubliko na ni Bea Alonzo, 38, ang pag-iisang dibdib nila ng billionaire scion na si Vincent Co, 45.
Read: Bea Alonzo, Vincent Co quietly wed in civil rites
Simple pero bakas ang saya sa mukha ng couple base sa photos na ibinahagi ng A-list star sa kanyang Instagram account ngayong Miyerkules ng hapon, July 15, 2026.
"Home" ang simpleng caption ni Bea.

Kuha ang kanilang sweet moments sa Mayor's Office ng Makati City Hall, na siyang venue ng kasalan noong gabi ng July 13.
Si Mayor Nancy Binay ang nag-officiate ng kanilang civil wedding.

WELL-WISHES FOR BEA ALONZO AND VINCENT CO
Sa comments section ay bumuhos agad ang warm wishes ng mga kapwa artista at katrabaho ni Bea sa showbiz.
Kabilang dito sina KC Concepcion, Derek Ramsay, Carla Abellana, Pauleen Sotto, Gabby Eigenmann, at Erik Santos.
Naghayag din ng congratulory message sina Jake Ejercito, Isabelle Daza, Zeinab Harake, at Rayver Cruz.
Read: Bea Alonzo's lawyer denies prenup dispute before her wedding to Vincent Co
THE SECRET WEDDING
Kahapon, July 14, sinorpresa ng couple ang publiko nang pumutok ang usap-usapan sa X tungkol sa kanilang secret wedding.
Isang PEP source ang nagsabing kinumpirma sa kanya mismo ng kapatid ni Mayor Nancy Binay na si Anne Binay Alcantara na kasal na nga ang dalawa.
Kasunod nito ay ang mismong pag-anunsiyo ni Mayor Binay na totoo ang balita sa pamamagitan ng pagbahagi ng litrato niya kasama ang couple.
"Kinasal ko na po sila," pagbabalita ng alkalde sa kanyang Facebook post.
"Congratulations & Best wishes Vincent & Bea," dagdag niya.
THE FOILED WEDDING IN SPAIN
Marami ang natuwa na happy ending pa rin ang love story nina Bea at Vincent.
Hindi kaila sa publiko ang masalimuot na pinagdaanan ng couple dahil sa naudlot nilang church wedding sa Spain noong Mayo.
March 8, inanunsiyo sa St. Peter The Apostle Parish sa Paco, Manila, ang wedding banns nina Bea at Vincent.
Pagkatapos ay napag-alaman ng PEP mula sa source na nakakita ng wedding invitation na May 14 itinakda ang kasal nila sa Seville sa Andalusia, Spain.
May 12 naman ang welcome party para sa guests, at gaganapin dapat iyon sa Jerez de la Frontera, na one-hour drive mula sa Seville.
Incidentally, may negosyo ang pamilya ni Vincent sa Jerez de la Frontera sa Andalusia.
Read: WHAT PEP KNOWS: Bea Alonzo and Vincent Co's wedding date
Pero hindi natuloy ang inaasahang church wedding.
Sa ulat ng PEP noong May 8, nakasaad na may ilang sources ang nagsiwalat na isyu sa prenup umano ang dahilan ng urong-sulong na pag-iisang dibdib ng couple.
Read: Bea Alonzo-Vincent Co Wedding: Is it on or is it off?
Naging tampok ng espekulasyon ang diumano'y dagdag na stipulations sa prenup, na hindi raw mapagkayarian ng magkabilang-panig.
Read: Bea-Vincent wedding faces delays amid prenup, family issues
Sa kabilang banda, noon ding May 8, naiulat pa ang paglipad ng immediate family ni Bea patungong Spain, kaya nabuhay ang pag-asa ng mga masugid na tagasuporta ng couple na tuloy pa rin ang kasal.
Read: Bea Alonzo’s airport family photo sparks buzz that wedding is on
Napag-alaman din ng PEP na ang mga babaeng kapatid ni Vincent ay nagtungo rin ng Spain noong mga panahong iyon.
Read: Whispers From Heaven prod team clarifies Bea Alonzo’s taping sked
Pero noong May 14, na inaasahang araw ng kasal, namataan si Vincent sa event ng pagmamay-ari nilang supermarket chain. Naroon din ang ama niyang si Lucio Co.
BEA ALONZO TOURS EUROPE; RETURNS TO WORK
Hanggang sa nagbalik-trabaho si Bea noong May 25.
Naiulat ang ilang kuha niya sa set ng Whispers From Heaven, ang upcoming teleserye niya sa Kapuso Network.
Read: Bea Alonzo resumes Whispers From Heaven taping amid wedding rumors
Noong June 6, lumakas ang hinala ng netizens na hindi natuloy ang kasal dahil nang mag-update si Bea ng litrato ng summer vacation niya sa Europe ay napansing wala siyang suot na wedding ring.
Read: Bea Alonzo gives glimpses of Europe trip amid wedding rumors
THE REPORTED BREAKUP
Noong May 28 nakarating sa PEP na naghiwalay na sina Vincent at Bea, at ganoon din ang sinabi ng dalawa pang sources noong June 9.
Sabi ng unang PEP source, hindi raw nakapagtataka kung isa sa mga malaking balakid sa kasalan ay ang magkaibang mundong ginagalawan nina Bea at Vincent.
Bilang galing sa isang very traditional, Filipino-Chinese family si Vincent, idagdag pang unico hijo ito sa apat na magkakapatid at magiging tagapamahala ng Co family fortune, daraan daw talaga sa butas ng karayom ang sinumang mapupusuan nito.
Bilang A-lister naman sa entertainment industry at may aktibo pa ring career, at bilang matagal nang kilalang independent female, sinasabing kahit kaliit-liitang intriga na naidikit kay Bea noon at ngayon ay nakababawas sa puntos nito sa mga konserbatibong magulang ng nobyo.
Lahat naman ng sources ng PEP ay nagsabing ang pinakamalaki pa ring balakid sa pag-iisang dibdib ng dalawa ay ang hindi pagpabor nina Lucio at Susan Co kay Bea para sa kanilang tanging anak na lalaki.
Pero noon pa lang ay napag-alaman din ng PEP mula sa source, na umiikot sa mundo ng showbiz at business, na totoong nagmamahalan ang couple.
Sinegundahan din ito ng pangalawang source na nagsabing madalas na magkasama ang dalawa, kaya ni hindi na raw madaling mahagilap si Vincent ng mga kaibigan bago mangyari ang kontrobersiya ng naudlot na wedding sa Spain.
Noong kasagsagan naman ng kontrobersiya, isang source ang nagsabi sa PEP na umabot sa puntong niyaya ni Vincent magpakasal sa isang civil ceremony si Bea, ngunit tinanggihan umano ito ng aktres noon.
Hanggang sa nito ngang July 13 ay natuloy din ang simpleng civil wedding ng couple.
