PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Political vlogger shot dead in Caloocan

The victim is known for making content about politics.
by Bernie V. Franco
Published A day ago
Alicia Lipata
A political vlogger known in social media as Mima Alicia was shot by a riding-in-tandem during the wee hours of Friday, July 17, 2026, at her rented home in North Caloocan. Police are now investigating the motive of the crime.
PHOTO/S: Facebook

Umuusad ngayon ang imbestigasyon ng kapulisan kaugnay ng pagpaslang sa isang political vlogger sa Caloocan.

Kinilala ang biktima bilang si Alicia Lipata, a.k.a. Mima Alicia, 24, na pinagbabaril ng riding-in-tandem noong madaling araw ng July 17, 2026.

Nangyari ang insidente sa mismong inuupahang bahay ng biktima sa Tierra Nova Subdivision sa North Caloocan.

Sugatan din ang live-in partner ng vlogger, na kinilalang si Nelboy Lluz, na kasama ng huli noong mga oras na iyon.

Kuwento ni Police Colonel Joey Goforth ng Caloocan City Police Station, dumating ang vlogger at kinakasama nito sa inuupahang bahay bandang ika-3:00 ng madaling araw ng Biyernes. Ipinarada nito ang sasakyan sa harap ng bahay.

“Nung pagbaba ni Alicia ay bigla na lang pong may lumapit na dalawang tao at pinagbabaril po sila,” sabi ni Goforth sa panayam ng DZMM Teleradyo.

“In the force po ng gunfire po ay tinamaan din po itong si Nelboy,” sabi ng hepe. Nagtamo raw ito ng tama sa kaliwang balikat, braso, at binti.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang vlogger naman daw ay nagkaroon ng tama sa ulo at dibdib.

“Ang suspect po natin ay lulan po ng kulay puting motor, dalawa po sila, nakasuot ng maong na pants at puting pantaas,” paglalarawan ni Goforth.

“Ang rider po natin nakasuot ng puting helment, samantalang yung backride ay nakasuot ng pula na helmet.”

Read: Vice Ganda admits It's Showtime lapses after viral organ system issue

INVESTIGATION UNDERWAY

Sabi pa ni Goforth, lumalabas sa kanilang imbestigasyon na batay sa tama ng mga baril ay pinuntirya talaga ang biktima.

Tinanong ang police head sa posibleng motibo ng pagpaslang.

“Alam naman natin na kilala itong si Alicia na isang vlogger, isang kritiko po, isang matapang na nagbibigay ng komento.”

Isang anggulong tinitingnan daw nila ay may kinasuhan daw itong isang tao, na eventually ay kinasuhan din ang biktima.

Kaugnay naman ng mga suspek na riding in tandem, “Sa ngayon po patuloy pa rin po ang ating isinasagawang imbestigasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Patuloy pa rin po ang ating forward at backtracking, yung pag-review po ng CCTV upang ma-locate po natin at eventually ma-identify, at maaresto po natin yung mga suspect po.”

Tinitingnan din kung may kaugnayan ang krimen sa ginagawang content ng vlogger.

Bumuo rin ang Northern Police District ng Special Task Group para tutukan ang nasabing kaso.

Read: Celeste Cortesi, Jonathan Sterling speak up about their relationship status

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A political vlogger known in social media as Mima Alicia was shot by a riding-in-tandem during the wee hours of Friday, July 17, 2026, at her rented home in North Caloocan. Police are now investigating the motive of the crime.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results