Inusisa ang former host na si Toni Rose Gayda kung nagkaroon ng ligawan o pagpaparamdam sa kanya ang hosts na sina Vic Sotto at Joey de Leon nang magkatrabaho sila sa Eat Bulaga!
Si Toni ay nakasama sa longest-running noontime show mula 1995 hanggang 2014.
Nakilala rin siya sa kanyang hosting stints sa isa pang GMA-7 noontime show na Lunch Date (1986-1993) at cooking show na Del Monte Kitchenomics.
Sa isang recent interview, nausisa si Toni kung nagkaroon ba ng magandang pamamagitan sa kanya at mga kasamahang male hosts noon.
Partikular na tinanong si Toni ukol kina Vic at Joey, sa recent interview ng radio news anchor na si Dennis Antenor, Jr.
Tinanong siya kung niligawan ba siya ni Vic noon, lalo pa’t tinutukso sila.
“Ay, hindi. For the record, hindi. Hindi,” mariing tanggi ni Toni. “Trending lang si Vic sa mga babae noon."
Wala raw bang palipad hangin si Vic?
“Wala akong natatandaan,” sagot ni Toni.
“Si Vic naman kasi talaga, is really a nice person. Mukha lang siyang suplado, pero talagang napakabait. Joey de Leon napakabait din nun,” sundot niya pa.
Kung wala raw bang nanligaw sa kanya sa dalawa, “None of the above talaga,” paniniyak ni Toni.
“I was very, very okay [sa Eat Bulaga!].
“Kasi, pag iisipin mo, mahirap din na kunyari kasama mo sa show, ‘tapos naging kayo, di ba?
“Papano kung may mga selosan diyan? Di, kitang-kita sa camera, di ba?”
Pinanindigan daw ni Toni na hindi siya ma-link sa kanyang mga male co-hosts.
“Ako, I maintained that sense in me na sabi ko basta kasama mo sa trabaho, trabaho is trabaho talaga.
“Minsan may mga kantiyawan ganyan, pero wala. Nothing. Wala. Walang ligayan. For the record,” diin niya.
Natanong din ng ganito si Toni sa interview niya kay Julius Babao noong 2025.
Sinabi roon ni Toni na nagkaroon sila ng atraksiyon ni Randy Santiago bilang hosts ng Lunch Date, pero hindi raw nila pinayagang lumalim ito.
Inusisa rin sa interview na iyon kung nagparamdam si Vic sa kanya.
Sagot noon ni Toni, “May… may ganon, konti-konti, Oo… May vibration din pag nakaupo,” may halong birong sagot ni Toni Rose.
Gayunpaman, wala ring nangyari, o hindi ito nauwi sa anumang pagkakamabutin.
Sabi noon ni Toni, “Kasi mahirap, e, mahirap talaga. Na-experience ko with Randy, mahirap talaga karelasyon mo yung kasama mo.”
Read:
- Toni Rose Gayda reveals putting brakes on possible romances with former co-hosts Randy Santiago, Vic Sotto
- Pia Guanio on Eat Bulaga!: "No bad feelings, no grudges."
- Anjo Yllana appeals ruling ordering him to pay TVJ PHP3.5 million
HOW TONI TRANSFERRED FROM LUNCH DATE TO EAT BULAGA!
Mas detalyado ring ikinuwento ni Toni sa kanyang recent interview kung paano siya naging host ng Lunch Date at kung paano siya nakatawid sa Eat Bulaga!
Napansin daw siya noon ng isang GMA executive nang magbigay siya ng testimony sa kinabibilangang Christian group.
Naroon daw si Butch Jimenez, anak ni Menardo Jimenez, former president ng GMA-7 at co-owner ng TV network.
Nang mapakinggan daw ni Butch ang testimonya ni Toni, nakita nito ang stage presence ng host.
Kuwento ni Toni, “So, he approached me. Sabi niya, ‘Toni, I was really touched by your testimony. I’m cooking up this noontime show and I would like to consider you as one of the hosts.’”
Sa simula ay nag-alinlangan si Toni, pero kalaunan ay tinanggap niya ang alok.
“And that’s the start of Lunch Date, and the rest is history. I started and ended Lunch Date,” ani Toni patukoy sa noontime show na tumagal ng pitong taon.

At habang ginagawa ni Toni ang Lunch Date noon, siya ang host sa "Del Monte Kitchenomics" na cooking segment sa Eat Bulaga!, na umeere naman noon sa ABS-CBN.
Nang magtapos ang Lunch Date, patuloy si Toni sa pagiging host ng "Del Monte Kitchenomics."
Si Joey raw ang naging tulay para maipasok si Toni sa kilalang noontime show.
“Sabi ni Joey, ‘Bakit hindi natin siya kunin?’” lahad ni Toni.
“So, they asked me, they called me.
“And si Malou [Choa-Fagar, former Eat Bulaga! executive], sabi nga niya sa akin, ‘Mag-guest ka muna dito, parang trial.’
“So, nag-once a week muna ako, every other week pa nga yata. ‘Tapos hanggang nag-twice a week, every other day, until nag-daily na ako.
“Yun ata yung namatay si Rio Diaz and they were thinking, yun pinasok na ako nang regularly.”
Eventually, nagdesisyon si Toni na umalis na ng Eat Bulaga! upang alagaan na ang kanyang ina, si Rosa Rosal, na nagkakaroon ng karamdaman noon.
Pumanaw si Rosa noong November 2025 sa edad na 97.

Life lessons from Toni
Nang usisain ukol sa life lessons, unang binanggit ni Toni ang pagsunod sa mga magulang.
“It says also in the Bible, if you obey your parents talagang you will be blessed. Blessing talaga…
“If you observe women and men who are obedient to their parents, talagang I will honestly say yun ang number one lesson talaga.
“’Tapos isa pang masasabi ko rin, of course, we will go through challenges and trials. Kung wala kayong trial ngayon, antayin niyo lang magkakaroon din kayo,” may halong birong sabi ni Toni.
Pero pambawi niya, “Kailangan daanan iyon, kasama na iyon sa buhay talaga.”
Dagdag niya, “Importante talaga may Panginoon ka sa buhay, because hindi kaya talaga pag solo; you try to solve things on your own...
“Nakakapagod, nakakapangit kaya importante talaga ang Panginoon.”
At bilang panghuli, “Don’t waste your pain. Whatever you do, what you go through sometimes, yung talagang there are challenges in life na wala kang choice. Kailangan harapin mo iyon.
“Yun talagang maraming mga trials na nangyayari na ganyan, na mabait ka naman, wala kaman inaaway, pero nangyayari ang problema sa buhay. Everyting has a reason talaga.”
Ang sabi ni Toni, makakatulong naman daw ang mga ganitong karanasan sakaling may mga taong lumapit sa iyo at dumadaan sa parehong karanasan.
“Magagamit ang experience mo to comfort others,” ani Toni.
