Tila nagkaroon ng chance encounter ang showbiz big stars na sina Bea Alonzo at Heart Evangelista sa isang kilalang aesthetic clinic.
Nakunan ang pagkikita ng dalawa sa video na ipinost sa Facebook account ng beauty doctor to the stars na si Dr. Aivee Teo, nitong July 17, 2026.
Nangyari ang pagkikita sa clinic ni Dr. Aivee, na go-to beauty clinic ng maraming artista, tulad nina Bea at Heart.
Ikinasal si Bea sa Puregold heir na si Vincent Co, sa isang intimate civil wedding sa Makati City Hall nitong July 13, 2026.
Sina Bea at Heart ay pareho ring nasa poder ngayon ng GMA-7.
Read: Bea Alonzo, Vincent Co quietly wed in civil rites
BEA AND HEART HAPPY MEETUP
Sa higit dalawang minutong video na ipinost ni Dr. Aivee, ibinahagi ang pagbisita ni Bea sa clinic.
Hindi tinukoy kung kailan mismo ang pagbisita, subalit malinaw na katatapos lamang ng secret civil wedding ni Bea.
Nagkaroon ng maiksing pag-uusap ang doktora at si Bea, na nagbahagi naman ng ilang detalye ukol sa kanyang kasal.
Sinabi ni Dr. Aivee na noong ipakita sa kanya ang mga larawan sa kasal, hindi muna siya agad naniwala.
“Hindi AI lang iyon,” hirit na biro ni Bea.
Sabi ng doktora, dahil sa lihim na pagpapakasal ni Bea, magiging trend ngayon ang simple wedding.
“The nonchalant bride,” sagot ni Bea, na paglalarawan sa sarili dahil ginulat niya ang marami sa kanyang inilihim na kasal.
“And I did my own makeup,” pagbibida ng aktres.
Binati rin ng doktora ang simple white wedding cake ni Bea na iniulat na nagkakahalaga ng PHP3,000.
Pagbubunyag ni Bea, “It was actually a gift from my best friend Bea.”
Hindi binanggit ni Bea ang apelyido ng katukayo niyang best friend, subalit alam sa showbiz circile na malapit na kaibigan niya si Bea Saw, ang Big Winner ng Pinoy Big Brother Season 2.
Habang nag-uusap sina Bea at Dr. Aivee, ipinakita sa video ang biglang pagpasok ni Heart sa kuwarto, dahilan para mapuno ng masayang hiyawan at pagkagulat ang kuwarto.
Bakas na sobrang natuwa ang dalawang aktres na agad na nagyakapan.
“My [gosh]… ang ganda mo!” sambit ni Heart.
“Ang ganda mo!” balik sagot ni Bea kay Heart.
“Grabe yung glow,” sabi ni Heart.
Sundot ni Dr. Aivee, masaya lang sila para kay Bea.
Humirit naman ang mister ni Dr. Aivee ng “ninja,” pagtukoy sa secret wedding ni Bea.
“Yeah, that’s how it should be,” pagsang-ayon naman ni Heart.
Nang batiin ng doktora si Bea na masaya ito para sa kanya, sagot ni Bea, “I’m very happy also.”
Isang araw naman matapos pagpiyestahan ang pribadong kasal ni Bea online, isa-isa siyang nag-post sa social media para magbahagi ng mga detalye ukol sa mahalagang kaganapang ito ng kanyang buhay.
Read:
- Bea Alonzo, Vincent Co's secret wedding shocks friends, insiders
- Guests at Bea Alonzo and Vincent Co’s intimate civil wedding
