Engaged na ang aktres na si Yassi Pressman sa boyfriend nitong si Camarines Sur Second District Representative Luigi Villafuerte.
Ang masayang balita ay ibinahagi nina Yassi at Luigi sa kani-kaniyang Instagram accounts.
Tatlong taon nang magkarelasyon ang dalawa.
Batay sa mga larawan at videos na ipinost ng dalawa, sinorpresa ng pulitiko si Yassi sa pamamagitang ng surprise outdoor proposal.
Walang detalye kung nasaang lugar sila pero mistulang nasa gitna sila ng open area na may table setup.
Sa isang video makikita ang pagluhod ni Luigi. Napahagulgol sa iyak si Yassi nang ilabas ng kanyang boyfriend ang isang singsing.
Maluha-luha naman si Yassi nang ipakita sa video ang malaking diamond ring na suot niya matapos mag-propose ang kasintahan.

Read: Yassi Pressman calls Luigi Villafuerte her "best relationship"
