PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Baron Geisler’s wife hints at actor's drug relapse

Baron Geisler's wife suggests rehab in now-deleted Instagracomment.
by Mark Angelo Ching
Published 11 hours ago
baron geisler wife kamie evangelista
Baron Geisler's wife, Jamie Evangelista, draws attention after posting an Instagram comment suggesting the actor seek drug rehabilitation: “Find a drug rehabilitation sponsor who can help you address the root cause of your problems. I doubt a facial can heal that."
PHOTO/S: Instagram

Umani ng espekulasyon ang komento ng asawa ni Baron Geisler sa Instagram account ng aktor kahapon, July 18, 2026.

Pasaring ni Jamie Evangelista, kailangan daw magpa-drug rehab ang kanyang asawang aktor.

“Find a drug rehabilitation sponsor who can help you address the root cause of your problems. I doubt a facial can heal that," saad ni Jamie sa ilalim ng post ni Baron kung saan makikitang sumasailalim siya sa isang beauty treatment.

baron geisler wife post
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasabay nito ay may Instagram Story rin si Jamie sa sarili niyang account kung saan naka-tag si Baron.

“No one plays the victim better than the one who cause the damage,” pahayag na nakalagay sa Story.

baron geisler wife post

Agad na-delete ni Jamie ang mga post, ngunit na-screenshot ito ng ilang netizens at ibinahagi sa social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pa nagbibigay ng reaksiyon si Baron sa mga patutsada ng asawang psychologist at press time.

Read: Baron Geisler details how alcohol and drugs almost destroyed his life: "Wala ako sa tama kasi laging may tama."

BARON’S ADDICTION ISSUES

Nakakabit na sa pangalan ng 44-year-old actor ang isyu ng addiction.

Marami siyang kinasangkutang eskandalo dahil sa dati niyang pagkalulong sa alak at sa ipinagbabawal na gamot.

Noong 2016, naging laman ng mga balita ang kontrobersiyal na insidente sa set ng indie film na Bubog, kung saan inireklamo siya ng kapwa aktor na si Ping Medina dahil sa hindi isang unscripted urination scene.

Dahil dito ay pinatawan siya ng ban ng Professional Artist Managers Incorporated (PAMI).

Noong 2017, inaresto si Baron matapos magwala at manggulo sa isang restobar sa Quezon City.

Noong 2018 naman ay nakulong din siya sa Angeles City sa Pampanga dahil sa pagbabanta ng pagpatay sa isa niyang kamag-anak.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Noong 2018 din natigil ang serye ng mga kontrobersiya ni Baron noong nakilala niya si Jamie, na isang mental health professional sa isang rehabilitation center sa Cebu. Ang pagkakakilalang ito ang naging daan sa tuluy-tuloy na pagbabago ng aktor.

Ikinasal sina Baron at Jamie sa isang civil ceremony noong September 2019.

Sa halos pitong taon nilang pagsasama nila bilang mag-asawa ay nagkaroon na sila ng isang anak na babae—si Talitha Cumi, na isinilang noong Enero 2020.

Sa mga huling panayam kay Baron, ipinagmamalaki niya ang pagtalo niya sa adiksyon at ang kanyang patuloy na pagiging sober.

Sa isang interview noong May 2026, ibinahagi ng aktor na ganap na siyang nagbago dahil sa malalim na pananampalataya sa Diyos.

Sa ngayon ay mapapanood ang award-winning performer sa Kapamilya action series na Blood vs Duty.

Read: Baron Geisler regrets missed years with first daughter: "I didn't get to hug her"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Baron Geisler's wife, Jamie Evangelista, draws attention after posting an Instagram comment suggesting the actor seek drug rehabilitation: “Find a drug rehabilitation sponsor who can help you address the root cause of your problems. I doubt a facial can heal that."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results