Kahit hindi na aktibo sa showbiz ang Brapanese model at aktor na si Daniel Matsunaga, abala naman daw siya ngayon sa mga negosyo.
"Okay naman. Masaya. Buhay pa. So, blessed," sagot niya nang kumustahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
Dagdag pa niya, "Yes, I miss showbiz. Pero medyo busy.
"Busy ako ngayon sa mga business and love life, family."
Ano ang pinakahuli nyang proyektong nagawa?
"Huling kong project, ano, matagal na, e. I think I Can Do that [2017]? Yung sa ABS-CBN. Medyo matagal na siya.
"Oh, no, no. I did ano... may ginawa ako isang movie, Love in Disguise, sa Dubai last year."
Ang Love in Disguise ay isang cultural bridge movie sa pagitan ng Philippines at Middle East. May kuwento rito tungkol sa mga experience ng Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Dubai.

Read: Mika Salamanca on real score with Will Ashley: "High score!"
DANIEL MATSUNAGA ON HIS EXES
Sa edad na 37, single pa rin si Daniel ngayon.
Pero may girlfriend siya, ang Brazilian model na si Mainne Veiga.
View this post on Instagram
Bakit hindi pa siya nag-aasawa?
"Walang asawa. Pero, I have, I have plans. So maybe soon," sabi niya.
Ang lahat ng ex-girlfriends niya sa showbiz ay happily married na, katulad nina Heart Evangelista at Erich Gonzales.
Si Heart ay nakarelasyon ni Daniel mula 2011 hanggang 2012.

Si Erich naman ay nakarelasyon ni Daniel mula 2015 hanggang 2017.

Reaksiyon ni Daniel, "Mabuti. Good for them. Yeah. Good for them. Masaya sila.
"Masaya din ako. Pero mine, still coming, you know.
"So I still plan everything muna bago ako mag-aasawa, bago ako magkaroon ng mga anak, you know.
"So my own mentality is, like, I have to plan everything ahead. So, then stable sila. Secure yung future nila."
Sino ang hindi niya makakalimutan sa ex-girlfriends niya?
Biro ni Daniel, "Nakalimutan ko na sila, e. Ano pangalan nila? Charot."
Seryosong dagdag niya, "I'm okay. I prefer not to say anything.
"Happy sila, so happy din ako para sa kanila."
Read: James Graham on unexpected coming out: "I'm still in shock."
DANIEL ON BEING AWESAM FIRST ENDORSER
Eksklusibong nakakuwentuhan ng PEP.ph si Daniel sa opening ng ika-siyam na branch ng Awesam Smile Dental Clinic ni Dr. Samantha Rose Bernardo sa 3rd floor ng Venice Grand Canal Mall noong Sabado, July 18, 2026.
Si Daniel ang unang endorser ng nasabing dental clinic.
Aniya: "Masaya. They're big blessing sa buhay ko. Actually I think I was the first endorser of Awesome, you know.
"So, nandoon ako when they started two years ago. And sobrang happy ako para kay Sam and the entire team kasi they're super sipag.
"And ngayon, first time nagkaroon sila ng branch sa mall dito sa BGC, sa Venice Mall.
"This is their ninth branch na. So, God is good.
"You know, it's been blessing them, blessing me. We are big family so growing, growing."

May payo naman ni Dr. Samantha sa mga nagnanais gumanda ang kanilang ngipin sa pamamagitan ng braces.
Ang iba pa nga ay nag-do-it-yourself (DIY) na lang.
Aniya, "Dapat talaga sa lehitimong dentista at huwag basta magpapadala sa mura, e.
"Kasi, ang lagi ko nga ding dental education sa mga patients, the more na pinapatagal natin, the more na tinitipid natin, magkakaroon tayo ng irreversible damage na hindi na talaga mababalik, e.
"Kaya kung ako sa inyo, invest in your oral health. Kasi ang oral health, ang ngipin natin hindi lang yan parang pampaganda or ngiti lang.
"Maraming nadudulot nito like yung function, speech natin, bukod sa appearance. Kailangan nating pangalagaan."
