PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Former Tween Hearts star Joshua Dionisio marries longtime partner

Joshua Dionisio is a former loveteam partner of Barbie Forteza.
by Khryzztine Joy Baylon
Published 5 hours ago
Former Tween Hearts star Joshua Dionisio marries longtime partner
Joshua Dionisio weds longtime girlfriend Allyza Yu in an intimate ceremony attended by family and close friends.
PHOTO/S: Allyza Yu on Instagram

Ikinasal na ang TV host-actor na si Joshua Dionisio sa kanyang longtime girlfriend na si Allyza Yu.

Sa Instagram Stories at Highlights ni Allyza, makikita ang mga ini-repost niyang litrato at video nila ni Joshua na kuha ng kanilang mga bisita sa kasal na ginanap noong July 17, 2026.

Sa mga larawan at video, nakasuot ng traditional Barong Tagalog si Joshua, habang nagningning naman si Allyza sa kanyang elegant at minimalist na white wedding gown.

Former Tween Hearts star Joshua Dionisio marries longtime partner
Photo/s: Allyza Yu on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Karamihan sa mga ito ay kuha sa reception, kung saan makikita ang first dance ng bagong kasal bilang mag-asawa at ang pakikisalamuha nila sa kanilang mga bisita.

Former Tween Hearts star Joshua Dionisio marries longtime partner
Photo/s: Allyza Yu on Instagram

Kapansin-pansin ding payak lamang ang selebrasyon ng pag-iisang dibdib nina Joshua at Allyza, kasama ang kanilang pamilya at ilang malalapit na kaibigan at mahal sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Former Tween Hearts star Joshua Dionisio marries longtime partner
Photo/s: Allyza Yu on Instagram

JOSH AND ALLYZA'S LOVE STORY

Pribado sina Joshua at Allyza pagdating sa kanilang relasyon.

Bagamat may panaka-naka silang upload sa Instagram na magkasama, hindi pa rin malinaw kung kailan naging opisyal na magkasintahan ang dalawa bago magdesisyong magpakasal.

Noong February 7, naging guest players sina Joshua at Allyza sa segment ng Eat Bulaga! na "Gimme 5: Laro ng mga Henyo Lover," kung saan ibinahagi nila kung paano nagsimula ang kanilang pag-iibigan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Godzilla vs. Kong star Kaylee Hottle, 18, dies in car crash

Ayon kina Joshua at Allyza, walong taon na silang magkasintahan.

Nagsimula raw ang kanilang love story nang minsang magpunta si Allyza sa school nina Joshua matapos siyang imbitahan ng isang kaibigan, na kalaunan ay napag-alaman niyang kaibigan din ng aktor.

Pagbabalik-tanaw ni Joshua: "Una, social media lang talaga kasi parang nakita namin yung post, nandoon yung friend namin so in-add.

"Doon kami unang nagka-acquaintance.

"Pero nag-meet kami kasi Foundation Week namin sa school, tapos kinuha siya to assist doon sa isang event.

"Kinuha siya nung common friend namin. Doon kami first nag-meet in person.

"Tapos after nun, mas madalas na siyang kasama ng friend ko, so mas madalas na rin kaming nagkikita."

JOSHUA AS FORMER TEEN STAR

Kilala ng marami si Joshua bilang dating teen star matapos mapasama sa hit fantasy series ng ABS-CBN na Super Inggo noong 2006.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito niya ginampanan ang karakter ni Ken Pamintuan.

Bukod dito, lumabas din siya sa ilang episodes ng Maalaala Mo Kaya.

Read: Makisig, Jairus recall having crush on Kathryn Bernardo during Super Inggo days

Noong 2009, naging bahagi si Joshua ng GMA-7 sa pamamagitan ng Pinoy adaptation ng hit Korean drama series na Stairway to Heaven, kung saan naging ka-loveteam niya si Barbie Forteza.

Dito ay gumanap si Joshua bilang batang Cholo (ang karakter na ginampanan ni Dingdong Dantes), habang si Barbie naman ang batang Jodi (ang karakter ni Rhian Ramos).

Read: Young stars of Stairway To Heaven portray childhood of the lead characters

Dahil sa kanilang chemistry, nasundan pa ang proyekto nina Joshua at Barbie, nang bumida sila sa youth-oriented series na First Time noong 2010.

Read: Barbie Forteza and Joshua Dionisio form a new love triangle with Elmo Magalona

Nagtambal din sila sa GMA rom-com series na Reel Love Presents: Tween Hearts (2010–2012), kasama sina Jake Vargas, Bea Binene, Joyce Ching, Kristoffer Martin, Derrick Monasterio, Louise delos Reyes, Lexi Fernandez, at Alden Richards.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ilan pa sa kanilang pinagsamahang proyekto ang Nita Negrita (2011) at Ikaw Lang ang Mamahalin (2011–2012).

Read: THEN and NOW: The Tween Hearts ladies are all grown up

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joshua Dionisio weds longtime girlfriend Allyza Yu in an intimate ceremony attended by family and close friends.
PHOTO/S: Allyza Yu on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results