PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vilma Santos feels no pressure to land National Artist award

Vilma Santos: "Tanggap na tanggap ko if it’s not meant for me."
by Julie E. Bonifacio
Published 13 hours ago
Vilma Santos no pressure to receive the National Artist Award
Batangas Governor Vilma Santos says her fulfilment is not dependent on getting a National Artist Award: "There's so much more in life. And with all na inabot ko for 72 years sa buhay ko, hindi ako kayang i-kontrol ng isang award lang."
PHOTO/S: @rosavilmasantosrecto Instagram

Nirerespeto ni Batangas Governor at Star For All Seasons Vilma Santos-Recto anuman ang maging desisyon ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) para sa pagpili ng mga hihiranging National Artist ngayong taon.

Isa sa mga nagsusulong para sa nominasyon ni Vilma para sa National Artist for Films and Broadcast Arts recognition ay ang Aktor PH, ang grupo ng mga artista na kasalukuyang pinamumunuan ni Iza Calzado.

Pero hanggang ngayon ay wala pang opisyal na anunsiyo ang NCCA.

Sa ginanap na State of the Provincial Address sa Batangas Province Events Center sa Bolbok, Batangas City, nakapanayam si Vilma ng ilang members ng entertainment media, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Dito hiningan ng reaksiyon si Vilma tungkol sa napipintong paglabas ng listahan ng bagong pagkakalooban ng National Artist award.

“Wala akong alam diyan,” pakli ni Governor Vi.

“But I’m so grateful and thankful sa lahat ng mga nagsusulong nito para sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Mataas ang respeto ko sa National Artist, sa NCCA at ibang namamahala dito.

“Showbiz is my life. I started from there. Kung saan man ako naroroon, utang na loob ko ‘to sa show business.”

Hindi man daw siya tanghaling National Artist ngayong taon, nagpapasalamat si Vilma sa mga nagsulong para i-nominate siya sa naturang parangal.

Pahayag ni Vilma: “Kung hindi talaga para sa akin at hindi pa time, so be it.

"Tanggap na tanggap ko, if it’s not meant to be [or] not meant for me.

“Hindi naman dedepende ang buhay natin nang dahil sa isang award.

"Magpapatuloy ang pag-andar at pagpapatakbo ng buhay nang hindi nakadepende sa award."

Idiniin ng actress-politician na hindi lang pagkamit ng award ang makapagpapasaya sa kanya.

Saad niya: “There's so much [more] in life. And with all na inabot ko for 72 years sa buhay ko, hindi ako kayang ikontrol ng isang award lang. You get my point?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Life is beautiful. And with the responsibilities that I have, helping other people, which is very fulfilling.

"And then, at the same time, thank you Lord for my family. Thank you, Lord, for our health.”

Sobrang dami na raw para sa kanya ang mga natanggap niyang blessings mula sa Itaas.

“Kaya kung doon lang at masisira ang araw ko, hindi naman,” malumanay na sabi ni Vilma.

“Although it is a prestige for your career. Malaking bagay din.

"Pero hindi para kontrolin ang buhay ko kapag hindi ko nakuha, hindi naman.

"There’s so much [more] in life."

Read: Vilma Santos posts “bad seed” message amid Leandro Leviste issue

VILMA SANTOS ON POSSIBLE MOVIE WITH VICE GANDA

Sa kabilang banda, tinanong si Vilma sa posibilidad na magkatrabaho sila ni Vice Ganda.

Nang huli silang nagkita sa isang film festival, nasabi raw ng It's Showtime host na sana ay makagawa ito ng pelikula kasama si Vilma.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nakangiting reaksiyon ng Star For All Seasons: "Oo naman. Bakit naman hindi? Nasa tamang oportunidad yun.

"Ako naman, e, basta right project. Basta maganda yung script.

"Nababagay naman sa akin. Nababagay sa edad kong ‘to.

"Basta sa edad kong ito, ayoko namang magmukhang ridiculous. Hahaha! Mahiya naman ako."

Alam naman daw ni Vilma na hindi gagawin ni Vice na pagmukhain siyang "ridiculous" sa pelikula nila.

“Hindi naman nila gagawin yun sa akin dahil mga kaibigan ko sila. At kung alam nilang pangit, hindi nila io-offer sa akin yun,” pagsang-ayon niya.

May natanggap na raw na script si Vilma at sobra niyang nagustuhan ito.

"Supposedly gagawin ko na sana, ‘no. Because of more important circumstances I had to choose, e."

Pagtukoy niya sa responsibilidad niya bilang gobernador ng Batangas, "Since first year ko, bitin lahat ito. Paano ko naman iiwan ang lahat ng ‘to?"

Read: Vilma Santos reflects on lessons learned amid corruption issues

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

A PROJECT WITH RICKY LEE

Kung sakali ay excited si Vilma kung kailan man siya makabalik sa pag-arte.

Nagustuhan daw niya ang proyektong ginagawa para sa kanya ng National Artist na si Ricky Lee.

Aniya: “Although ang puso ko, e, nasa showbiz. Nanghihinayang ako. Pero hindi ko makakalimutan ang showbiz.

"I don’t know when, pero given a chance, gusto kong gumawa. Ang ganda pa naman ng script. Believe me. Ang ganda-ganda."

Liban dito ay ayaw na muna niyang magdetalye.

"Pero yun na yon muna. Nanghihinayang talaga ako.

"Pero ang alam ko,nakatabi lang naman ata yun. Nakatabi lang naman ata.

"Yung mga ganyang mga movies naman pinanghihinayangan ko. Yung nga movies na bagay sa edad ko. Yung pwede sa akin."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Batangas Governor Vilma Santos says her fulfilment is not dependent on getting a National Artist Award: "There's so much more in life. And with all na inabot ko for 72 years sa buhay ko, hindi ako kayang i-kontrol ng isang award lang."
PHOTO/S: @rosavilmasantosrecto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results