Inamin ng dating Sparkle artist na si James Graham, 19, na ang paglipat niya sa Amerika ang naging daan upang tuluyan niyang matanggap at maipahayag ang kanyang tunay na pagkatao bilang miyembro ng LGBTQIA+ community.
Kasalukuyang naninirahan at nag-aaral si James sa Amerika matapos niyang lisanin ang Pilipinas at iwan ang kanyang showbiz career noong February 2025.
Sa isang video na ini-upload ng Sparkle GMA Artist Center sa social media nitong Huwebes, July 23, 2026, mapapanood ang panayam kay James.
Nangyari ito ilang araw lamang matapos maging usap-usapan online ang TikTok video ni James kung saan makikita siyang may feminine look habang nagli-lip-sync sa kantang "The Sign" ng Ace of Base.
Naka-embed sa video ang makahulugang mensaheng ito: "Start the new life you always wanted."

Nakasaad pa sa caption: "You don’t have to be scared anymore. People will judge you regardless of who you are, so just live your life to the fullest.
"Do it out of kindness, not fear or hate. Don’t let people dictate how you live your life."
Marami ang nagpalagay na iyon na ang opisyal na pag-amin o "coming out" ni James.
Kalaunan, eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dating aktor at dito niya ipinagtapat na siya nga ay miyembro ng LGBT community.
Read: James Graham on unexpected coming out: "I'm still in shock."
James opens up about coming out
Sa panayam ni James sa dati niyang talent management na Sparkle, inamin niyang matagal niyang ikinubli ang kanyang sexual orientation dahil sa takot na mahusgahan ng ibang tao.
Kahit na ang totoo raw ay bata pa lamang siya, alam na niya ang kanyang nararamdaman. Pinili lang niyang itago ito hanggang sa lumipat siya sa Amerika.

Pahayag niya: "I can't lie. Sobrang natatakot ka. Like, if I came out, it was gonna be hell for me.
"I've always felt like this ever since I was younger, but I've kept on denying it until I came here to the US.
"Siguro na-acknowledge ko na lang siya noong pagpunta ko dito, and I realized that I didn't have other people, like, that were gonna judge me, 'cause I always thought that people were gonna judge me."
Read: LGBTQ+ Dads Who Redefine Parenting
Kaya naman ganoon na lang daw ang kanyang gulat sa napakagandang pagtanggap ng mga tao nang mag-viral ang video niya sa TikTok.
Malaking bagay raw ito sa kanya dahil halos buong buhay niya ay nabuhay siya sa takot na ipakita ang kanyang tunay na pagkatao.
Saad niya: "When my video on TikTok blew up, it was just shocking like, I didn't know how positively their reactions would be.
"I've lived a life, like, very scared. Lagi nalang natatakot.
"Hindi ko kayang kumanta sa stage when I was back in Sparkle. Like, I was super scared. I was very insecure.
"I was just living a lie, and I was living in fear.
"And I guess I just got tired of it. "
Sa kabila nito, malaki ang pasasalamat ni James sa mga natutunan niya bilang bahagi ng Sparkle.
Ayon sa kanya, malaking naitulong ng management sa paghasa ng kanyang kakayahan sa pag-arte at sa pagbuo ng kanyang kumpiyansa sa sarili.
Lahad niya: "I guess they taught me a lot. They pushed me a lot to be better at acting.
"To be honest, looking back, like, I needed a little bit of work.
"They really pushed me and my confidence. Naging confident akong makipag-hang out sa mga artista, makipaghalubilo."
Noong 2023, isa si James sa mga ipinakilalang miyembro ng Sparkle Teens ng GMA-7.

Ibinunyag din niya na iisa lamang sa kanyang mga dating kaibigan sa Sparkle Teens ang pinagkatiwalaan niya noon tungkol sa kanyang sexual orientation.
"Actually, isa lang sa Sparkle Teens yung napagsabihan ko talaga, si Keisha [Serna.]"
Excited na rin umano siyang makabalik sa Pilipinas upang muling makasama ang ilan sa kanyang mga dating kaibigan at ipakita at ipakilala sa mga ito ang kanyang bagong katauhan.
"I can't wait to visit the Philippines and then hang out with some of my friends from Sparkle.
"You know, I'll let them get to know me again, who I actually am."
Read: 9 celebrity parents who embrace and support their LGBTQ+ children
Bagamat masaya siya sa bagong yugto ng kanyang buhay ngayon, inamin ni James na nami-miss pa rin niya ang pag-arte.
Sabi niya: "I can't lie, like, I really miss it because acting was one of my passions, but I had to move because of my studies.
"Parang hindi ko kayang pabayaan yung sarili ko din, even though it was my passion.
"Maybe, babalik ako soon after I'm done with college."

JAMES Urges Others Not to Fear Being Themselves
Sa huli, hinikayat ni James ang sarili at ang iba pang dumaraan sa kapareho niyang sitwasyon na yakapin ang kanilang tunay na pagkatao sa kabila ng takot.
Aniya, "You deserve a place in this world. You deserve to be seen. You deserve to be respected and acknowledged."
Binigyang-diin niya na normal lamang ang matakot, ngunit hindi dapat hayaang pigilan nito ang isang tao sa pagtanggap sa kanyang tunay na pagkatao.
Saad niya: "You're brave enough to accept the fact that you are like that.
"You're just afraid, but you don't have to be afraid anymore because lots of people love you and will love you for who you are.
"And if they don't stay, then they're probably not meant to be with you, you know? And also, like, you're very brave.
"People like you are very brave because, sobrang natatakot ka pero hindi mo pa rin, dine-deny ang sarili mo. You're just afraid."
