PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rita Avila says husband FM Reyes recovering after accident

Rita Avila thanks supporters as husband FM Reyes recovers from surgery.
by Arniel C. Serato
Published Jul 24, 2026
Rita Avila gives update on latest condition of husband director FM Reyes
Rita Avila: "Salamat sa mga nagpahatid ng concern k Direk FM Reyes. Sa mga d pa alam, nabagsakan sha ng grinder sa wrist. Inoperahan sha at mabuti na lang ay walang tinamaang artery." Also in the photo is Kate Reyes, their daughter.
PHOTO/S: Instagram

Nagbigay ng update ang aktres na si Rita Avila tungkol sa kalagayan ng kanyanng mister, ang direktor na si FM Reyes.

Sa Instagram kahapon, July 23, 2026, nag-post si Rita ng bagong larawan nila ng asawa at anak nilang si Kate Reyes.

Makikitang may handbrace support sa kanang kamay ang direktor ng Blood vs Duty.

Nakangiti ang tatlo na animo'y malayo na sa kapahamakan si Reyes.

Rita Avila selfie with husband FM Reyes and daughter Kate Reyes.
Rita Avila selfie with husband FM Reyes and daughter Kate Reyes.
Photo/s: Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Rita, mabuti na lamang daw at walang tinamang artery sa braso ng asawa matapos itong tamaan ng grinder.

Nagpapagaling na raw ito sa kasalukuyan.

Saad niya (published as is): "Salamat sa mga nagpahatid ng concern k Direk FM Reyes.

"Sa mga d pa alam, nabagsakan sha ng grinder sa wrist. Inoperahan sha at mabuti na lang ay walang tinamaang artery.

"Kasalukuyan na shang nagpapagaling.

"#direkfmreyes #bloodvsduty"

View this post on Instagram

A post shared by Rita Avila (@msritaavila)

Read: Oyo Sotto, Danica Sotto talk about inheritance from parents

RITA AVILA ASKS FANS NOT TO BE RUDE TO CELEBS

Noong July 22, Miyerkules, unang isinapubliko ni Rita ang disgrasyang tinamo ng asawa sa pamamagitan ng Facebook.

Lunes daw ito nangyari, July 20, habang nasa promo events siya ng kinabibilangang serye, ang Someone, Someday.

Bilang pagpapakita ng propesyunalismo, hindi ipinahalata ni Rita na may bumabagabag sa kanyang isipan at tinapos ang event.

Lahad ni Rita (published as is): "So habang may event kami para sa promo ng Someone, Someday nung lunes, naaksidente naman ang asawa kong direktor na si FM Reyes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Bumagsak sa kamay nya ung grinder sa may wrist."

Kaya paalala niya sa mga tao, huwag masyadong husgahan ang mga artista kung hindi man makakaway o ngumiti sa kanila kung makita nila sa public events.

Ani Rita: "Smile Smile ako sa event pero ung isip ko ay nag aalala.

"Kaya wag kayong malupit sa artista kung hindi nakangiti o nakakaway sa inyo, minsan may dinaramdam din kami.

"Isang hibla ang layo sa mga ugat na pwedeng ikamatay ng asawa ko. Sugod ako sa ospital matapos ang event.

"Inoperahan sha at ngayo’y nagpapagaling na."

Read: Rita Avila's husband, director FM Reyes, injured in accident

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rita Avila: "Salamat sa mga nagpahatid ng concern k Direk FM Reyes. Sa mga d pa alam, nabagsakan sha ng grinder sa wrist. Inoperahan sha at mabuti na lang ay walang tinamaang artery." Also in the photo is Kate Reyes, their daughter.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results