Magbabalik na ba sa limelight soon ang tinagurian dating Queen of All Media na si Kris Aquino?
Noong July 22, 2026, nagbahagi ang longtime makeup artist at kaibigan ni Kris na si RB Chanco sa kanyang Instagram Story ng behind-the-scene sa isang pictorial.
Nakasulat sa caption niya: "The Real Queen we've all been waiting for. Coming soon. [heart emoji] K [heart emoji]."

Hindi malinaw kung anong klaseng "comeback" ang tinutukoy ni RB.
Pero, napabalita noong gusto ni Kris magkaroon ng podcast.
Read: 2 Pinoys recount viral fistfight with pickpockets in Rome subway
FANS EXCITED FOR KRIS AQUINO'S COMEBACK
Sa social media site na Reddit, ibinahagi ng isang netizen ang nasabing post ni RB.
Sabi ng netizen sa caption: "Photo from Ms. Kris‘s longtime makeup artist RB Chanco.
"After everything Ms. Kris has been through with her health, seeing this behind the scenes photo is truly heartwarming.
"Base sa caption ni RB with the letter ’K’ at sa production setup, mukhang malapit na talaga ang kanyang comeback.
"Praying that she continues to get stronger every day. We can't wait to see you back on our screens Ms. Kris."

Komento ng isang netizen, hindi matatawaran ang galing ni Kris kaya ito lang ang may "K" makagawa ng makabuluhang panayam.

May gusto namang mag-podcast si Kris at wala raw siyang pakialam kung gaano ito katagal magdadaldal sa show.

Sabi naman ng isa, bagay raw kay Kris ang podcasting kung saan sasalang na lang siya sa set during interview portion para tuluy-tuloy pa rin ang kanyang paggaling.

Sabi pa ng isa, oay lang mag-comeback si Kris basta maayos na ang kanyang kalusugan. Nakaka-miss daw kasi ang kadaldalan nito at walang prenong tanungan.

Komento ng isa, hindi naman daw masyadong nakakapagod ang podcast kay Kris kaya okay lang daw kung ito ang comeback vehicle niya.

Ilang taon nang nakikipaglaban si Kris sa kanyang iba't ibang auto-immune diseases.
Read: Kris Aquino tests positive for COVID-19 after hospitalization
